19. Anew

115K 3.3K 1.5K
                                    

A fucking and a half year later...

Bergamo, Italya

It's been a year and a half. Hindi na ako umuwi sa Pilipinas. Maayos naman ang buhay ko dito sa Italy kasama ang mga anak ko. I had been living the life I had imagined iyon nga lang – walang YVO, walang happy ending pero masaya naman ako. Iyon naman ang mahalaga, iyong masaya ako. Hindi ko masasabing nakalimot na ako sa masakita na nangyari sa amin pero at least, natitingnan ko na ang sarili ko sa salamin nang hindi ko kinamumuhian ang nakikita ko o iniiyakan ang mga nawala sa akin.

I have my own life now and it's the most important thing to me.

Napapangiti na rin ako nang hindi nakakaramdam ng kirot. Unti-unti ay gumagaling ang sugat na iniwan sa akin ng bugso ng bigong pag-ibig.

Sa tingin ko, isa rin sa mga bagay na alam kong mahalaga ay ang natitingnan ko si Liwayway nang hindi ako nasasaktan dahil siya ang minahal ng mahal ko.

"Baby, nandito na si Mommy! Say hi na to mommy!"

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko nang salubungin ako ni Liway kasama ang bunso kong si Orion. She was carrying the baby habang si Andromeda ay nasa loob ng playpen nito at busy sa paglalaro ng bola.

"Hi, baby ko!" Kinuha ko ang anak ko at saka tiningnan si Liway. "Nilagnat pa ba?"

"Naku, hindi na Thea, nag-skype kami ni Ma sabi niya baka daw kasi tinutubuan ng ngipin si Orion kaya siya nagiiyak at naglalagnat. How was your day?"

Nakakatuwa kung iisipin na natgapuan ko si Liway sa lugar na ito kung kailan ko kailangan ng kaibigan. I went here in Italy with nothing but myself and my daughter and the pain I gained from Yvo. Two months pagdating ko ay nalaman kong buntis ako, at my fifth month, I found Liway on a park while she was walking her neighbor's dog. Nagkagulatan kaming dalawa pero sa huli ay nagkausap rin kaming dalawa.

I told her what I knew and she was apologetic about it. Isang bagay na hindi naman dapat ika-sorry. Wala siyang kasalanan. Nagpasalamat pa ako sa kanya dahil ayaw niya akong masaktan. Inamin niya rin naman sa akin na may pagtingin siya kay Yvo – isang bagay na hindi ko naman ikinagulat. Pinagsisihan niya daw ang bagay na iyon – na ikinatawa ko naman. Sinabi ko sa kanya na hindi dapat pagsisihan ang love.

Love doesn't work that way. We can never choose who we love so don't blame yourself. You shouldn't regret it.

"Hala! Nag-iipin na ang baby? Hala! Parang ang aga naman!" Napahagikgik pa ako. Malapit nang mag-one year old si Orion, si Andromeda naman ay kaka-two lang noong nakaraang linggo. Hindi naman ako nahihirapan dahil narito naman si Liwayway sa tabi ko at tinutulungan niya ako.

"Ay! Thea, okay lang ba, bibisita kasi si Kuya dito. Mamaya ang dating niya, pasensya ka na ha, buwan – buwan siyang nandito, medyo, o.a. kasi iyon." Natatawang wika niya sa akin. Tumango naman ako. Kilala ko na ang kapatid ni Liway na si Ido at ang kaibigan nito na palaging kasama kapag dumadalaw na si Axel John. Parang ginawa na nga lang ni Ido na Pasay at Quezon City ang Pilipinas at Italya, pabalik-balik siya.

"Oo naman! Matutuwa si Andy kapag nakita niya ang Tito Pogi at Tito Macho niya. Wag lang kamo nilang ituro kay Andy na tawaging Tito Supot iyong kausap nila lagi sa facetime." I giggled. Natawa na rin si Liway. Nagpaalam na siyang magluluto habang ako ay nakipaglaro sa mga anak ko.

Minsan kapag tinitingnan ko si Orion ay lalo kong naalala si Yvo. Lahat ng anak niya sa akin ay kamukha niya mula buhok hanggang sa hugis ng labi pati nga yata sa ugali. Napapansin ko kay Orion na masyado siyang mainipin. Kapag naglalaro silang magkapatid ay nandyan iyong magsasapakan sila o sisipain niya ang ate niya. He'll do anything para siya ag masunod na ipinagbabawal ko naman.

Exclusively HisWhere stories live. Discover now