Kabanata 27: Rebelasyon

Start from the beginning
                                    

"Ano yun?" Nakakabahan kong tanong.

"Ikaw ba ang naghatid o nag-alalay sa akin ng gabing yun sa bahay?" Seryoso pa rin na tanong nito.

"Oo! Kasi tinawagan ako ni Greg at nagpatulong" deretso kung sagot. Akala ko na kung ano.

"Okay! pero bakit ginawa mo yun?" Dagdag pa niyang tanong. Akala ko na wala ng follow up question.

"ah eh...alalay mo ako natural responsibilidad na gawin ko yun" sagot ko naman. Totoo naman!

Ngumiti lang ang loko.

"Akin na nga yan" sabi ko at inagaw sa kamay nito ang kwintas at umalis dun.

"Di ka ba magpapasalamat" pahabol niya.

"thank you" sigaw ko naman na nakatalikod.

Nagderetso na ako agad sa student park. Gusto ko munang mapag-isa kasi naguguluhan ako magsimula ng mangyari to. Panay naman ang text yung dalawang kaibigan ko pero dedma lang. Alam kung tatadtarin nila ako ng one million centavo question sa kanilang nalaman na gf ako ni Vince pero kunwari lang naman.

"Totoo ba yung nabalitaan ko?" Biglang may nagsalita sa likuran ko na nagpagulat sa akin.

Paglingon ko si Jake pala.

"Hah? Ikaw pala...nanggugulat ka naman" sabi ko.

"Sorry...pero totoo ba yun?" Tanong niya ulit at umupo sa tabi ko.

"Ang alin?" naguguluhan kong tanong.

"Na girlfriend ka na ni Vince?" sagot naman nito. Oh my! Kalat na nga talaga.

Sasagutin ko na sana ang tanong nito ng biglang sumulpot sa harapan namin si Jen. Ang bruhang babae. Di talaga ako tatantanan ah.

"Tignan mo, ikaw talaga ang malandi kasi pati si Jake papatulan mo pa" galit niyanj pahayag at tinuturo pa ako ng bruhang babaeng to.

Nagalit ako sa mga pinagsasabi nito. Tatayo sana ako para sugurin siya pero pinigilan ako ni Jake.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Galit kong tanong sa kanya.

"Haha...wala bang naikwekwento sayo ni Vince? Well, tanungin mo siya baka kasi kung sasabihin ko ay ako pa magmukhang sinungaling at maninira" sagot nito at umalis na sa harap namin.

Pagkaalis ng bruhang Jen na yan ay seryoso kung hinarap si Jake. Siya na lang ang tanungin ko total nabanggit ang pangalan nito.

"Kilala ka pala ni Jen?" Seryoso kong tanong.

Tumango lang ito at napayuko.

"Paano? At bakit ganun ang nasabi niya hah?" pilit kong pinapakalma ang boses ko.

"Naging gf ko siya pero inagaw siya ng sarili kong kaibigan na si Vince" sagot naman nito.

Nagulat ako dun. Di ko inakala ang lahat kaya mas lalo akong nagalit.

"Ano? Bakit mo inilihim sa akin ang lahat? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang lahat? Akala ko kaibigan mo ako" galit kung pahayag.

"Dahil ayoko na masaktan ka" sagot naman nito saka tumitig sa akin.

"Masaktan? Ha? saan?" Galit na pahayag ko.

"Kaya ba nagkainteresado ka na lapitan ako nung malaman mong kasama ako palagi ni Vince para gamitin ako sa paghihiganti sa kanya" dagdag ko pang pahayag.

Napailing lang siya.

"Huwag ka ng magkunwari kasi bistado ka na. Tama nga si Vince na noon pa man ay iniwasan na kita" pahayag ko.

"Oo! Inaamin ko na yun ang plano ko sa una pero nung makilala kita ng husto ay di ko itinuloy kasi napamahal ka na sa akin" katwiran naman niya.

"Tama na! Tigilan mo na ang panloloko mo at pwede ba huwag mong sabihin yan kasi ayaw kung madamay sa away niyo ni Vince" galit kung pahayag saka tumayo dun.

"Sana mapatawad mo ako" narinig ko na lamang ng umpisahan kung maglakad.

Di ko alam kung saan ko pupunta. Naglalakad na lang akong palabas sa campus. Ang sakit ng pakiramdam ko sa nalaman ko. Na niloko ako. Lalong lalo na ni Vince.

Alam kung pagpapanggap ang lahat pero bakit nasasaktan ako nung malaman ko yun. Na naging sila ba talaga ng Jen na yun? Sana di agad ako nagtiwala.

########
Guys...alam niyo na! Comment and vote naman kung nagustuhan niyo...

Abangan pala ang nalalapit na pagtatapos ng nobelang to.

Salamat readers!

Perfect Haters Perfect LoversWhere stories live. Discover now