Umupo siya ng maayos at inayos yung buhok niya. Maayos naman e -_____-

Tumingin ako kina Rhanz na inaasar padin Kami. Lalo na si Nathan! Napakalakas mang asar!

" Ayieeee! Jayle ha!! KEN KA NA PALAAAA. WHOOOOOO! " pang aasar ni Nathan inirapan ko siya. mag sasalita na sana ako ng may nag salita.

" ANO BA? NAPAKAINGAY NAMAN EEEH!! NAKAKAIRITA KAMO!!! " napatingin ako sa babaeng pababa ng hagdan. Si Ailee.

Napatahimik naman si Nathan. Bigla nalang akong nag smirk sa kanya. Bigla nalang siyang tumungo. HOHO!

Salamat kay Ailee nanahimik na din yung boyfriend niyang epal.

***

" Bye na guys. Ingat kayo ah! Mamimiss ko kayo. " sabi ni Elle sa amin. Halos naiyak na kaming pwera lang sa boys.

Nag group hug kaming girls. Si Elle naiyak na din. Huhu

Si Haycee at Ailee, iyak ng iyak. Yung parang namatayan na. Ako naman tsaka si Elle tulo ng tulo yung luha namin. Si Klyd nakatungo lang.

Para na kasi kaming pamilya e. Kaya ganon nalang yung mga emotion namin. Huhu! Nakakaiyak.

Umalis na sina Elle at Rhanz. Nang nawala na sila sa paningin namin. Doon na tumulo yung luha ni Klyd. Lalo tuloy ako naiyak.

Naramdaman ko naman na may umakbay sa akin. Pagtingin ko si ...

" Ken? " bigla siyang tumingin at nag smile sa akin. Bigla nanaman bumilis yung tibok ng puso ko. Ba't ba ganito tong puso ko?

" Wag ka na ngang umiyak. Baka isipin ng mga taong nakakakita sa akin pinaiyak kita. " napatingin ako kay Ken.

Mag sasalita na sana ako ng napatingin ako sa likod dahil kay Ailee. " PEDE BA NATHAN? WALA AKO SA MOOD MAKIPAG LANDIAN SAYOOO! " at nauna ng maglakad si Ailee.

" Ailee!! Pede naman tayong mag usap diba? " si Nathan habang hinahabol si Ailee. ok? Naghabulan sila sa Airport.

" Manahimik ka Nathan. Lalo akong naiinis. " PMS siguro ni Ailee. HAHAHA, XD

" Nako! Nag aaway nanaman yung love birds natin. HAHA, kawawang Nathan. If I know nag papakipot lang si Ailee e. " Napatingin naman ako kay Yex na naka holding hands kay Haycee. Sila na kaya.

" Ano ba ilong? Lahat naman ng babae pakipot e. Pero yung kay Ailee at Nathan its not pakipot thingy. Nasaktan si Ailee. Boblaks ka pala e. " sabay batok ni Haycee sa ulo ni Yexel. Ang cute nilaaaaa.

" Aray naman Noo! Oo nga pero pustahan tayo! Matagal ng napatawad ni Ailee si Nathan. Gusto lang niya na lambingin siya ni Lover Boy. " Lover Boy. HAHAHAHAHAA XD

" PFfffft. " napatakip ako sa bibig ko. Epal! wag ka muna tatawa Jayle. Sa isip mo muna!

" Jayle ok ka lang? " napatinigin ako kay Klyd. Tumango nalang ako. Tumango din naman siya at nag smile sa akin.

" Boblaks ka talaga! Hindi agad siya mapapatawad ni Ailee. Masakit yung ginawa ni Nathan sa kanya. Ikaw ba naman ganunin? Anong mangyayari sa kanya! Ex pa ni Nat yung Ate ni Ailee! Ang sakit tas kung makaasar at mangielam pa yung Ate niya kala mong walang bkas!!! Masakit yun YEX!!! " napatignin nalang kami sa dalawang nag uusap sa likod. Naiiyak na yung boses ni Haycee.

Miski si Yex napatunganga kay Haycee. Saka pinunasan yung mga luha.

" Ok ka lang Noo? Bakit ka naiiyak? " medyo natatawang tanong ni Yexel. Nakatingin padin kami sa kanila.

" KASI MASAKIT YUN!!!!! " sigaw ni Haycee at tumakbo na papunta sa van. Pumasok siya sa loob na kinagulat naman ni Nathan. Naka tayo kasi sa labas ni Nathan e. HAHAHA. Si Lover Boy. Pfft. XD

" Anong nangyari kay Haycee? Bat umiiyak din yun? " palapit si Nathan sa amin habang tinatanong kami. Nag kibit balikat nalang kaming lahat.

Napaiyakan talaga nung dalawang yun,. Hayaan mo silang magsama doon. Papasok na din sana ako ng Van ng hinawakan nanaman ni Ken yung kamay ko.

Napatingin ako sa kanya. Bigla nanaman bumilis yung tibok yung puso ko. Napaka seryoso ng tingin ni Ken sa akin.

" Jayle. " lalong bumilis yung tibok ng puso ko. Ano ba naman Ken bakit ba ako ganito sa iyo?

" May sasabhin ako sayo. Jayle ashfjgjbghngbjvhf ta. " Ta? Ta lang yung naintindihan ko. Ano yun? Ta? tatatata? Biglang kumunot yung noo ko.

" Aish. Wala yun. " Saka niya ako inakbayan. " Tara pasok na tayo sa van. " ngumiti nanaman siya ng nakakaloko.

Nacurious tuloy ako sa TA. Bigla nanamang tumibok ng mabilis yung puso ko. May sakit na ba ako? Nako naman e!

Nang bigla kong naalala yung pinag usapan namin ni Haycee.

" Haycee, paano ba nalalaman kung may gusto ko sa isang tao? "

"Hmm. Kapag lagi mo siyang iniisip. At nacucurious sa mga bitin niyang sinasabi sa iyo. "

" Eh Haycee kung inlove ka na sa kanya? "

" Kapag nagtitinginan kayo o hinahawakan ka niya o nakikita mo siya, eh bumibilis yung tibok ng puso mo na para bang hinahabol ka ng mga kabayo. Kapag naramdaman mo yan! Inlove ka na Teh! "

Napahawak ako sa may bandang puso ko. At bumuilong sa sarili ko.

So This could be Love?

FRIENDSHIPOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz