Chapter 19: Try

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano ba?!" Hinampas ko rin siya ng ilang beses pero hindi siya natinag. "Ethan, ano bang problema mo?"


Hindi niya ko sinagot. Pinikit ko nalang ang mata ko nang makaramdam ulit ng hilo. Minulat ko lang nang ilapag niya na ko sa sasakyan niya bago mabilis na umikot sa driver seat. Nagsimula siyang magdrive nang hindi ako pinapansin.

Dahil sa bilis niyang magpatakbo ay tuluyan nang umikot ang sikmura ko. Naduwal ako. Mabilis kong tinapik ang kamay ni Ethan. Nakita niya siguro ang itsura ko kaya mabilis niyang tinabi ang sasakyan. Lumabas naman agad ako bago nilabas.

Hindi pa ko tapos ay naramdaman ko na agad ang paghagod ni Ethan sa likod ko. Inabutan niya rin ako ng tubig pagkatapos. Inalalayan niya rin akong umupo sa passenger seat. Iniwan niyang bukas ang pinto bago yumukod para makita ako ng maayos.


"Ayos ka lang?"


Tumango ako bago siya tinitigan. Tinitigan niya rin ako pabalik. Kitang kita ko na naman ang ganda ng mata niya. Natural na mabaha ang pilik mata na nakaka-insecure dahil mas maganda pa kesa sa'kin. Ang matangos niyang ilong na isa rin sa mga asset niyas at mamula-mula niyang mga labi.


"You sure you're okay?" Nakatitig pa rin ako sa bawat galaw ng labi niya. "Let me take you home."

"Don't wanna..."

"You're drunk." Tumingin siya sandali sa labi ko. Ako naman ay tumingin rin sa kanya.

"I told you I'm not. If I am drunk, I might kiss you."

"I know you are." Siya na mismo ang humila sa'kin para mahalikan. Napapikit nalang ako at hinayaan siyang gawin iyon. Kahit ngayon lang.



**



Malaki ang ngiti niya habang nagmamaneho. Ako naman ay nakatingin lang sa paligid. Hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Nang sinabi ko sa kanyang ayaw ko munang umuwi ay tumango lang siya. Siya na rin ang tumawag sa Mama ko para magpaalam.

Mabuti nalang at hindi niya nabanggit na nakainom ako dahil lagot ako don kung nagkataon. Pinikit ko ang mata ko nang makaramdam na naman ako ng antok.


"You want to sleep?" Tanong niya maya-maya.

"Hmm..." Ang tanging nasagot ko nang hindi pa rin nagmumulat ng mata. He reclined my seat.

"Feel better?"

"Shut up, let me sleep."

"Alright, baby." Hindi na ko tumingin sa kanya dahil alam kong malaki na naman ang ngisi niya.


Iyon lang ang huli kong naalala dahil nakatulog na ko.

Nagsisi ako sa ginawa kong pag-inom nang kinabukasan ay sobrang sakit ng ulo ko.


"Hell..." Hinawakan ko ang ulo ko at pinilit na umupo sa kama. "Ma?"


Minulat ko ang mata ko at medyo nasilaw pa sa liwanag galing sa bintana at glass door. Napabalik ang tingin ko sa glass door. Kelan pa nagkaroon ng glass door sa kwarto ko?

Just To Have YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon