Chapter 10

237 9 0
                                    

Jade POV

"Tara na masyadong dumadami ang lamok dito" yaya ni Ejay sa akin. Kasi kanina pa ako nakakagat ng lamok. Buti naman kung di masakit at di mang iwan ng red marks.

"Sige" sang-ayon ko. Total tapos na namin ang assignment namin.

Nag-ayos na kami ng gamit namin saka bumalik sa room namin.

"Salamat sa pagsama ah" wika ni Ejay.

"Wala yun. Kaibigan naman kita at salamat din" sabi ko saka pumasok sa aming room.

Pagbukas ko nang pinto ay nadatnan ko si Eman na nakaupo sa sofa at naglalaro sa ipad niya. COC ata. Hays...di ko nga alam kung bakit hilig laruin yan eh wala namang kathrill eh kasi nung nilaro ko minsan eh di ako nasiyahan kaya in-unstall ko agad.

Dumeretso muna ako sa aming kwarto at para ilagay ang mga gamit ko saka lumabas.

Nandun pa rin si Eman. Pansin ko di niya ako kinikibo kanina pa nung pumasok ako. Anong problema kaya nito?

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa sa harap niya. Di niya ako sinagot.

"Oy Em! Anong bang nangyari sayo at di kita pumapansin?" Tanong ko ulit pero wala pa ring reaksyon.

"Ayaw mong magsalita ah" sabi ko at bigla ko siyang kiniliti.

"ANO BA? KITA MO NGA NA MAY GINAGAWA ANG TAO NANGUGULO KA" sigaw niya sa akin.

Nabigla ako sa pagsigaw niya at di ako makagalaw. Nakita niya siguro ang pagkabigla ko pero inirapan pa rin ako at naglaro ulit.

"Nagtatanong lang naman eh ayaw mong sumagot" sabi ko naman.

"Eh ayaw nga kitang sagutin" malumanay na niyang sabi.

"Ano ba kasi ang problema mo?"

"Wala" sagot niya saka huminto sa paglalaro.

"Kung ganun bakit di ka namamansin?"

"Trip ko lang"

"weh...kita ko nga para kang nagtatampo eh" sabi ko kasi napansin kong parang nagtatampo nga.

Di ito umimik.

"Nagtatampo nga" mahina ko pang ulit na alam kong sapat para sa kanya upang marinig niya.

"Oo nagtatampo ako" pag-amin niya.

"Sa anong dahilan?" Taka kong tanong.

Di niya ako sinagot.

"Dahil ba kay Ejay?"

Tumango lang ito.

"Asus...parang bata naman to. Kaibigan ko yun at ano naman kung samahan ko siya" paliwanag ko.

"Baka kasi ipagpalit mo ako dun" sabi naman niya na dahilan para napatahimik ako.

"Baka kasi ayaw mo na akong makasama" dagdag niyang sabi.

Mas lalo akong di nakapagsalita. Di ko alam kung nagbibiro ba siya sa mga sinasabi niya pero pansin ko na seryoso naman siya.

"Ayaw mo na ba sa akin?" Tanong pa niya sa malungkot na tono.

"hah? Ah eh....ito naman kung anong pinagsasabi mo" bawi ko saka pekeng tumawa.

"Seryoso ako" sabi niya at tingin ko nga ay seryoso siya talaga. Napalunok muna ako bago nagsalita.

"Anong bang ibig mong sabihin?" Tanong ko. Naguguluhan nga ako sa mga pinagsasabi niya.

"Basta sagutin mo lang yung tanong ko" asik naman niya. Hays...nakakainis naman to. Bumuntong hininga muma ako.

"Okay! Mahal pa rin kita at gusto ko pa rin kita bilang kaibigan" sagot ko.

"Eh bakit iniwan mo ako kanina? At sumama dun sa Ejay na yun na kakakilala mo lang" tampo pa rin.

"Ito naman...gumawa lang kami ng assignment and besides kaibigan ko na rin yun " paliwanag ko.

"Ipinagpalit mo ata ako dun?" Tanong pa rin niya. Hays..ano bang palabasin nito? Ang gulong kausap.

"Di nga...dinagdagan ko lang kayong kaibigan ko" sagot ko.

"Totoo?" Tanong niya.

"Oo!" tipid kong sagot.

"Kung ganun yakapin mo nga ako kung mahal mo pa rin ako" sabi niya. Nagulat ako. Di ko inexpect yun. Juice colored! Ano bang nakain ng Eman na to bat ganyan ang pinagsasabi nito?

"Sige na, yakapin mo nga ako kung talagang kaibigan mo pa ako" ulit niya.

"Bakit kailangan pa yan? Eh alam mo naman na kaibigan pa rin kita" pagtanggi ko. Eh sa ayaw ko nga.

"Di mo na nga ako gustong kaibigan" tampo niya at akmang tatayo pero bigla ko siyang yinakap.

Nagulat naman siya at nung makabawi at ngumiti pa sa akin. Ako naman di ko maipaliwanag ang naramdaman ko kasi parang may kakaiba eh. Parang nakuryente ako. Hays...may electricity ata sa katawan niya. Oo inaamin ko. Nakaramdam talaga ako ng ganun kahit saglit na yinakap ko siya.

"Oh masaya ka na?" Pagbawi ko.

Ngumiti pa siya bago sumagot.

"Okay ba yun acting ko?" Sagot niya. Nagulat naman ako.

"Ano? Joke lang yung pinagsasabi mo?" Inis ko nang tanong ko.

"Oo para mayakap mo ako" sabi niya at tumawa.

Dahil sa inis pinaghahampas ko ang braso nito at tinatawanan ako.

Dahil pikon ako iniwanan ko na lang siya sa sala at nagkulong ako sa aking kwarto. Nainis talaga ako sa ginawa niya. Hayss...ang galing niyang magbiro.

Maya-maya kumatok na ito sa pinto.

"Best, sorry" dinig kong sabi niya sa labas.

Manigas ka diyan. Mahilig kang mang-inis eh.

Inulit pa niya ng paulit at nung sawa na akong marinig ay pinagbuksan ko na siya.

"Sorry talaga best di ko na uulitin yun" paumanhin pa niya.

"Sige na okay na basta ikaw ang maghanda ng dinner natin sa lamesa" sagot ko naman.

"Okay! Pero mahal mo talaga ako?" Ulit niya.

"Yan magsisimula ka na naman. Gusto mo magtampo ako sayo" sagot ko naman.

"Ito naman tinatanong ko lang totoo talagang mahal mo ako bilang kaibigan" sabi niya.

"Di ba yinakap na nga kita bilang patunay" inis kong wika.

"pero bakit andali naman na ginawa mo yun"

"Anong gusto mo magdamagan na yayakapin kita?"

"Okay lang naman. Kung gusto mo eh magkatabi tayong matulog pa"

"Tse...tumigil ka na. Sige ka at magtatampo na talaga ako" banta ko at akmang papasok sa kwarto ko pero nagsorry naman agad.

Kaya ayun pumunta na sa kitchen at inihanda ang dinner namin. O sweet di ba? In my dreams...pero iniisip ko pa rin talaga yung naramdaman ko sa kanya nung yinakap ko. May electric ata ang katawan kaya ganun ang epekto nito sa akin.

#######
Guys...updated na.

Comment and vote na...

Thank you!

Sino palang magpapadedicate diyan? Comment first...yung maganda ang comment siya bibigyan ko ng dedication sa mga next chapters...

Godbless! Just keep in touch for the next update.

Unfulfilled Promises: Gay Romance StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon