20. It's you

121K 3.7K 1.4K
                                    

"Don't you think you have to talk to him, Liway? Bakit pinapatagal mo pa? Palagi si Yvo dito, ikaw ang pinupuntahan. Ang choosy mo, Liwayway, kurutin kita sa bilbil mo!"

Natawa ako sa hitsura ni Althea habang nakatingin siya kay Yvo, Andy at Orion. Nasa isang park kami nang araw na iyon. Nagdesisyon si Thea na hayaan ang mag-aama na mag-bonding muna. Babalik na kasi si Yvo sa Pilipinas sa susunod na araw. Ang kwento niya sa akin ay uuwi rin siya para naman daw makita ng mga lolo at lola niya si Andy. Natutuwa naman ako para sa kaibigan ko dahil nakikita ko na kuntento siya sa kung anong meron siya pero hindi pa rin iyon sapat para sa akin. Alam kong may kulang pero hindi ko naman matukoy.

Narito pa rin sa Italya si Kuya at si Axel John. Ang sabi ni Kuya Ido ay may aasikasuhin lang daw sila ni AJ tapos ay pupuntahan na ulit nila kami. Hindi ko alam kung anong inaasikaso nila. Noong isang araw narinig ko silang nag-uusap tungkol sa Prime Minister ng Zimbabwe. Nang tanungin ko sila ay sinabi lang ni Kuya sa akin na mas gwapo daw siya doon. Natawa na lang ako dahil binanatan siya ni Axel John.

Pinagmamasdan ko si Yvo. Nakalabi ako. Ang haba - haba na ng buhok niya niya. Nakikita ko rin ang itim na itim niyang mga mata. Masaya siya dahil sa mga anak niya pero parang may kulang.

"May kulang kay Yvo." Sabi ko kay Thea. Nakaupo kaming dalawa sa bench na nakaharap kina Yvo.

"Oo. Ikaw. Kausapin mo na kasi para makumpleto na siya."

I made a face. "Fine, kakausapin ko na siya." Wika ko na lang. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pero ay idea ako kung saan kami papunta.

"Yvo." Tawag ko sa kanya na para bang nagtatawag lang ng kaklase noong high school ako. He looked up. Lumawak ang ngiti niya.

"Mame Liway's here. How are you? I had been wanting to ask you that since the first day." He said to me. Napatango na lang ako. Kinuha ni Thea ang mga bata. Habang naglakad naman kaming dalawa ni Yvo palayo kung nasaan sila.

Nakasimangot ako. I stopped walking I faced him.

"We need to have this talk, Yvo." Wika ko. I smiled at him.

"Liway, I think I love you." He said. Kita ko naman sa mga mata niya ang sinseridad na nais niyang ipakita sa akin pero kulang. Ngumiti ako at hinaplos ko ang mukha niya.

"Noong teenager ako, nagulo ang mundo ko sa love triangle ni Lucas, Brooke at Peyton sa one tree hill." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo ni Yvo. Alam kong hindi niya ako maiintindihan. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Noong kinausap ako ni Thea noong nakaraang gabi, itinanong ko sa sarili ko kung mahal ko ba si Yvo - ang sagot ko ay oo. May nakaramdaman ako sa kanya kasi nga na-develop eh. Pero alam kong may kulang. Kulang na kulang at kahit kailan hindi ko yata mapupunan ang kulang na iyon. Kung bibigyan lang sana ako ng pagkakataon...

"Tapos, may isang scene doon na tinanong si Lucas Scott ng When all your dreams come true, who do you see standing next to you...?" Ngumiti ako. Huminga ako nang malalim at hinarap siya. Magaan ang pakiramdam ko maski nag-iinit ang mga mata ko dahil sa naiiyak ako.

"Ikaw, Yvo, mayaman ka. Lahat ng bagay nakukuha mo sa isang kumpas ng kamay, sa isang salita, lahat kaya mong makuha. Maski nga hindi mo kailangan nakukuha mo pa rin. Now, I want you to close your eyes and think of the answer to that question."

"Liway, saan ba ito papunta? Hindi ba pwedeng makinig ka sa akin muna?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ko na maintindihan ang hitusra niya - para siyang natatae. Natawa ako.

"Just fucking close your eyes, Consunji!" Natatawang utos ko sa kanya. He shook his head. Ipinikit naman niya ang kanyang mga mata tapos ay huminga siya nang malalim. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya tapos ay nginitian siya.

Exclusively HisWhere stories live. Discover now