15. Yvo

125K 3.5K 1K
                                    

Noong bata pa ako, madalas ikuwento sa akin ni Nanay ang nangyari sa aming dalawa habang nasa sinapupunan niya ako. She said that, by that time, she knew that I am a fighter, dahil hindi ako bumitaw sa kanya. Tuwing naririnig ko ang kwento niyang iyon ay ganoon na lang ang kasiyahan ko, naiisip ko ngayon na sana ganoon din ang anak ko, sana hindi siya bumitaw, dahil hindi ako bibitaw sa kanya. I love my child, no matter what happens, I love my child, kahit na galit na galit ako kay Thea, mahal na mahal ko pa rin ang anak ko.

"Kuya, akala ko ba doon ka uuwi sa bago mong bahay?" Tanong sa akin ni Yllak. Hindi ko naman siya masagot. Hindi ko rin maitindihan ang sarili ko, nasa bagong bahay si Thea, nagkaroon si Liway. Habang nagtatagal ay nakikita ko na nagiging magkaibigan sila. Thea seldoms smiles, but now, she was always smiling and that is because of Liway. Last night, I even heard her laughing so hard because she was watching a movie with Liway. The two complement each other well – the two makes each other stronger. I am happy for them...

But now, I feel lost – so lost.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sisimulan kong gawin.

"I have an eighteen – year old scotch at the back of my closet, you wanna drink?" Tanong ko kay Yllak. Ngumisi lang siya.

"Nakita ko na pindalhan ni Yna si Hyan ng birthday card tapos post card kay Hyron." Wika niya sa akin. Dama ko ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko. Naiintindihan ko naman siya, hindi ko lang maintindihan ang sarili ko.

"Alam kong mahal ko pa rin si Thea." Biglang sabi ko. Napatingin sa akin si Yllak.

"Eh anong problema mo?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako makasagot. Gusto ko kasi siyang masaktan. Iyong sakit na naramdaman niya noong iniwan niya ako. Iyong sakit na makakapagpabago sa kanya.

Pain, it changes people.

And it changed me. I became a monster because of this pain. Gusto kong manakit dahil minsan akong nasaktan. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Mahal ko si Thea pero gusto ko siyang mahirapan.

"Love your woman even though you hate her to death." Narinig ko si Yllak. Pamilyar sa akin ang mga salita niyang iyon. He was smiling when I looked at him.

"Tanda mo, Kuya? Sinabi mo iyon sa akin noong ako ang galit kay Yna. Sabi mo mahalin ko siya kahit na sagad sa buto ang galit ko sa kanya. Sagad sa buto ang galit mo kay Thea, mahal mo siya – just like what you said but don't you think it's time for you to let go of the pain and cherish what you have with her? Nandyan na siya, ang swerte mo nga dahil pagkakatapn na ang gumagawa ng paraan para sa inyong dalawa, why not grab it, Kuya? 'Wag kang magpabulag sa galit mo."

Nanatili akong tahimik. Alam kong may punto si Yllak pero nananaig talaga ang galit ko. Ayokong ginawa niya akong tanga noon. Marami akong kayang gawin para sa kanya pero hindi pa rin ako ang pinili niya. Ibang tao pa rin. Wala ba siyang tiwala sa akin noon?

If money was the only problem, didn't she think I had enough to support her and her family? I have my inheritance, I have my trust fund, I have everything that man has but still, she chose him.

And that is something I can never accept.

Matagal kaming nagkwentuhan ni Yllak, hanggang sa sumama na sa aming usap si Nanay. Natagpuan niya kasi kaming dalawa sa pool side kaya sinamahan niya kami. She was listening to Yllak as he talks, ako naman ay nakikinig lang din sa kapatid ko. Iniisip ko si Thea, iniisip ko ang magiging anak ko, iniisip ko si Liway na nadamay na sa gulo ko.

"Nay, nakabuntis ako." Wika ko. Napanganga si Yllak. Si Nanay naman ay hindi maipinta ang mukha. Napahawak siya sa dibdib niya habang nakatitig sa akin. Napatayo siya at tila hindi talaga siya makahinga. Tumayo si Yllak para alalayan si Nanay.

Exclusively HisOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz