21. Going back to the corner

149K 3.9K 1K
                                    

Two weeks later...

"Liway... why is Ido crying while talking to Andy? Is he okay?"

Binitiwan ni Liway ang hawak niyang pitsel at sinilip ang kapatid niya at anak ko na nasa verandah at nag-uusap. Andy was playing with Ido's nose and hair habang iyak naman nang iyak si Ido. I kept on hearing that he's gonna miss her. Hindi ko alam kung babalik na s Ido sa Pilipinas pero nakakapagtaka naman iyon, alam kong babalik ulit siya sa isang buwan. Palagi naman ganoon.

"Just let it go Baka may mens si Kuya kaya baliw. Ay! Ay pa-birthday nga pala ako sa'yo!" Nakangiting wika niya. Halos pasigaw na niyang sinabi iyon sa akin. Sa Sabado pa naman ang birthday ko pero parang excited na siyang ibigay sa akin ang regalo ko.

"Dyaran!" She said. Inabot niya sa akin ang isang plane ticket. Ticket papuntang Belguim. Na-freeze ang ngiti ko. Tumingin ako kay Liwayway. "You are going on a three day trip to Belguim! So excited!"

"Liway, you don't have to..." I whispered.

"I have too! It's my gift - basically not from me but it's from me kaya tanggapin mo na! Kami na ni Kuya ang bahala sa mga bata basta magpunta ka sa Belgium kasi birthday mo and it's your time to shine!"

Napakataas ng energy ni Liway. It's like she is very excited upon something. Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ko masyadong maintindihan kung anong trip niya sa buhay pero kinuha ko ang ticket sa kanya at nagpasalamat. Pinuntahan naman niya ako at niyakap nang mahigpit.

She smiled. "Kagabi nanonood ako ng back-episodes ng One tree hill tapos narinig ko ulit iyong dialogue tungkol sa comet sabi doon, Thea... The boy saw a comet and suddenly his life had meaning and when it went away, he waited his entire life for it to come back to him... Ang ganda noon, teh. Nakakaiyak talaga! Siya nga pala! Bukas agad ang alis mo oh! Excited ako! Happy birthday ulit!" Hinalikan niya pa ako sa pisngi. Napapakunot na lang ang noo ko.

"Iyan ba ang epekto ni Yvo sa bilbil mo? Panay kang masaya." Binigyan ako ni Liway ng makahulugang tingin.

"Hay, basta pumunta ka sa Belgium!" Pinanlakitan na niya ako ng mga mata. Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ni Yvo ngayon. Nakabalik na sa Pilipinas si Yvo dalawang linggo na ang nakakaraan at noong huli ko silang makita ni Liway ay nagtatawanan pa silang dalawa at nagyakapan bago umalis si Yvo. Okay naman ako sa nakita ko, kung meron man akong naramdamang sakit noon, hindi ko na lang pinansin.

Naisip ko na may parte pa pala sa puso at isipan ko na hindi pa gaanong maayos pero alam ko darating din ako doon. Masaya naman ako para kay Liway at Yvo.

"Hey, hey, Thea..." Kumatok si Ido sa pintuan ng silid ko. Dala niya ang natutulog na si Andy. Inihiga niya ang anak ko sa kama at saka bumaling sa akin.

"Thea, let's say you get married and you go back to the Philippines and you have your own house and your car, dog and your own kids maliban sa mga anak mo ngayon, pwede ko pa ba silang makita at hiramin at tawaging pamangkin?" Sunod-sunod na tanong niya. Natawa ako. Kitang-kita ko naman ang pagmamahal ni Ido sa mga anak ko. I nodded. Wala namang problema kung gusto niyang makita at makasama ang mga anak ko...

"Thank you, Althea! You're so bait! Ako naman gwapo! Yeah!" Tumayo siya at lumabas ng silid ko. Narinig ko pa siyang nagmura na siya namang ikinagulat ko.

"Tang ina, napakagwapo ko, shit!"

Napatawa ako. Inayos ko na ang mga gamit ko. Ayoko man ay na-e-excite ako sa pagpunta sa Belgium. Hindi ko alam kung anong naisip ni Liway. Inisip ko pa nga kung nabanggit ko sa kanya na sa Belgium ko unang nakiala si Yvo - sa train to be exact at ang first date namin ay sa isang art museum doon. Iniisip ko ang mga bagay na naganap sa Belgium noon.

Exclusively HisWhere stories live. Discover now