Chapter 11

653 33 1
                                    

I'm really excited. Tomorrow, Mike will be home again! I can't wait. I want to fix this whole mess, and I will make it up to him.

Today is Friday. Nandito lang ako sa bahay at nakaupo. It's already past six in the evening. I was watching tv when my phone rang. It's an unknown number, but I answered it anyway.

"Fab?" Bungad niya sa akin. I know who this is.

"Ano na namang kailangan mo, Nat?" I asked him. Hindi na talaga ako tinantanan nito eh.

"Can I come over?" He asked. "I just need to tell you something."

"Bakit hindi mo na lang dito sabihin?" Bagot kong sagot.

"I want to say it in person." He said. Pumayag ako since hindi naman siya siguro matatagalan dito diba? I ended the call, at saktong pagkapindot ko ay nagshut down na ang cellphone ko.

I heard a car outside the house and someone rang the doorbell. Lumabas ako para pagbuksan siya ng gate.

"Surprise!" Nagulat ako nang makita ko si Mike. I ran into him to hug him.

"Akala ko ba bukas ka pa makakauwi?" I asked him.

"I managed to finish the work last night so I could go home as early as today," he said. "I missed you."

"I missed you, too. Tara pasok na tayo." Sabi ko at kinuha niya ang mga gamit niya mula sa sasakyan bago kami tuluyang pumasok sa loob.

Dumiretso siya sa kwarto para magbihis. Naiwan ako sa sala, watching some good show. Suddenly, I heard the doorbell rang.

Oh my gosh! I nearly forgot! Pupunta nga pala si Nat ngayon.

Dali dali akong pumunta sa gate at pinagbuksan siya.

"Hello, Fab!" Bati niya sa akin.

"Oh, nandyan ka na pala." Nag-aalangan kong sabi at napakamot sa ulo. "Ano nga pala yung sasabihin mo?"

"Hindi ba mas maganda kung papapasukin mo ako?" Sabi niya at ngumiti. I sighed. Paano na ito?

"Ah-- eh-- kasi Nat--" hindi na natapos ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si Mike

"Magandang hapon, bro. Anong sadya mo dito?" Bati niya mula sa pinto. Mabagal siyang naglakad papunta sa gate at inayos ang kwelyo. "At bakit kailangan mo pang pumasok sa bahay namin?"

"Mike..." I said. Nagkatitigan silang dalawa. Oh no.

"Tell me, Fab. Palagi ka ba niyang pinupuntahan?" He asked me. Tumingin siya sa akin at nginitian ako. Ngiting nakakatakot. "This time, I want to hear the truth."

"Yes, Mike." I said looking down. He laughed. Alam kong galit na siya, but he wants to keep his cool.

"So, all this time, palagi kayong nag-uusap at nagkikita?" Sabi niya at tumawa pa ulit. "My goodness, Fab."

"I'm sorry, Mike. Akala ko kasi kaya kong--" hindi na niya ako pinatapos at nagsalita na naman siyang muli.

"Kaya mong ano? Tanggihan? Gaano ba kahirap humindi, Fab?" he said, raising his voice. I got scared for a second. Ngayon niya lang ako pinagtasaan ng boses. Naiiyak ako.

"Pasensya ka na, Mike. Ako talaga ang nagpupumilit palagi. Wala siyang kasalanan," nagsalita na si Nat at tumawa ulit si Mike nang nakakaloko.

"Pasensya?" sabi ni Mike at muli na namang tumawa. "Tanga ka ba? Ay mali, ako pala yung tanga. Ang tanga ko kasi naniwala akong ako pa rin ang mamahalin mo kahit bumalik si Nat sa buhay mo." He said and looked at me. "Mahal mo ba talaga ako?"

"Oo naman, Mike." Sabi kong mahina at akmang yayakapin ko siya nang hindi niya ako pinayagang gawin.

"Mahal mo ba ako dahil mahal mo ako? O mahal mo ako dahil gusto mong ipakita sa ibang tao na tapos mo nang mahalin ang lalaking 'to?" Tanong niya ulit. Nakaramdam ako ng pagkabasag ng puso ko.

"Dalawang taon. Dalawang taon ka nang nagkukunwari, hindi ka pa ba pagod?" sabi niya at napansin ko ang pangingilid ng kanyang mga luha. "Ganyan ka ba magparamdam ng pagmamahal?" tanong niya at tumawa siya ng mahina. "Kasi ang sakit eh."

Naglakad siya papasok sa loob ng bahay. Tinawag ko siya sa pangalan ngunit hindi niya ako nilingon. Napatingin ako kay Nat at agad siyang humingi sa akin ng patawad. "I'm really sorry, Fab."

"Look at what you've done!" Sabi ko at pinagsarahan siya ng gate. Tumakbo ako papasok sa loob at nakita ko si Mike na pababa ng hagdan, dala dala ang kanyang susi. "Mike..." tawag ko sa kanya ngunit nilampasan niya lang ako. Dumiretso lang siya palabas ng bahay. Naabutan niya si Nat na nakatayo sa labas ng bahay at sinapak ito sa mukha.

"Damn you."

Nagpatuloy ito sa paglalakad at pumasok sa loob ng sasakyan. He drove away without even saying goodbye.

Lumapit ako kay Nat na ngayon ay nagdudugo ang ilong. "I'm sorry, Nat. Come, gamutin natin yan."

Inalalayan ko siya papasok ng bahay at iniupo siya sa sofa. I took my first aid kit at ginamot ang kanyang pasa at duguang ilong.

"Pasensya ka na sa ginawa ni Mike," sabi ko. He sighed. Inabot ko sa kanya ang ice pack para sa kanyang mga pasa.

"No, it's alright. I deserve this. I'm the one who should be sorry." Sabi niya at inilagay ang ice pack sa kanyang pisnge. "Sorry for messing with your life."

I sighed. Sobrang nagalit ako kay Nat sa mga nagawa niya, pero naisip kong kasalanan ko rin dahil inakala kong makokontrol ko ang sitwasyon. Akala ko ay makakaya ko. Pero hindi ko nagawa. Hindi ako naging totoo sa kanya. Patuloy akong nagsinungaling. One lie after the other. I should be the one to blame.

What have I done?

Her Biggest Plot TwistWhere stories live. Discover now