Chapter 13

203 6 0
                                    

Jade POV

"San ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Eman sa akin.

Weekend ngayon kaya naisipan ko munang umuwi at bisitahin sina nanay.

"Uuwi muna ako sa atin" sagot ko.

"Ganun ba?"

"Oo! Bat ikaw di ka ba uuwi?" Tanong ko.

"Baka matagalan pa" sagot naman niya.

"Okay! Mag-ingat ka na lang dito at pupunta na ako" paalam ko.

"Okay! Ingat din and happy trip" pabalik na tugon naman niya.

Nginitian ko na lamang siya at saka umalis .

Andito na ako sa terminal ng bus. Naghihintay na umusad na lang pero di ko pa rin maiwasan yung muntik na mangyari kahapon na kasama si Ejay. Kung nagkataon, first kiss ko siya.

Salamat na lang sa langgam na yun na nang-istorbo. Kaya ko nga tiisin yung kagat niya pero ang hapdi eh...weh? Gusto ko lang atang mahalikan. Joke lang yun.

Pero may puwang sa puso ko na parang naghihinayang at may parte din na nagsasabing tama lang na di natuloy.

Matapos yun ay medyo kami nailang sa isa't isa. Di kami nag-usap hanggang pabalik na kami sa dorm kahapon. Hays...tama na nga ang kaiisip dun...kaibigan ko lang siya.

Maya-maya ay naramdaman kung tumakbo na ang bus. As usual, matutulog na naman ako dito sa byahe. For sure.

...broom..broom...wag ka epeks ng huni ng bus yan..

Pagmulat ko na ng aking mata ay malapit na kami sa probinsya namin kaya ine-ready ko na ang bag ko. And after 30 minutes siguro nakarating na kami sa terminal.

Pumara agad ako ng tricycle papunta sa bayan namin. Malapit lang naman dun. Nung nakasakay ako...nakaramdam ako ng kaba...hays..baka excitement lang makita ko ang pamilya ko.

Pinara ko na ang tricy nung makarating sa isang eskinita. Napag-isipan ko na lang na lakarin papunta sa aming bahay total malapit na dun at saka para ma-exercise ko yung paa ko at puwet na nangangalay sa kauupo.

Pagbukas ko ng pinto ng aming bahay ay napalingon sina nanay at kuya Bj sa akin. Kita ko at pagkagulat sa mukha. Syempre di nila aasahan na uuwi ako.

Ibinaba ko muna ang bag ko.

"Anak!" Biglang sabi ng aking nanay at yumakap sa akin. Gumanti naman ako dahil namiss ko nga sila.

"Miss na miss ka na namin"tdagdag pang sabi ng aking ina.

"Ganun din po ako. Lagi ko nga kayong naaalala" sabi ko naman.

"Asus..sabi mo lang yan. Ang sabihin mo masaya ka na at malaya ka sa lahat ng gagawin mo" biglang singit ni kuya Bj.

Napatingin naman ako sa kanya saka kumalas sa pagkakayakap kay nanay.

"Kuya, di naman" katwiran ko.

"Di mo nga alam kuya na parang gusto kung umuwi na lang araw-araw dito" paliwanag ko pa.

"Di ko kailangan ang paliwanag mo" bulyaw niya sa akin.

"Bj, tumigil ka na. Kararating lang tong kapatid mo ganyang ang iaasta mo" suway naman ni nanay kay kuya Bj.

"Tignan mo nay! Mas kinakampihan mo pa siya" galit na sigaw nito.

"Wala akong kinakampihan sa inyo" katwiran ng aming ina.

"Baka nakakalimutan mo nay na siya ang dahilan sa pagkamatay ni itay. Nang dahil sa taong ito" galit ni wika ng aking kuya at tinuro-turo pa niya ako.

Dun di ko namalayan ay tumulo na ang luha ko. Di ko alam kung kailan ako mapapatawad ng kuya ko? Di ko alam kung kailan matatanggap niya ang lahat.

"Kuya, wala naman na gustong mangyari yun" sabad ko naman sa gitna ng aking pagluha.

"Anong wala? Kung di sana ka naging bakla eh di sana buhay pa si tatay" sumbat naman niya.

"Tumigil na kayo" sigaw naman ng aming ina pero di ko siya dininig. Napupuno na ako sa mga pinagsasabi ng kapatid.

"Bakit kuya kasalanan ko ba kumjg nagkaganito ako? Na naging bakla ako? Kuya, sinunod ko lang ang nararamdaman ko" sumbat ko na patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha.

"Pero nagdala naman ng peligro sa buhay ni itay" panunumbat pa rin niya.

"Bakit kuya natuwa ba ako nung namatay si itay? Nasaktan din ako. At bakit lagi mo isinisi yan sa akin? Bakit di mo matanggap ang lahat na di lang yun ang rason ng pagkamatay ni itay?" Iyak kong sabi.

"Anong akala mo ganun lang kadali na tanggapin ang lahat? Nagkakamali ka at kahit anong gawin mo ay di kita matatanggap na kapatid ko bilang isang bakla" pasigaw na sagot niya sa akin.

Nung marinig ko yung mga huling sinabi ng kapatid ko ay mas lalo akong napaiyak.

Bigla akong tumakbo palabas. Takbo ng takbo lamang ako at tanging naiisip ko ay ang huling sinabi ng kapatid ko. Di ko matanggap na sarili kong kapamilya ay di niya matatanggap kung sino ako.

Biglang may sumigaw sa likuran ko pero di ko pinasin. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang...

...boogsh....

Naramdaman kung napahiga na lang ako at nakatingin sa mga paa ng taong tumatakbo at sumisigaw at unti-unting nagdilim ang aking paningin.

########
Sana po guys nagustuhan niyo.
Comment and vote naman.

Salamat!
Keep in touch for the next update!

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon