12. Hold on

126K 3.6K 798
                                    

"Gago ka ba? High ka ba attorney?"

Inis na inis ako. Hindi ko kasi maintindihan ang abogado. Matalino ako but never in my life will I ever understand why the hell I became Sebastian's heir. Hindi ko naman siya kaano-ano. Nilapitan ako ni Yllak nang hawakan niya ako sa braso. Nanginginig ako hindi dahil sa galit kundi dahil sa pagtataka. Hindi ko maintidihan. Para bang naguguluhan ako. Nagbago ba ang ikot ng mundo?

Hindi ba ako anak ng tatay ko at pinamanahan ako ni Sebastian? Alam kong hindi ako ampon but why the hell would Sebastian make me his heir? I have my own family. Mas mayaman kami sa kanya kaya bakit ako ang tagapagmana?

"Kuya, halika na. Umuwi na tayo." Yakag sa akin ni Yllak. Sumunod naman ako s akanya at baka mapatay ko ang abogadong kausap ko. Galit na galit ako. Sumakay kami ni Yllak sa kotse ko at nagmaneho na pauwi. Siya na ang nagpaandar ng sasakyan sa ngayon dahil baka sa sobrang galit ko ay maibangga ko kami.

Iniisip ko si Sebastian. Namatay siya at sinasabi ng abogado niya na ako ang tagapagmana. Bakit? Hindi ko naman siya kilala ng personal Dalawang beses lang kaming nagkausap. Ako mismo ang humanap sa kanya at inalok para maging kliyente ko dahil kasama iyon sa paghihiganti ko.

Pero ngayon, bakit pakiramdma ko ako ang nabiktima ng sarili kong plano?

Nakarating kami sa bahay. Naabutan naming si Nanay at Tatay na nasa sala habang nagkakape. Nanay was drinking her chamomile tea while tatay was having coffee. Naningkit ang mata ni Tatay nang makita niya si Yllak.

"Saan kayo galing?" He asked. Nagmano kami sa kanila. Si Yllak naman ang sumagot.

"Sa burol lang, Tay." Sagot niya. Ninoohan ni Tatay si Yllak.

"Nagpunta ka sa burol nang ganyan lang ang suot mo, Yllak?!" Binalingan niya si Nanay. "Sheena, I taught him how to dress properly. Why is your son like this?!"

"Tay, hinatak lang naman ako ni Kuya!" He even whined. Umiling na lang ako at saka umakyat sa silid ko sa itaas. Iniisip ko kung anong gagawin ko sa ngayon. Hindi ko din alam. Paanong ako ang tagapagmana?

Lumipas ang gabi na iyon lamang ang iniisip ko at kahit na sa paggising ko sa umaga ay iyon lang din ang iniisip ko. Hindi ko maialis sa sistema ko ang katotohanan na ipinamana sa akin ang lahat. I don't have a clue why.

Hindi na ako bumalik sa burol ni Sebastian pero ipinahanap ko si Thea. Balitang-balita na pinalayas siya ng unang asawa ni Sebastian. My body guard told me that Thea was staying at her sister's. Kahit paano ay naibsan ang kaba ko. Inaalala ko siya at ang bata sa sinapupunan niya. Hindi ko pa nga siya nakakausap tungkol doon. I've been meaning to talk to her but I don't have the courage to show her my face.

Naduduwag ako.

Parang noon lang, noong kababalik namin galing Belgium. I stalked her but it took me six months before finally showing up to her. Ipinakilala ko na agad siya kay Yna na girlfriend ko - because that's what she is for me back then. Thea caught my attention not because she was big boned or something but because of the way she carried herself. She was confident and she knew how beautiful she is.

I sighed. Tatlong araw na ang lumipas mula nang gabing iyon at nang hapong iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa abogado ni Sebastian. He was asking if I could come to the will reading - kahit alam ko na ang nakalagay doon ay nagdadalawang isip akong pumunta. That afternoon, nasa mansion ako at nakaharap ako kay Gianna na gumagawa ng thesis niya.

"Kuya Yvo, if I add it to two thousand three hundred, will I have the same result? Oh to the m to the g! Thesis is so hirap. To think of it, it's only a baby thesis and yet my pawis is so namumuo and I'm not nakaka-sleep in the night! Kuya Yvo, are you even making kinig at me? My gosh!"

Exclusively HisWhere stories live. Discover now