Chapter 2

1.2K 50 1
                                    

"Mahal kita, Marie," he said, smiling at me. I was stunned and didn't know what to say.

"I'm s-sorry..." sabi ko habang humihina nang humihina ang boses ko. I froze for a while.

"No, Fab, it's okay. I understand," sabi niya naman at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang mga mata niya, para bang iiyak, pero ngumiti pa rin siya sa akin. "Hindi mo naman ako kailangang mahalin pabalik. Alam kong hindi ka pa nakakamove on sa ex mo, so don't worry. I'll give you time to heal. I'm not here to rush you."

"Pero Mike—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hawakan niya ang bibig ko ko.

"Even if it takes you a hundred years, I'll wait. You don't have to love me back, but I do want you to know that I love you," he said and he smiled once again. Tuluyan nang pumatak ang luha niya. He looked down, letting go of my hand.

"Mike, you're amazing. I like you, too. It's just— I'm scared of things, you know. I'm scared of getting hurt again," I explained. Hinawakan ko ang pisngi niya, and I saw him smile bitterly. "Ayoko nang bumalik sa ganitong sitwasyon. Ayoko nang umiyak nang umiyak. Sawang sawa na ako sa kakatanong sa sarili ko kung ano bang mali sa akin. Ayokong buohin 'yung sarili ko para masira lang ulit."

"I understand. Hindi kita masisisi. You were hurt so badly. That fucking guy deserves hell for what he did to you," ani niya at pinunasan ang luha niya.

"I'm sorry," muling sabi ko at tumayo sa kinauupuan ko. Agad kong sinuot ang coat ko at lumabas ng restaurant.

I'm too scared to fall in love again.



Inhale. Exhale.

Kinuha ko iyong order ko. Hindi na ako nag-atubiling sagutin pa ang pangungumusta niya. You got this, girl. Naka-move ka na. Don't worry.

Iniwasan ko ang gawi niya at tinalikuran siya. Hinawakan niya ako sa balikat para pigilan ako sa paglalakad. What does he want? Why is he being such a total jerk?

"Fab, wait lang," He said, not letting go of his grip. Why is he doing this to me? Pagkatapos ng lahat nang ginawa niya sa akin? Ganito na lang ba kadali ang lahat? Ganoon na lang ba kadali ang lahat?

"What do you want?" I said as I arched my brow, facing his direction. Hindi ko siya magawang tingnan nang mata sa mata. Kahit na nanghihina ako ay hinarap ko pa rin siya. Hindi ko inakalang dito ko pa siya makikita. Really, tadhana? Of all places in world?

"Fab, just let me talk—"

"That's bold of you, no?" I said calmly, but deep inside, ang sarap niyang tadyakan sa mukha. Nangingilid ang luha ko pero pinipigilan kong hindi maluha, pinagdadasal na sana ay makisama ang mga mata ko. I swear to God, I'm going to punch him if he ever tries to touch me again.

"Just let me talk," sabi niya naman. The nerve of this guy.

I looked at him and gave him a smile. "Fuck. Your. Self."

Agad naman akong pumunta sa table namin at niyayang umalis ang mga kaibigan ko. "Tara na, Pree, Mia."

Tama na Marie. You're over it.

I texted Mike to pick me up. Nauna nang umuwi ang dalawa. They took an uber and they said they'll be fine. Nandito ako sa exit at hinihintay na dumating si Mikael.

*beep beep*

"Panget! Tara na!" Rinig kong sigaw niya at lumapit ako sa kotse niya. I slid into the passenger's seat and him, over the driver's. I sat down dead silent.

"Uhm, Mike," I began. "I ran into Nat... earlier."

He looked at me for seconds, but focused yet again on the road. I felt nervous, but I believe I have done nothing wrong. I mean, hindi ko naman ginustong makasalubong ang kupal na 'yun. Malay ko bang makikita ko siya doon. If I knew, hindi na dapat kami pumunta doon.

"It's okay, you're over with him, right?" He calmly said and it made me smile. Smile of relief. For a second there, I thought he'd go bananas over that thought.

"Of course naman! Sasagutin ba kita kung hindi pa ako naka-move on sa kanya?" I said, beaming him a smile.

"Oo na, Ma'am." Ngiti nito at muling nag-focus sa pagmamaneho.

Nakarating kami sa bahay at dumiretso sa kuwarto. I decided to take a shower, and after that, I managed to lay in bed. This day is so tiring. I wonder why.

"Kailan ka nga pala magrerenta ng space para sa café mo, panget?" He said while unpacking my luggage and bags.

"Uhm, pwede mo ba akong samahan bukas?" I said biting my lower lip.

"Sure for sure." Sabi niya at ngumiti sa akin.

I made the right choice for choosing you, Mike Xenon. I made the right choice.





"Mahal... gising na," Nagising ako sa halik sa noo ni Mike. I slightly smiled, but still too lazy to get up.

"Five minutes," I whined at sinubsob ang mukha ko sa unan.

"Stop whining and get up," sabi niya at ikinagulat ko naman ang pagbuhat niya sa akin na para bang isa akong bride. Naligo na ako at nagbihis. Maghahanap nga pala ako ng matatayuan café.

"Let's go," I said and we drove off to town. Nagpunta kami sa city square at nag-hanap ng space for lease para sa pagtatayuan ko ng café.

"Try contacting this one," Sabi ni Mike at itinuro sa akin ang isang for rent na space. Gusto ko na talaga kasing mag-tayo ng café. Pangarap ko na talaga ang makapagpatayo ng isang café. Grabe ang effort and sacrifices na ibinuhos ko dito para maisakatuparan ito.

After settling with the contact person, we decided to go shopping, kaya naman nagpunta kami sa mall para mamimili.

"Panget, gusto mo nito?" I asked him and he nodded. The color gray fits him perfectly, it's like the color was made for him. "Ako na magba-bayad sa cashier," sabi niya at kinuha lahat ng dala ko.

"Thank you," I said smiling. Ang gentleman niya talaga, ever. That's another thing I fell in love with. Pumunta muna ako sa iba pang damitan na malapit sa cashier, habang hinihintay si Mike. Habang nagtitingin tingin ako sa mga damit na nakadisplay, naramdaman kong may nakatayo sa likod ko, so I turned around to confirm.

"What the fuck?"

Her Biggest Plot TwistWhere stories live. Discover now