Epilogue: Endings

238K 5.5K 1.1K
                                    

It is unexpected. I had no one else left by my side. It's not that I needed to have someone by my side but I lost everything I am holding on to. I lost everything and I don't know how I'll gain it back.

Thea left with Andromeda, I have no idea where they are. I am trying my best to find them. Kahit bisitahin ko na lang sila nang palihim. Kahit na sabihin ko na lang sa sarili ko na tama na ang isang minuto para makita ang anak ko at makitang ayos si Althea ay ayos na ako. Alam kong naging napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko lang siya nasaktan, nasaktan ko siya nang napakalaking sakit. Alam kong hindi basta maghihilom ang sugat sa puso niya, alam kong hindi magiging ganoon kadali ang lahat para sa amin. Nais ko sanang maging kaibigan siya kahit sana ay iyon lang maayos naming dalawa.

"Yvo..." Helios sat beside me and offered me a glass of scotch. Kinuha ko naman iyon. Hindi ko na inisip na galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid ko noon at kung paano niya hinati ang pamilya namin sa dalawa. What matters now is that I have my two sisters back and that they are safe and happy.

"A penny for your thoughts?" He asked.

"My thoughts aren't worth a penny, Demitri." Sabi ko sa kanya. He chuckled. Napatingin lang ako sa kanya. "What are you even doing?"

"You know, Yza's very worried about you. Mula nang malaman niya ang nangyari sa inyo ni Thea, she started having sleepless nights. Ipinahahanap niya sa akin ang asawa mo."

"She's not my wife..." I said. "I'm in love with someone else."

Matagal na tumahimik si Helios habang matamang nakatingin sa akin.

"Sigurado ka ba, Yvo? O baka naman tulad lang iyan ng Ate mo noon. Akala niya mahal niya ang batang iyon but the truth is, she only loved him because it's what she thinks is right. Do not love someone because it's right or wrong or just because you want too or you should. Love because you feel it in your heart and if it makes you weak."

Tinapik ni Helios ang balikat ko. Matapos noon ay iniwan niya ako. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Nahihirapan ako. May mga bagay akong gustong itanong pero hindi ko masagot.

Matapos ang gabing iyon ay kinausap ko si Tatay - kahit siya ay nag-aalala sa akin. Sinabi ko naman na magiging maayos ako, kaya lang parang inuuto ko ang sarili ko. Sabi ni Tatay, hinahanap niya si Thea at Andromeda. Nagpasalamat ako pero sa isipan ko, bakit si Thea ang palaging hinahanap, hindi ba nila hahanapin si Liwayway?

Mahal ko ang babaeng iyon. Gusto ko ngang sabihin na mahal ko ang babaeng iyon kaya lang paano kung hindi naman ako binigyan ng pagkakataon ng bawat isa na sabihin na mahal ko nga siya? Panay si Thea ang hinahap nila. How about Liwayway?

So, I did what I had to do. Pinuntahan ko ang nag-iisang kapatid ni Liway sa bahay nito. Si Thaddeus Emilio. Hindi na ako nag-atubili na kausapin siya kahit na wala naman akong napapala sa kanya noon kundi ang puro mura.

"Ikaw na naman? Kung naiba ka lang, iisipin kong nababakla ka sa kagwapuhan kong putang ina mo! Hala! Pumasok ka dito!" Sabi niya. Sumunod naman ako at nagtungo sa loob mismo ng bahay niya. Napansin ko agad ang bote ng alak na naroon. Inalok niya ako, sumalo ako sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo at pabalik-balik ka dito? Wala nga si Liway dito!" Sigaw niya sa akin na para bang bingi nga ako. Huminga lang ako nang napakalalim.

"Si Liway, nasaan siya?"

"Bakit? Para saan? Hindi ba't may asawa ka? Gagawin mo pang kulasisi ang kapatid ko. Putulan kitang bur!" Sigaw niya. Wala akong alam kung ano ang bur at buong gabing iyon, walang ginawa si Ido kundi ang sigawan at murahin ako. Galit siya sa akin dahil kay Liway, alam kong alam niya ang nangyari sa aming dalawa noon.

Exclusively HisOnde histórias criam vida. Descubra agora