Said I Love You, But I Lied - Chapter 10

Start from the beginning
                                    

“Sa tingin mo ba, papayagan kaya ako ni Boss mag-advance ng tatlong buwan kong sweldo?”

Psss. Problema lang naman pala sa pera. Sobrang seryoso naman nya, para pera lang.

Napabalik ang tingin ko kay Darwin. Oo nga’t working student sya, dahil hindi naman sila mapera, pero sa loob ng matagal na panahon ko syang nakasama dito sa bar, ngayon lang sya namroblema sa pera. Siguro nagiging problema na rin nya ang pera noon hindi lang sya nagsasabi.

Nag-aaral sya sa umaga tapos nagtatrabaho naman sa gabi. Ang kapatid nya scholar sa dati kong school, pero never syang dumaing ng tungkol sa pera. Ngayon lang.

“San mo ba gagamitin?”

“Nasa ospital kase si Papa. Kailangan namin ng pera.” Ang lungkot lungkot ng boses nya.

“Anong nangyari sa Papa mo?”

Ang alam ko nagdadrive ng tricycle ang Papa nya base na rin sa kwento nya. Tulad ko ulila na rin sila sa ina. Tatlo na lang sila sa pamilya. Parang kami din. Ako, si Daddy at si Ate. May bonus kapamilya nga lang kami. Si Jaypee.

“Ayon sa doctor malala na raw ang kanyang sakit sa bato. Kailangan nyang operahan sa lalong madaling panahon. Hindi namin alam na may sakit na pala sya. Siguro nahihiyang magsabi sa aming magkapatid.”

Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagpiyok ng boses nya. Ano ba yan. Ayoko pa naman ng ganitong topic. Allergy ako sa mga sensitive issue lalong lalo na kung tungkol sa pamilya. Ayoko ng mala-MMK na buhay.

“Huwag ka na ngang magdrama dyan. Hindi bagay sa’yo.”

“Si Papa na lang ang kasama namin sa buhay. Paano na kami kung pati sya mawawala pa?”

“Ano ka ba, hindi naman kagad mamamatay ang Papa mo. Excited ka. Huwag ganon. Papa mo yon.” Hindi sya tinablan ng biro ko. Lalo lang nalungkot ang hitsura nya. Bigla naman akong nakonsensya.

“Sorry. Nagbibiro lang naman ako. Huwag ka na kaseng mag-emote dyan. Nagmumukha ka lang palaka. Hindi bagay sa’yo ang drama. Pang-comedy ka kaya. Papahiramin kita. Magkano ba?”

“Toni naman eh. Seryoso ako. Sabi ko kailangan operahan ng Papa ko. Malaking pera ang kakailanganin.”

“At ako ba nagbibiro? Ganon?”

Wala nga palang alam itong si Darwin tungkol sa totoong kalagayan ko sa buhay. Sina Mikki at Karen lang ang nakakaalam ng tungkol sa buhay ko. Hindi naman ako nagkukwento sa kanya. Kasalanan nya. Hindi sya nagtatanong. Puro kase kami tawanan lang sa trabaho.

“Huwag ka ng mag-alala. Ako na ang bahala.”

“Anong gagawin mo?” Hindi makapaniwalang tanong nya.

“Manghoholdap lang naman ako ng bangko para may pangpaopera ka na sa Papa mo. Ano call ka?” Lalong nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.

“Ser—yoso ka ba?”

“Mukha ba akong nagbibiro?”

Ito ang hitsura ni Darwin  -----à     O____O

Nga-nga.

“BWAHAHAHAHA! Tingnan mo ang hitsura mo. Para kang tanga.” Hawak ko ang tiyan ko sa sobrang katatawa. “Sa tingin mo gagawin ko talaga iyon? Loko ka ha. Kahit naman ganito ako may savings ako. May pera ako.”

Said I Love You, But I LiedWhere stories live. Discover now