"Syempre gusto ko rin sumama sa mga babae." Sabi ko saka ko kinuha yung baso na inabot sa akin ni Kevin. Medyo maingay na nga dito dahil sa music. Parang feeling ko naaalog ang utak ko dahil sa lakas ng mga kanta.

Kahit nakaupo ako ay sumasabay pa rin naman ako sa music. Sumasayaw pa rin naman ako kahit na umiinom. May mga bantay nga lang ako pero ayos na rin 'yon.

"Hindi ka naailang na nandito ka kahit na umamin ka kay Miru?" Pang-asar ni Erol kay Jonathan.

"bakit naman ako maiilang? Kung hindi niya ako gusto katulad ng pagkagusto ko sa kanya, okay lang. One sided lang naman talaga dati pa."

"Paano kung niligawan ng iba si Miru?" tanong pa ni Kevin na medyo nilalakasan na rin ang boses dahil sa ingay.

"Edi ligawan! Tignan natin kung ubra sa kanya!" Natatawang saad naman ni Jonathan.

Ang pag-usapan ako sa harap ko ay talagang nakakailang. Hindi ko talaga alam kung paano ako aasta sa harapan ni Jonathan but I know that he's trying to act normal.

"Pero mahal mo talaga?"

"Oo naman." Nagi-guilty ako sa ginagawa nila kaya mas minabuti ko na lang na uminom at huwag ko masyadong pakinggan ang pinag-uusapan nila. Alam kong binubwisit lang din naman ako ng dalawa at pakiramdam ko ay natutuwa rin si Jonathan ngayon sa inaasta ko. Kung ganito siya maglabas ng sama ng loob dahil nireject ko siya, okay! Sige! Guilty na ako!

Hindi ko alam kung nakakailing baso na ako. Medyo matapang pa naman ang inorder nilang drinks.

"Si Engineer ba 'yon?" Tanong ni Kevin sa akin kaya tiningnan ko ang itinuro nito. May tatlo itong kasama. Dalawang babae at isang lalaki. "Mukhang may double date ang engineer mo." Inom. "Girlfriend yata niya 'yong isa."

"Wala siyang girlfriend." Ininom ko ulit ng straight ang nasa baso ko at agad naman itong nilagyan ulit ni Erol.

"Tignan mo yung babae kung makalingkis sa engineer mo. Ang lapit." Tiningnan ko ulit sila saka ko ulit ininom ang nasa baso ko.

"Wala 'yan. Ganyan naman talaga si Gabe." Muli kong hinawakan ang bote ng alak at saka nilagyan ang baso ko. Bakit ba kasi ganyan siya? Pwede namang hindi!

"Nagseselos ka ba?" tanong pa ni Jonathan sa akin.

"Hindi ako nagseselos." Sagot ko saka ko muling ininom ang kakarefill ko lang na baso.

"Dahan-dahan lang. Huwag kang masyadong iinom ng marami." Paalala naman ni Erol sa akin pero kinargahan pa rin nito ng laman ang baso ko. May saltik din ang isang 'to. Tapos nakakainis dahil parang natutuwa pa si Gabe na may kasama ngayon. Nagtatawanan pa sila. Mabilaukan sana sila sa iniinom nila!

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa baso ko nang makita kong may ibinulong ang babae sa kanya. Halatang-halata na may gusto ang babae sa kanya. Muli akong uminom at hindi iniintindi ang sinasabi ni Jonathan.

He freaking kissed me, right? Hindi naman ako delusional.

"Guys, can you kiss someone kahit wala kang feelings sa kanya?" I asked. Wala akong pakialam kung sino ang sasagot sa kanila. Basta gusto ko ng sagot. Yung matino at walang paligoy-ligoy na sagot.

"Oo naman." Sabi ni Kevin. Nalimutan kong babaero nga pala si Kevin. Nalimutan kong mahilig siya sa babae pero kahit papaano ay maganda naman siyang kaibigan.

Muli akong napatingin sa kinauupuan nina Gabe. Hindi pa rin niya kami napapansin. Chill lang itong umiinom kasama ang mga kasama niya. Nakikipagtawanan pa nga ito. I need a distraction. Hindi pwedeng siya lang ang napapansin ko ngayong gabi. I should be having fun!

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon