Tumayo ako pero nabigla ako nang muntik na akong matumba. Pakiramdam ko nga ay parang umiikot na ang paningin ko. Tumingin ako sa mg akasama ko pero parang nagiging dalawa na sila. Nakakatuwa.

"Two Kevins!" I laughed "and... two Erols!!! Look at you!" I pointed Jonathan. "You're two, too! Wait here guys. I'll be back in a few!"

***

GABE

"I really missed you." Muli na namang lumingkis yung babaeng isinama ni Bautista. "Yung work ko malapit lang sa tirahan mo ngayon. Pwede bang doon na lang ako matulog mamaya?" nakangising nakatingin sa akin si Bautista dahil sa inaasal ng babae ngayon. Sexy naman siya at maganda pero siguro kung dati ko siyang nakilala baka pinatulan ko siya.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Basta na lang ayoko na sa katulad niya. Pumayag akong sumama kanina kay Kyron pero hindi ko alam na kasama niya sila. She's creeping the hell out of me. Hindi ko nga matandaan ang pangalan niya.

"Lasing ka na." Lumayo ako sa kanya at lumipat na ako ng upuan.

"B-but Gabriel---."

Sa paglipat ko ay parang nakita ko si Miru. Hindi lang parang! She's really here! Wearing a damn sexy black club dress and looking fcking great than usual. Pinaliligiran siya ngayon ng mga hindi ko kilala habang sumasayaw siya.

"Hey! Nakikinig ka ba?"

"No." Sagot ko saka muling tiningnan ang lugar kung nasaan si Miru. Ilang beses siyang tinangkang kunin ng mga kaibigan niya pero lagi lang niya tinatanggal ang pagkakahawak nila sa kanya. Damn it, Miru!

Agad akong tumayo at hindi na pinansin ang mga tanong ng kasama ko. Agad kong hinila si Miru palayo sa dance floor na ikinabigla nito. Noong una ay parang nagtataka pa ito pero nagulat ako nang bigla itong ngumiti at niyakap ako.

"You're worried?" Isang tanong na para bang sinasabi nito na kanina pa niya alam na nandito ako.

"Madami ba siyang nainom?" Tanong ko sa isa sa mga kaibigan niya, completely ignoring her question.

"Madami. Miru, halika na." Tawag nito sa kanya pero umiling lang ito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin. Ang ilan naman ay nakatingin sa akin. Hindi ko sila kilala pero alam kong kilala nila si Miru. Mukhang marami silang nagpunta dito. Fcking great.

Tuloy pa rin naman ang malakas na kanta kaya ang ibang nakakakilala kay Miru ay pinabayaan na lang kami. Hanggang ngayon ay nakayakap pa rin siya sa akin.

"Gusto mo bang umupo?" Hinaplos ko ang buhok niya na ngayon ay basa na sa pawis. Naramdaman ko naman ang pagtango nito kaya inalalayan ko siya hanggang sa makabalik kami kung saan sila nakaupo.

"Kanina pa 'yan inom nang inom." Sabi ng kaibigan niya. Ang isa naman sa kanila ay masama ang tingin sa akin. Siguro siya ang sinasabi ni Miru na nagkakagusto sa kanya.

"Bakit hindi niyo siya pinigilan?" Nagkibit balikat lang ang mga ito na para bang normal lang sa kanila na nalalasing ang kaibigan nilang babae. Are they out of their fcking mind? Babae ang kasama nila pero hinahayaan nilang malasing?

"Kung iniisip mong nagpapapabaya kami, mali ka. Mas okay na nalasing siya para walang sumama sa kanya sa apartment niya. Siya lagi ang nag-aaalaga sa ibang mga kasama namin and that's damn tiring."

"Gabe, bakit ka habulin ng malandi?" ngumiti si Miru saka lumapit pa sa akin. "Naka ganito pa siya sa'yo, oh." Niyakap niya ang braso ko at isinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Napalunok ako. "Tapos, tapos hindi mo siya tinutulak. Type mo siguro."

"Tinutukoy niya yung babaeng kasama mo." Sabi ng kaibigan niyang masama ang tingin sa akin. Hindi pa rin inaalis ni Miru ang pagkakayakap niya sa akin at ewan ko na lang kung makakaya ko pa siyang nakikita na nandito ngayon. Na lasing at tinitignan ng ibang lalaki. Fck them!

***

MIRU

Hindi pa ako lasing na lasing para hindi alam ang ginagawa. Aware na aware akong nakalingkis ako sa kanya. Aware akong nakatingin sa amin ang babaeng kasama niya. Aware akong nandyan si Jonathan. Aware akong nakikita ako ng mga kaklase namin. I like it. I like the attention we're getting. I like how he's not refusing my hugs.

"Miru, ihahatid na kita sa inyo." Umiling ako bilang sagot sa sinabi ni Erol. Alam kong nag-aaalala sila pero hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon. Gusto ko kaming dalawa lang ni Gabe. Gusto kong makita ng babae na may ibang kasama si Gabe. Gusto ko na nandito lang siya sa tabi ko.

"Hey, are you crying?" I could smell his faint cologne as I snuggled closer. His hands ran up my hands, leaving my skin tingling in his wake. "Gusto mo ng umuwi?" His mascular hands wrapped around me. Sky above! Why are you doing this? I think we're too intimate now.

I gently pushed him away at nagulat ako nang wala na pala sina Kevin dito.

"Ayaw yata nila sa akin." Sabi nito nang mapansin niyang hinahanap ko yung tatlo kong kaibigan.

"You don't need to please my friends." I said, almost a whisper.

"But I want to." He inched a little closer and I knew at that second that he's going to kiss me and I was going to let him. I slowly curled my fingers around his nape and stared at him. "We should go home, angel." He said against my mouth before claiming my lips. His mouth was soft, warm and sensual. A hand tangled in my short hair, tilting my head back and gently angling me for him to kiss me deeper.

"Who's Angel?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya at hinaplos ang pisngi ko.

"You." Sabi pa nito habang ang isang kamay niya ay taas-baba lang na hinahaplos ang kaliwang braso ko. "And, I think we should go home. Because, angels like you, don't belong here." Muli ay hinalikan niya ako sa labi. I didn't want him to stop but damn him when he suddenly stopped! "Your friends are staring." Nakaramdam ako bigla nang hiya nang sabihin niya iyon sa akin. Darn it!

"I think, you're right. We should go home."



*****
A/N: OMG! May progress na sila! AT LAGOT KA MIRU SA DADDY BAH MO! MUAHAHAHAHHAHAHA! Vote and Comment please? Kanino ko naman kaya i-aalay ang chapter na ito?

Sino kaya yung isang kapitbahay pa ni Miru? *o*



Hello, NeighborМесто, где живут истории. Откройте их для себя