"Hindi naman ulo ko ang sasakit Tita, kundi ang puso nila..." mapangakit na sambit niya. Hindi naming napigilan ang paghagalpak sa tawa dahil sa sinabi niyang iyon...

Itinuon naman ni Tita ang atensyon kay Rio... "How about you Rio? Any Girl? Friend?"

"Well I have a soon to be Girlfriend..."sagot nito...

"Wow, sino naman yang maswerteng babaeng iyan?" pambibiro ni Tita.

Kinikilig na animo'y nasa isang teleserye si Rio habang...

"Si Cheska po Tita, alam ko pong hindi kayang sabihin ni Rio, kaya ako na po ang nagpresenta..." paninira ni Jasper sa kilig moment ni Rio kaya mabilis itong nakatanggap ng batok mula kay Rio.

"Masakit yun A.." daing ni Jasper kay Rio.

"Kung patayin ko kaya lahat ng babae mo, panira ka talaga ng moment ko. Hindi mo man lang ako hinayaang sabihin at ipaalam sa Tita ni Cheska ang aking nararamdaman..."

"Naku kayong mga bata talaga. Kaya nga minsan gusto ko makipagusap sainyo, nawawala ang stress ko sa trabaho at sa anak ko." Natatawang sabi ni Tita Bernice.

"Well thank you rin po Tita for always having us here in your house kahit na halos dito na kami tumira..."

"Of course, sana naman mahawaan niyo ng kahit konting kakulitan si Raiden... Naku halos Good Morning, Good afternoon, Good evening, Goodnight, Mom and Dad lang yata ang naririnig ko sa batang iyon. Ang tahimik..."

Lumingon saakin si Tita at inibahan ako ng tingin...

"How about you Jel, any Girl? Friend? Nililigawan o napupusuan?" mapanuksong tanong nito..

Napaclear ako ng throat at ngumiti sa tanong ni Tita...

"Well Tita as of now, wala pa naman and study first po muna ako ngayon..."

"Wooooohhh! Ang Humble mo pre, hindi bagay sayo..." pangaasar ni Jasper na sinamahan pa ng palakpak ni Rio.

Walang nagawa si Tita kundi ang tumawa ng tumawa dahil sa inaasal naming tatlo.

"Pa-humble ka pa, e ano yung pagsulyap-sulyap mo sa likod kanina... Study First daw!" panunukso ni Rio.

Pinandilatan ko lamang siya ng mata ngunit hindi parin nagpatinag...

"Teka parang may kanta akong alam para sa nararamdaman ni Jel kanina... Wait..." hirit ni Jasper... at nagkunwaring nagiisip.

Natawa na lang ako at maging si Tita..

"Rio, magsignal ka dali kakantahin ko na..." sambit ni Jasper. Mga bwisit talaga itong dalawang ito, kung ano naman ang naiisip na kalokohan...

"5, 4,3,2,1 Go." Signal ni Rio.

Ginawa pang microphone ni Jasper ang kutsarang hawak niya at tsaka kumanta... "Pasulyap sulyap ka saakin, Patingin-tingin saakin, Di maintindihan ang ibig mong sabihin, Kung mayron pag-ibig at ipagtapat muna saakin. Agad naman kitang sasagutin..."

Napa-palakpak si Tita dahil sa panunukso na ibinibigay saakin ng dalawa. Humanda talaga itong dalawa saakin mamaya pag-uwe.

"Ok ba?" may pagkindat pa si Jasper sa ginawa niyang pagkanta or should I say pangaasar saakin.

"Goodevening Boys!" napatayo kaming lahat ng makita namin si Tito Reyner na kakarating lamang galing sa trabaho.

"Good evening po Tito..."bati namin at isa-isa kaming nagmano.

Nang matapos ay tumabi ito sa katabing upuan ni Tita Bernice...

"Mukhang nagkakasayahan tayo dito, anong meron..."

"Naku Reyner, nawala ang stress ko dahil sa tatlong ito. Nagshare ng mga pinagdadaanan sa Love Life nila..."

"Mukhang interesting ang pinaguusapan niyo pero mauuna muna ako, I forgot na hindi pala makakakilos si Bam kapag wala ako. Daddy's Girl e..." pamamaalam ni Tito saaming tatlo.

"Sige po Tito, wait nalang po naming si Bam dito, gusto lang namin siyang Makita bago kami umuwe..."

"Sure, I'll go ahead..."

~*~

"Good morning Sir, nga po pala nagbilin po ang Mom niyo na tawagan niyo po siya after po ng class niyo." Salubong saakin ni Manang habang kumukuha ako ng tubig.

Tumango lamang ako para sa pagsang-ayon at tsaka bumalik sa kwarto upang magayos sa pagpasok.

"Ingat po Sir..." masiglang sambit ni Manang ng papasok na ako sa aking kotse.

Mahigit kinse minuto ang tinakbo ng sasakyan papunta sa school kaya medyo hindi ako nala-late.

Kakaunti pa lamang ang mga estudyante ng dumating ako kung kayat dumiretso na ako sa Classroom at nagbabakasakali na naruon na si Sharla, ngunit katulad kahapon ay isang Bag parin ang tumambad saakin sa upuan niya. Hindi man lang ba siya nag-abalang kunin ang bag na ito rito?

Hindi kaya may masama nang nangyare sa babaeng iyon?

Hindi ko pa siya ganuon ka nakikilala pero mukhang hindi naman siya yung tipo ng tao na kung may mahalagang pupuntahan ay iniiwan nalang sa kung saan, saan ang gamit niya.

Maagap kung kinuha ang Bag niya at naglakas loob na magtanong sa mga teacher na nakakaalam kung saan ang exact address niya ngunit hindi pa nga ako nakakarating sa Teacher's Building ay nabitawan ko kaagad ang Bag na hawak ko,

Nang Makita ko na buhat-buhat siya ni Raiden galing sa isang abandonadong silid.

I don't know but my heart are aching when I see Raiden holding her,

And I think, mauulit na naman ang nangyare noon sa pagitan namin dalawa but this time ayokong magpatalo hindi katulad noon. Minsan na akong nagpaubaya, at isang beses lang mangyayare iyon.

VOTE, COMMENT

^


Finding YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt