Chapter 21: Food Trip

Start from the beginning
                                    

Rian's POV

Umagang-umaga nasa canteen kami. Di kami mga PG! (Patay gutom!) Sadyang gutom lang.

Hanggang ngayon di pa sila makaget-over sa nangyari kagabi.

"Hay naku grabe talaga! Ang saya kagabi! Gusto ko pa ng round 2!" Hinampas ako ni Ivy na parang naiihi dahil sa kilig. Ouch ha.

"Oo nga! Ang sarap nung spaghetti kagabi! Saan kaya nila inorder yun at makabili nga.." Fen.

"Buti pa kayo masaya.. ako hindi." Napabuntong-hininga tuloy ako..

"Oh?Bakit naman?"Ivy.

"EH NAKAKAINIS YANG BUTIKING LANCE NA YAN EH!KUNG HINDI SIYA NAMULABOG SA CONCERT NATIN KAGABI EDI 100 YUNG SCORE KO!"

O.O-- Ganyan mukha nilang dalawa. Lahat din ng mga tao dito sa canteen ganyan itsura. Buti na lang kakaunti pa lang estudyante dito.

"EDI ITULOY ANG CONCERT NIYO MAMAYA! GUSTO MO ARANETA COLISEUM PA PARA MASAYA! PASENSYA NA NAISTORBO KO YUNG CONCERT NIYO KAGABI!" Narinig niya?

Nagwalk out na si Walk-out king -este si Lance.

Kakapasok niya pa lang siguro sa canteen nung narinig niya sinigaw ko.

Eh sa nakakainis eh! Minsan na nga lang ako makakuha nung perfect score.. actually isang beses pa lang.. Pero kahit na! Concert yun eh! Sold out na sold out!

"Hala ka Rian, ikaw kasi eh sinigaw mo..Lagot ka dun.." Pagbabanta sa akin ni Fen.

"Edi magsorry mamaya.."


Maghapon kaming hindi nag-uusap ni Lance kahit na magkatabi kami. Kapag may importante lang niya ako kakausapin. 

Pero diba dapat siya ang unang magsorry kanina? Kaso hindi naman ako mapride-chicken. Eto kaya.. mapride-chicken din ba siya?

Uwian na ngayon kaya kami na lang natira dito kasi Cleaners kami.

 Sina Fen at Ivy pinauna ko na kasi may gagawin pa daw sila. Ayaw ko namang abalahin pa sila.

Sina JJ at Chris tinawag daw ng manager nila. Bakit si Lance hindi tinawag? Di bale na nga.

.

Tumakas yung ibang cleaners kaya ako, si Lance at yung classmate naming si Arjade lang ang naglilinis.

Ako ang tagawalis, si Lance sa pag-aarange sa upuan at si Arjade sa blackboard.

Two Different Worlds (2DW)Where stories live. Discover now