After ng masalimuot na pinagdaan ko sa buhay, sa sarili at sa pag ibig na rin. Masasabi kong tunay na nga akong naka move on. Stable na rin ako, physically, mentally at higit sa lahat may peace of mind na ako na matagal ding nawala sa akin..when it comes to financial naman, well maswerte din naman ako. Bata pa lang ay may trust funds na kaming magkakapatid mula sa grandparents namin sa paternal side. Kaya kahit nung maghiwalay yung parents namin ay hindi naman kami nahirapan..until now na may mga asawa na yung ibang kapatid ko, maalwan pa rin kami financially. Malaki na rin ang savings ko sa iba't ibang bangko mula sa ilang taon kong pagtatrabaho..





Nag start na kong gumawa ng babaunin kong lunch, medyo kuripot ako kaya mas preferred kong lutong bahay ang kinakain ko pag nasa trabaho. Mas healthy pa. Usually mga easy made food lang naman. Tulad ngayon trip kong sandwich lang kainin ko for lunch. But this is not just ordinary sandwich. Mahilig kasi akong manood ng mga cooking show kaya kahit paano may napi pick up na rin akong mga lutuin. It's made of canned tuna, celery, chopped onion, peanuts, any kinds of your choice but I like walnuts. Then instead of mayo, greek yoghurt ang ginagamit ko para mas healthy. At saka ko ira-wrap sa lettuce. O diba bongga? Try nyo din. Yum yum..


After ko mailagay sa lunch box ko, nag start na ko ng breakfast. May mga stock na ko na ready to eat na food sa fridge. OC nga ako kaya gabi pa lang hinahanda ko na yung mga kakailanganin ko kinabukasan. Less hassle na rin at higit sa lahat, it saves time. Pwede pa kong magbasa ng dyaryo. More than 40 minutes din ang ginugugol ko kapag kumakain. Then liligo, bihis at pagpatak ng 8am, nasa byahe na ako. 9 o'clock ang first session ko sa aking estudyante kaya sakto lang..half an hour ang layo ng center mula sa bahay ko kaya di ako nahihirapan..


Pagkarating sa building kung saan located ang CLC ay agad akong nag park. Nasa 6th floor pa ito kaya kailangan ko mag elevator. Buong floor ang na lease namin na mayroong 12 different rooms para sa bawat sessions ng mga bata..sa ngayon ay may 8 teachers na kaming nakakatulong aside sa mga interns from different schools.

Everyday, limang bata ang hinahawakan ko. Iba't iba ang mga cases nila. Autism, down syndrome and ADHD are just the few cases I handled. Hindi sya madali. Minsan may times na masa wild mood sila. Andun yung mananakit sila kaya ibayong patience talaga ang kailangan para sa ganitong larangan. Dapat medyo stern ka. Kasi kung hindi, hindi mo sila mapapasunod..pero dapat pinapahalagahan, at may kasamang pagmamahal at kalinga ang bawat bata. Hindi mo dapat iparamdam na iba sila..

Yun ang isa sa mga sikreto ko siguro kaya ramdam kong mahal din ako ng mga batang tinuturuan ko, for seven years of teaching, masasabi kong ang pinaka greatest achievement ko is yung nakikita kong malaki ang nagiging improvement ng mga batang hinahawakan ko. Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero marami na rin akong estudyanteng noong unang turuan ko talaga ay hindi man lang nakakapagsalita kahit mama at papa, pero sa unti unting tiyaga at pagtutulungan ng mga doctor at co teachers ko ay may future na maging normal sila. Magkaroon ng sariling pamilya at mga anak..

Even nowadays, kahit yung may mga down syndrome malaki na din ang potential nila. May model na, chef at meron ding nagkakaron ng pamilya. Kaya everyday inspired akong magturo sila. Kaya kahit na zero ang buhay pag ibig ko ay masaya pa rin ako..




Natapos ang araw ng hindi ko namamalayan..until 6 ang last session ko kaya bago mag 7:30 ay nasa bahay na ako. Ganun lang ang daily routine ko. Boring diba. Lumalabas lang kami ng barkada pag may okasyon. Kaming dalawa na lang ni Jane yung wala pang may asawa kaya mas maalwan pa sched namin, so anytime na may mag aya, gora kami agad.

"Girls daan naman kayo sa coffee shop ni Macky, dun na tayo mag dinner". Narinig kong aya ni Karl.


"Libre mo?"...tanong ko naman.

"Para sayo bunso, sige on the house na", pabiro pa nyang ginulo ang buhok ko. Bunso ang pet name nila sakin kasi ako pinaka bata sa amin, sa months lang naman kasi pare pareho lang naman kaming 27 years old ang edad.

"Guys di ako pwede. Magkikita kami ni Jerry sa Morato. Opening ng bar nung friend nya. Sorry". Apologetic na sabi nito.



Ganun din daw si Lanie, kailangan daw nyang makauwi ng maaga. Family matters naman, si Jane may blind date daw kaya kaming dalawa lang ni Karl ang natira.

"Tingnan mo to si Jane, ang tanda na pumapatol pa sa blind date na yan. Kaya di siniseryoso ng mga lalaki eh ". Naiiling na nasabi na lang ni Karl. Natawa na lang ako. As much as possible, ayokong nangingialam sa love life nila. Pwera na lang kung sila mismo yung lumalapit sa akin.



Nagsibaba na kami ng building, pag dating sa parking kanya kanyang sakay na kami sa kotse namin. Nag convoy kami ni Karl. Since nasa Banawe lang naman yung coffee shop ng asawa nya, ilang minuto lang ang layo sa CLC which is nasa along Quezon Ave lang kaya nakarating agad kami.




Tuwang tuwa si Macky ng makita ako, after kasi nyang bumati sa asawa nya ay ako naman ang pinupog nito ng halik sa mukha..



"Di mo naman ako masyadong na miss nyan ano?"

"Bakit parang lalo kang gumagandang bruha ka. Parang everytime na magkikita tayo para kang rosas na bago pa lang mamumukadkad. Nagpapa Belo ka ba?" Anito na inikot pa yung mukha ko.


"Ano ba, mababali ang leeg ko sa ginagawa mo. At FYI, never pa ko nagpa Belo. Natural yan.."



"Partida pa yan besty, wala kang ka make up, make up ha. Sure kang ayaw mo ng hotdog? Sayang ang lahi mo!"..

"Oh my gosh! Napaka vulgar mo talagang babae ka!" Nasa shock na hinila ko na lang sya papasok sa loob ng pantry nya. Call me prude pero hindi talaga ako sanay sa mga ganung usapan.

Tinawanan lang ako ng bruha. Napasukan namin na naghahanda na ng pagkain si Karl at yung isang staff nila...nag umpisa na kaming kumain. Halos si Macky ang bumabangka sa usapan. Walang tigil sa kakadaldal eh. Nalaman ko din na 6 weeks na naman syang buntis.

Sinabi kong di pa nag iisang taon ang inaanak kong si Maverick sinundan na agad nila. Ganun daw talaga pag gabi gabing may German sausage na kinakain..bwisit talaga ang babaeng to, hindi na ko mapakali sa inuupuan ko. Samantalang silang mag asawa tawa lang ng tawa. Grrr...

Naputol lang pang aalaska nila sa akin ng biglang tumawag yung kapatid nya...then she gave me a knowing look..pagkababa nya ng telepono, sinabi nyang on the way na daw sila nung soon to be PA ko.


"Patinuin mo sya besty. I know you can do it. I have faith in you". Minasahe pa nito ang likod ko na parang nang che cheer pa, tsk...

I gave her an annoyed look in return and said, "we'll see".....







It Started With A LieWhere stories live. Discover now