Chapter 5

253 8 0
                                    

Jade POV

Naalimpungatan ako sa pagtulog ng may maramdaman akong mabigat na bagay na nakapatong sa dibdib ko .

Napamulat ako at tinignan yun and oh my! Si Eman nakayakap sa akin kaya bigla akong napatayo at napasigaw.

"Bakit?" Bigla niyang tanong kasi nabulabog nga sa pagsigaw ko.

"Bakit katabi kita? At nakayakap ka pa sa akin?" Tanong ko.

"Ano naman masama dun eh magkaibigan naman tayo" inis niyang sagot. Siguro naistorbo sa tulog.

"Kahit na. Di ako sanay na may nangyayakap sa akin sa pagtulog" giit ko.

"Bahala ka" sabi niya saka humiga ulit. Bumalikwas kasi kanina.

"At saka akala ko nanonood ka?" Tanong ko pa.

"Nagsawa na ako at naantok kaya pumunta na akong natulog dito" sagot nito na nakapikit ang mata.

"Eh di sana dun ka na lang sa sofa natulog"

"Kwarto ko naman to ah"

"Kahit na"

"Eh ano bang ikinagagalit mo dun. Nagkatabi lang naman tayo at nakayakap sayo eh laki ng malisya yun" sabi niya at napamulat ang mata at tumingin sa akin.

Di ko naman alam ang isasagot ko.

"Basta" sabi ko saka tumalikod at padabog na naglakad palabas sa kwarto niya.

Dumiretso ako sa aking kwarto at nakita ko naman ang maleta ko dun. Nagdesisyon akong maligo muna bago ko ayusin ang gamit ko. Kaya inilabas ko na lang ang towel at toilettries saka pumunta sa banyo.

Feel na feel kung maligo kaya medyo natagalan akong naligo hanggang malalakas na katok sa pinto ang nagpatigil sa akin. Alam kong si Eman yun.

Ipinulupot ko naman sa aking bewang ang towel at inis kung binuksan ang door.

"Bat ang tagal mo diyan?" Galit niyang tanong.

"Eh ano naman kung matagal ako at saka di ba matutulog ka ulit" inis kong sagot.

"Eh binulabog mo ako" galit niyang sagot.

"Pareho tayong lalake at magkaibigan tayo, yinakap ka lang, makapagreact wagas" dagdag niyang sabi.

"Whatever" sabi ko at iniwan dun. Nakakainis minsan tong si Eman.

Ayan nagsuot na lang ako ng pambahay saka inayos ang kwarto ko at pati na rin ang gamit. Pagkatapos kung mag-ayos ay pumunta ako sa kitchen kasi nauuhaw ako.

Kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig dun galing sa ref. Iinom na sana ako ng biglang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas dun si Eman. Malapit kasi sa kitchen ang banyo.

Napatingin naman ako sa gawi niya and oh my! Nakapulopot lang ang towel sa hips niya at kita ko ang abs niya. No this can't be. Kaibigan ko siya.

"Hoy! baka matunaw ako sa titig mo" bigla niyang sambit sa akin.

Napainom tuloy ako.

"Ang bestfriend ko pinagnanasaan ang abs ko" sabi pa niya sabay himas sa katawan niya.

"In your face" sambit ko.

"Aminin?" pambibiro pa nito.

"Gusto mo bigwisan kita ng tubig" sabi ko.

"Ito oh pikon agad" sabi naman niya at tumawa pa.

"Diyan ka nga" inis kong sabi saka iniwan dun at nagkulong ako sa aking kwarto.

Nang mainip na ako ay lumabas na ako at nakita ko si Eman na nanonood ng TV sa sala kaya dumiretso ako at tumabi sa kanya. Medyo gabi na kasi.

"O may problema?" Tanong niya.

"Anong lulutuin natin?" Tanong ko naman.

"Wag ka nang magluto, nagpadeliver na ako" sagot naman niya.

"Hays...salamat"

"Ano pala ang pinapanuod mo?" Dagdag kong tanong.

"Horror" maikli niyang sagot. Kaya nakinuod na rin ako.

Bigla akong napasigaw at napayakap sa kanya kasi nagulat ako sa biglang paglabas ng multo sa salamin.

"Yan ang tapang mong manuod pero takot ka naman pala" wika ng kasama ko.

"Di no, nagulat lang ako" depensa ko naman.

"Eh bakit napayakap ka pa sa akin tapos sabi mo ayaw mo ang yakapan" sabi niya.

"Ha? Kanina lang yun no" agad kong sagot.

"Talaga?" Sabi niya saka ngumiti pa sa akin.

"Diyan ka nga" sabi ko at iniwan sa sala at akma akong lalabas pero saka naman dumating yung order ni Eman.

Kinuha ko na lang ang nagderetso sa kitchen saka ko yinaya siya na kumain kami. Ayan kumain na nga kami at nung matapos ako na ang nagligpit habang siya ay bumalik sa panunood.

Nung matapos na ako sa aking ginagawa ay pumasok na ako sa aking kwarto.

"Matulog ka na?" Sigaw niya.

"Oo" pasigaw din na sagot ko.

Ayan nakahiga na ako sa kama pero kanina pa ako baliktad ng baliktad ay di pa rin ako makatulog kaya lumabas ulit ako at pumunta sa sala. Andun pa rin si Eman na nanonood.

"Akala ko ba matutulog ka na?" Tanong niya.

"Di ako makatulog" sagot ko sabay kita sa pinapanuod niya and love story na kaya nagdesisyon akong manood na lang.

"Asus...ang sabihin mo gusto mo akong katabi na matulog" biro na naman nito.

"Tumigil ka nga diyan at manood ka na lang. Ang ganda yang movie" pag-iba ko.

Ayan tumahimik naman ang mokong. Tutok na tutok kami sa panonood hanggang di ko namalayan naipikit ko lang ang aking mata at yun na lang ang huli kong natandaan sa gabing ito.

##########
There you are...natapos na rin ang chapter na to...keep in touch sa mga susunod pang chapters nito.

Comment and vote naman...

Salamat!

Follow me n I.G: @denze47
Twitter: @SimplyDenze

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon