"Anong look pinag sasabi mo dyan?" Pa innocent effect ko.

"Yung ano, parang tangang baliw. Pa therapy ka na din kaya kay ate Raven, mukhang kailangang kailangan mo yun eh!" Sabay tawa nya ng malakas..,

"Tse! Speaking of that woman, asan na sya? Malapit na sya kanina ah"...

"Hay naku, nakapasok na po sya sa bahay nya. Sabi nya sumunod na lang daw tayo. Ayan oh bukas na yung gate..geez , lutang ka talaga. Sinasabi ko na kasing tigil tigilan mo kaka marijuana".

"Siraulo, kahit kelan alam mong di ako nakatikim ng kahit anong klaseng droga".

"Whatever,. Let's go at nag hihintay na sa atin ang iyong karibal haha".

Sumunod na lang ako sa kanya, mag bestfriend talaga kami. Pareho kaming baliw eh, mas malala nga lang sya. Sosyal yung house. Paglampas namin sa gate, automatic na nag sara. Yung gate kasi namin may guard pa na nagbubukas eh. Malaki din yung garden. May man made water falls pa sa gitna gitna. Napapalinbutan ng flowers yung paligid. In short parang pumasok ako sa paradise. Black and white lang ang paint na nakikita ko sa bahay nya..

Pagpasok namin sa receiving area, mas lalo pa akong napa wow sa nakita, spacious. May piano sa loob. Makikita sa walls yung mga family picture nila, at least that's what I think.

"Who's the interior designer of this house? It's really cool. This is the kind of my dream house!" Hindi ko na napigilang usisain si Macy. At teka, asan na ba yung Raven na yun. Nakapasok na lang kami at lahat sa bahay nya ni hindi ko pa man lang nasisilayan kahit split ends sa buhok nya..

"Sya lang ata nag design nito, kasi base on what I've heard from my sister, si ate Raven din nag design ng house nila ni kuya Karl."

"What? As in? No way!" In doubt na pahayag ko..parang ang sakit sa ego ko na tanggapin na madaming talent ang babaeng umagaw sa boyfriend ko.

Napako ang paningin ko sa isang frame na nakahanay sa may side table ng sofa, ngiting ngiti sya habang may hawak na flying saucer at may kasamang golden retriever. Teenager pa lang siguro sya dun, kumikislap ang mga mata, siguro dahil sa reflect ng araw. Sumunod naman ay yung naka upo sya sa lap ng isang may edad na lalaki. They both looked so happy in that picture.

"That's tito Ramon, ate Raven's dad. Super close sila nyan.".. kwento nya ng makita sigurong nakatitig ako sa picture...

Sasagot pa sana ako ng marinig ko na may paparating na yabag..ayon na naman yung kabog sa dibdib ko..."come on Shannon, kaya mo yan. Ngayon ka pa ba dadagain kung kelan napasok mo na ang teritoryo ng pusa?"

"Hi ladies, sorry medyo natagalan ako sa kitchen, naubos na pala yung stock kong lemonade so I just made a new one. Inom muna kayo, I'm sure nauhaw na kayo sa paghihintay sa labas, sorry ha, biglaan din naman kasi yung dating nyo. Tapos na traffic pa ko ng konti sa may Muñoz Edsa so...."

I found myself staring at her while she talks. She has the most soothing voice I've ever heard. Parang boses ni Julie Aigner Clark. Yung narrator sa baby einstein. Napaka gentle ng voice..and my, bakit ang Napaka ganda pala nya in person? May cleft chin pa..at yung tibok ng puso ko bakit parang mas lalong na triple ang bilis at lakas ng kabog?..

Na out of balance ako ng may humila sa akin, buti na lang sa sofa ako bumagsak.."Natatanga ka na naman Shannon. Kanina pa tayo pinapa upo ni ate Raven pero nakatunganga ka pa rin sa kanya. Kulang na lang tumulo laway mo..kung hindi lang kita kilala, iisipin kong na love at first sight ka sa kanya".

What?! Ako mala love at first sight sa karibal ko? No way! No effing way! And besides, babae ako! So bakit ako mala love at first sight sa kanya? Kaya nga ako nandito para bawiin ang boyfriend ko diba? Diba?! Hinamig ko ang sarili ko at pasimpleng kinurot ang lukaret na si Macy bago bumulong, "abnormal ka talaga, hindi ako tibo!"

It Started With A LieWhere stories live. Discover now