Chapter 11

215 8 0
                                    

Jade POV

Matapos kaming kumain ay si Eman na ang naghugas. Nagprisinta siya kaya sumang-ayon ako agad.

Dumeretso muna ako sa sala at nanood muna. Natapos ko na nga ang mga assignments ko and besides maaga pa kaya naisipan kong manood.

Maya-maya tinabihan na ako ni Eman. Nainis ako kasi lipat ng lipat ng channel ang kasama ko kaya naisipan kong mag-shower at matulog na lang.

"Asan ka pupunta?" Tanong niya nung umalis ako sa sala.

"Mag-shower lang. Gusto mong sumama?" Biro kong tanong.

"Syempre" agad naman niyang sagot at akmang susunod nga pero binara ko siya.

"Tse...as if naman na gusto ko na kasabay kitang maligo" pambabara ko.

"Asus...ang sabihin mo maglalaway ka kapag nakita mo ang katawan ko" sagot naman niya.

"In your face" sabi ko at nagderesto na ako sa banyo.

Matapos akong makapag-shower ay lumabas na ako at dumeretso sa aking kwarto. Nagsuot ng pantulog. Dahil ayaw ko pang matulog ay naisipan ko ulit bumalik sa sala.

Nadatnan kong wala si Eman dun pero nakabukas naman ang t.v.

San kaya nagpunta yun sa isip ko. Bahala siya. Pero nagulat ako nung bumukas ang banyo at iniluwa dun ang hari ng mga gwapo...joke...si Eman and usual...nakatopless ito at kita ko talaga ang abs niya.

"Yan daw ang di maglalaway sa katawan ko eh pag makatingin ay para na akong matutunaw" bigla niyang sambit nung makalapit sa akin.

"Kapal naman ng mukha mo" inis kong sabi. Nagtataka lang kasi kasi 17 pa lang niya may abs na? Well, baka nagwowork out.

Tumawa lang ito at pumasok sa kanyang kwarto. Saka bumalik sa sala nung nakabihis din ng pantulog.

"Akala ko matutulog ka na?" I asked.

"Porket nagshower, matulog agad" sagot niya.

"Malay ko"

"Yun naman pala tatanungin pa" sagot niya.

"Matanong ko lang bat may abs ka?" Curious kong tanong.

"Sus...pano nalaman?" Kunwari naman niya.

"Wag ka nga eh lagi kang nakatopless kaya nakita ko" katwiran ko.

"Lagi mo palang pinapansin" biro na naman niya.

"Di no! Sagutin mo na lang ang tanong ko." Asik ko. Alam kong mang-iinis lang to.

"Nagwowork out ako" sagot naman niya.

"Bakit ikaw wala?" Dagdag niyang tanong.

"Tse...sa pagkatao kung ito..magpapa-abs?" Inis kong sagot.

"O bat mainis ka eh may mga kagaya mo nga na mas macho pa kaysa sa totoong lalake" katwiran niya. Oo nga. Tama naman siya.

"Diyan ka na nga" sabi ko at saka ako tumayo.

"Matutulog ka na?" Tanong niya.

"Oo" sagot ko.

"Pwedeng magkatabi tayo?" Tanong niya.

"Ayaw ko" agad kong sagot.

"Bakit?"

"Kasi nga di ako sanay na may katabi tapos ang hilig mong mangyakap" sagot ko.

"Yun lang. Sige di kita yayakapin" sabi niya.

"Basta ayoko" giit ko.

"eh bakit nung hayskul tayo ay gusto pang magkatabi tayong matulog?" Tanong niya.

"Noon lang yun at saka isip-bata pa ako nun" katwiran ko saka iniwan dun sa sala at naglock na ako sa aking kwarto.

Maya-maya, narinig ko ang malakas na tugtog sa sala. Ano ba yan? Nang-iinis ba siya? Kinuha ko ang unan at pinangtakpan sa aking tainga pero wala pa rin. Ang lakas pa rin ng music buti nga kung love song di naman.

Kaya tumayo ako iritang sinigawan si Eman kasi ang lakas ng music.

"Ano ba Em pakihina naman ang volume ng speaker. Nakakaistorbo ka na ah. Di lang ako baka sa katabi pa nating room" sita ko.

"May soundproof nito" sagot naman niya.

"Kahit na pero ako? Gusto ko nang matulog. Magpakatulog ka naman" irita kong sambit.

Ayun pinatay naman niya ang speaker at lumapit agad sa akin.

"Please naman best magkatabi na tayong matulog?" Pagmamakaawa niya.

"Eh ayaw ko nga ang kulit mo" irita kong sagot. Saka balik ako sa aking kwarto.

"Bahala ka. Dito ako matutulog sa tiles sa harap ng pinto" banta niya.

"Wala akong paki" sagot ko. Alam kung nagbibiro yun. Inilock ko na ang pinto at humiga sa kama.

Makalipas ang 15 minutes ay di pa rin ako makatulog. Ramdam ko nga naiihi ako kaya tumayo ako at pumunta sa banyo.

Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay nagulat ako kasi andun nga sa tiles si Eman na nakahiga. Tinotoo na nga niya ang sinabi nito.

Nakonsensya naman ako dun kaya ginising ko siya. Pagmulat niya nagulat pa ata.

"Sige magkatabi na tayo basta walang yakapan" yaya ko.

Tumango naman ito at akmang papasok sa kwarto ko pero pinigilan ko siya.

"Magpalit ka muna ng damit mo. At dumi kaya diyan sa tiles" sita ko.

Kaya yun pumunta na siya sa kanyang kwarto at nagpalit habang ako ay pumuntang umihi muna.

Pagbalik ko andun na siya nakahiga pero mulat pa ang mata.

"Goodnight best" sabi niya sa akin at nakangiti pa.

"Goodnight too and walang yakapan ah" sabi ko naman.

"Oo" sang-ayon naman niya. Kaya humiga na ako at tumabi sa kanya. Take note iisa ang kumot namin.

######
Guys..updated....

Sana nagustuhan niyo...

Pa-vote and comment naman para malaman ko kung you like the story.

Siguro nextweek pa ako mag-update nito. Magbakasyon muna kasi ako total sembreak.

Follow me...
I.G: @denze47
Twitter: @Simply_Denze

Salamat!

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon