Narinig ko ang pagbukas ng closet ko mula sa phone.

" Binuksan ko na. Why?"

"Nakita mo ba yung kontrata na ginawa mo? Buksan mo ang envelope at dun mo malalaman ang sagot ko. Goodbye, Sir and thank you for loving me back." sabi ko tsaka pinutol na ang tawag. Bulong na 'yong huli kong sinabi pero totoo yun. I wipe all my tears and turn off my phone. Tomorrow's a big day and I will fix all this mess even if it is hard to start.

.

Jane's Point of View:

3 months na ang lumipas pero wala paring Rebecca na nagparamdam. We contacted her and minsan nalang niyang masagot. She said she's busy. Busy for what? Iyan yung tanong kong hindi niya kailanman sinagot. Malapit nang magbakasyon pero wala parin siya. Hindi siya umuwi at may professor pa akong kinukulit kung asan daw ba talaga siya. Eh ano ba ang right ko para sabihin sa kanya? Si Rebecca lang ang makakasagot sa mga tanong niya.

"Mhie, nakabusangot ka nanaman." sabi ni Benedict. He cupped my face and stare at it.

"Halatang masyadong inlove ka rin sa akin noh?" sarkastiko kong sabi ko kaya kinurot niya ang ilong ko.

"Aray! Mashakit!" reklamo ko. Binitawan niya ako tsaka hinaplos ang ilong kong namumula na.

Inirapan ko siya. Hindi kami bati. Tampo mode muna ako. Ikaw ba naman ang kurutan ng ilong. Gosh! Buti nalang at hindi ako retokada kasi baka kanina pang sira tong ilong ko.

"Sorry na. I didn't mean it. Ang cute mo lang kasi." sabi niya sabay hug sakin sa mula sa likod. Hindi ko parin siya pinansin. Bahala siya diyan, eh kung yung aso nalang kaya niya ang pinagigilan.

Hinarap niya ako kaya kitang-kita niya ngayon ang nakabusangot kong mukha.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Te---teka! Iki-kiss ba niya ako? Napaurong nalang ako ng kaunti dahil sa thought ko. Hindi naman sa hindi pa ako nakatikim ng kiss pero akala ko kasi marespeto tong taong 'to.

"Ya---yah! Iki-kiss mo ba ako, hah?!"

Nakita ko pa ang pagngiti niya ng nakakaloko. Juice colored! Nagkamali ba ako sa pagsagot ng lalaking 'to?

" Yes. I'll kiss you and I'm gonna make sure that you're still mine." sabi niya sabay lapit na talaga. Ahhh! Teka. Masyado na ata akong o.a.

Pinikit ko na lamang ng mahigpit ang mga mata ko. Ikikiss narin naman niya ako so wala na akong magagawa. Hindi ko rin siya mapigilan kasi may pumipigil sa akin na hampasin siya. May side rin akong gusto ko 'to. Okay, ang weird ko na.

Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang paglapat ng labi niya... niya sa... ano... sa... ilong ko. Napadilat nalang ako matapos nang paghalik niya sa ilong ko.

"Ayan, mawawala narin yang sakit sa ilong mo. My kiss is a medicine." sabi niya sabay ngiti ng napakalapad.

Na-touch naman ako sa sinabi niya. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na tumetake advantage agad kapag naging sila na ng taong mahal nila.

Pero sana natuloy nalang yung sa lips eh. Tsaka yung sabi niyang my kiss is a medicine, eh kung ganun susugatan ko nalang ang  labi ko para may medicine palagi. Hahaha.

" Hindi kita hahalikan sa labi unless you beg for me to do it." hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Me? Begging for him to kiss me? Duh! Kapal din naman ng mukha.

" Don't worry kasi kahit kailan I won't beg for you to kiss me."

"I'm just kidding. In our wedding, doon na kita hahalikan kahit kelan ko gusto." sabi niya sabay akbay sa akin.

Marrying my Teacher [COMPLETE/UNEDITED]Where stories live. Discover now