Chapter 7

673 34 2
                                    

"Mike Xenon Dorado po." Kabadong sabi ni Marie sa nurse. Hinanap ng nurse ang pangalan ni Mike. Her heart is beating really crazy.

"Room #87 po." Sabi noong nurse. Agad kaming naglakad papunta sa elevator at nang makarating sa tamang palapag, hinanap namin ang kanyang kwarto.

"Mike." Sabi niya pagpasok ng kwarto.

"Ano pong nangyari, Tita?" Nagaalala niyang tanong sa ina ni Mike. Halata mo na ang nerbyos na bumabalot sa boses niya.

"He fell down. He lost his sense of touch and feel. Doctors said he was lacking potassium." Sabi ni Tita at agad namang lumapit si Fab kay Mike. Tinabihan niya ito at hinimas ang buhok ni Mike.

Marie's Point of View

"Diba sabi ko lagi kang kumain ng saging?!" pangaral ko sa kanya na may tonong pagaalala. Kinabahan ako ng bongga sa kanya.

"Sorry, panget." Sabi naman ni Mike at iniwas ang tingin sa akin.

I sighed. Sobra akong kinabahan. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. "Never make me worry again, okay?"

"Okay, I promise." tipid na sagot ni Mike.

Kinausap ko ang doktor at sinabi nitong makakalabas naman na si Mike ngayong gabi. Lumabas na kami ng ospital at umuwi sa bahay. Maingat ko siyang pinapasok sa loob ng bahay.

"Sabi ko naman sayo Mike diba, kumain ka lagi ng saging and always take your medicine!" Tonong may halong pagka-inis na sabi ko sa kanya. He was not looking at me, instead he looked down, playing with his fingers.

"I'm sorry, Marie." mahina niyang sabi, still refusing to make eye contact with me.

"Paano kung may nangyari sayo? Alam mo namang ikaw lang ang kahinaan ko, diba?" I said as I made him face me, touching the side of his face.

"Ako nga lang ba?" Sabi ni Mike at napabuntong hininga. Nagulat ako sa sagot niya. Why is he bringin this up now? At first off, walang namamagitan sa amin ni Nat. I hate it when he does this. I feel really uncomfortable.

"Excuse me?" Sabing irita naman ni Marie. Pinipilit ang sarili na hindi bungangaan si Mike. "Alam mo Mike Xenon Dorado, ikaw lang naman ang iniisip ko eh. Alam mo ba kung gaano ka kahalaga sa akin? Isipin mo, gumigising ako araw-araw at pag gising ko, ikaw ang nakikita ko, alam mo bang dahil dun nabubuo araw ko? E kung wala ka na sa tabi ko? Masisiraan ako ng bait ko dito." Sabi ni Marie at hindi na nga niya napigilan ang magbunganga.

"Lahat naman siguro ng mahal mo, ang mommy mo, daddy mo, kuya mo, at mga best friend mo, binubuo ang araw mo." Sabi ni Mike

"Oo naman."

"Nasiraan ka rin ba ng bait nung mawala sayo si Nat?" tanong niyang muli. Why does everything have to be about him? Gaanon na lang ba kalaki ang insecurities niya kay Nat? I sighed.

"Ano bang gusto mong iparating Mike?"

"Sagutin mo ako. Nasira ba buong taon mo nung mawala si Nat sayo?" Ulit pa nito. Anak ng patola, alam niya namang ayoko sa lahat eh yung pinag-uusapan ang nakaraan.

"Yan ang kahinaan ko, Marie." Sabi ni Mike at ngumiti ng bahagya. "Kapag bumalik ka sa nakaraan at naitama na ni Nat ang lahat ng mali niya, siya at siya pa rin ang pipiliin mo."

"Ano ka ba naman, Mike. Two years ko na siyang kinalimutan. Atsaka, bakit ba napunta sa akin ang galit, eh diba ako ang unang nagagalit sayo? Don't turn the tables here!" Sabi ko, defending myself. He managed to get up to his feet and ake his way to the stairs. Umakyat ang loko at iniwan ko. Aba mokong yun ah! Tinalikuran ako?! Arrgghhh!!! "Hoy, Mr. Dorado! Bumalik ka dito!" Sigaw ko pero hindi pa rin siya lumingon.

Napilitan tuloy akong matulog muna sa sofa. Leche.

8:07 A.M., Teacher's Village.

"Well, well, ang mala-dyosa kong nobya, dito talaga natulog sa sofa." Sabi ni Mike na naka crossed-arms pa.

"Tiis ganda ako dito buong mag-damag! Leche ka!" Sabi kong inis. Agad akong bumangon at nag-ayos. Pagkatapos, diwata na ulit.

"Galit ka pa din ba?" Tanong ko habang nag-aalmusal kaming dalawa.

"Hindi na." Sabi niya at napabuntong hininga.

"Basta, Marie, wag na wag mo akong iiwanan ha, mahal na mahal kita, tandaan mo yan."

"Hindi kita iiwanan. Tandaan mo yan." I softly told him and he touched my lips.

Nat's Point of View

I'm in such vain now. Makita mo ba naman ang mahal mong may kahalikang iba, tignan ko kung di ka masaktan.

She's a heartbreaker. Sabi ko sa sarili ko. Bibisitahin ko sana silang dalawa, kaso kung madadatnan ko silang dalawa na ganito, aba, para namang panira moment ako.

Naisipan kong umuwi na lang. Palabas na ako ng gate ng makita ko si Pree, "Nat? Anong ginagawa mo dito?"

Hindi ko siya sinagot, tinignan ko lang siya at umalis.

Her Biggest Plot TwistWhere stories live. Discover now