Kabanata 27: Rebelasyon

253 7 0
                                    

"Kung gawin mo yan di mas guguluhin ka ng mga estudyante pag malaman nila na pagpapanggap lang ang lahat"

JOYCE POV

"Alam mo ito na ang sinasabi ko sayo?" Galit ko nang sinabi kay Vince pagkarating namin sa white house.

"Kung bakit di na lang iba ang ipinakilala mo na magpanggap na gf mo" dagdag ko pang sabi. Oo! May parte na gusto ko nang tigilan ang pagpapanggap na ito.

Ngayon ko lang napagtanto ang hirap at gulong pinasukan ko. Na ngayon ko lang naisip ang mga posibilidad na mangyari.

"Ano bang problema mo? Di ba nagkausap na tayo tungkol dito? Na ipagpatatanggol kita sa mga nanghuhusga sayo" kalma niyang sagot.

Alam ko na sinasabi lang naman niya yan para panatagin ang sarili ko.

"Basta! Kahit na ipagtanggol mo ako di pa rin maiiwasan yun" asik ko pa rin.

"So ano gusto mo nang tigilan to? Na sabihin mo na pagpapanggap lang ang lahat?" Seryoso niyang tanong.

"Oo!" Sigaw ko. Gusto kong ibalik yung normal na pamumuhay ko.

Biglang nalungkot ang aura nito ng sabihin ko yun. Wala akong pakialam. Basta ayoko na.

"Kung gawin mo yan di mas guguluhin ka ng mga estudyante pag malaman nila na pagpapanggap lang ang lahat" seryoso niyang sabi kaya napaisip ako at tama siya. Mas lalong maging misarable ang buhay ko. Maraming manghusga at mang-away sa akin kung bakit ko ginawa yun.

"Kaya ituloy na natin to hanggang maitaboy natin si Jen saka natin sabihin ang lahat sa kanila at gusto mo bang malaman kung bakit ikaw ang pinili ko na magpanggap na gf ko?" Seryoso niyang pahayag kaya napatango na lang ako.

"Kasi gusto kita" deretso niyang sagot. Ano raw? Ako? Gusto niya? Oh my! Totoo kaya? Feelingera nga talaga ako. Hahaha...

"Wag kang feeling...ang ibig kung sabihin ay gusto kita na ikaw ang magpanggap ng gf ko kasi mas matagal na kitang nakasama kasi naging alalay kita" dagdag niyang sabi.

Hayss...nakakainis ah. Ang sarap suntukin ang mukha. Akala mo kung sino.

"Hoy! Napasaya ba ako sa sinabi mo na gusto mo ako? Di no! Over my dead beauty, di kita papatulan" inis kong sumbat.

"Diyan ka nga!" Dagdag ko pang sinabi saka iniwan dun. Baka mas lalo pa akong mainis sa kanya at mahalikan ko...joke lang...as if naman na makaya ko.

Pero bigla siyang may sinabi kaya napatigil.

"Sayo ba to?" Tanong niya.

Lumingon ako at nakita ko ang hawak nitong kwintas. Oo! ang kwintas na akala ko nakalimutan ko na kung saan ko inilagay.

"Oo! Paano napapunta sayo yan?" Pahayag ko.

"Napulot ko sa kwarto ko ng magising ako nung nalasing ako sa isang gabi" sagot niya.

Kaya naaalala ko ang gabing yun. Ang gabi na aksidenteng nahalikan niya ako. No! Wag ko nang isipin ang importante maibalik na nga ang kwintas ko.

"Hah? Akin na nga yan?" Inis ko.

"di pwede" sagot naman niya.

"Anong di pwede ka jan eh pag-aari ko yan?" Inis ko pa rin.

"Basta sagutin mo lang ang tanong ko" bigla niyang seryosong tanong na nagpakaba sa dibdib ko.

Perfect Haters Perfect LoversKde žijí příběhy. Začni objevovat