binigay na yung note sakin

approved na ng head yung kanta

-------------------

ang dami namang kanta a

bakit yun pa?

-------------------

bakit yun?

-------------------

Ate Ana:

may problema ba kung yun?

-------------------

oo nga Sarah, may problema ba kung yun ang magiging theme song ng pelikula niyo

-------------------

Ate Ana:

baka may gusto kang isuggest?

pwede nating sabihin

-------------------

wala!

-------------------

Ate Ana:

o wala naman pala e!

o di yun na! :)

-------------------

magrereply pa sana siya sa assistant ng biglang pumasok ang binata sa loob ng sasakyan. may mga dala dala itong brown paper bag. kinuha naman niya ang mga ito para makapasok ng maigi ang binta 

"anu to?" titignan na sana niya ang mga paper bag ng awatin siya ng binata "hep!hep!hep!!akin na yan" sabay kuha ng binata sa kanya ng mga bag "later.okay"

nakalabi niyang isinoli ito sa binata "san ba kasi tayo pupunta?"

"you'll see"

~~o~~o~~

ibinababa niya ang bintana upang makita siya ng security guard. pero bahagya lang dahil iniiwasan niyang makita nito si Sarah "o Sir Ge. ikaw pala"

"pwede ba ako ulit dun sa taas?"

"oo naman Sir pwedeng pwede"

kinuha naman niya ang isang paper bag at ibinigay iyon sa security guard "o Kuya sayo to"

"ay Sir wag na po" pagtanggi nito sa kanya 

"sige na kuhain mo na Kuya"

"nakakahiya po Sir"

"sus Kuya, wag ka nang mahiya sakin. sige na tanggapin mo na"

"salamat po Sir" sabay kuha ni manong guard sa inaabot niya 

"akyat na ko Kuya ha?"

"sige Sir. akong bahala sayo"

"sige salamat Kuya" sabi nito sa security guard. ibinaba naman niya na ang salamin ng sasakyan 

"galing manuhol ha?" komento ni Sarah sa kanya 

"hindi suhol yun. ang tawag dun diskarte"

"o san mo na ko dadalhin?"

hindi naman na niya sinagot pa ang dalaga. pinaandar na niya ang sasakyan paakyat. paakyat sa pinakamataas na palapag ng building na kinaroroonan nilang dalawa

~~o~~o~~

ng pagbuksan siya ng pinto ng binata, isang malapad na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. nasa rooftop sila ng isang condiminium sa may Roxas Boluevard, at ang rooftop na ito ay napapaligiran ng mga bulaklak at halaman, para bang mini garden sa tuktok ng building

JUST ONCEOnde as histórias ganham vida. Descobre agora