Chapter 34: Accident Prone

Start from the beginning
                                    

"Ay Baklang Kabayo!" Napatalon ako sa kinauupuan ko ng wala sa oras. 

"Tss. Ba't ka nakaupo diyan? Pulube ka na ba?" Tanong niya sakin. 

Biglang may namuong luha sa mata ko. "C-Chiro..." Tumakbo ako at niyakap ko siya ng mahigpit. Di ko napigilang di maiyak. He came. Naramdaman kong naging stiff yung katawan niya sa sudden action ko pero agad naman siyang yumakap pabalik. 

"Napaka-iyakin mo talaga." Sabi niya habang pinapa-tahan ako. "Bakit ka ba nandito? Diba dapat nasa bus ka kasama nila?" 

"Naiwan nila ako eh. Lowbat pa cellphone ko." Sagot ko nung kalmado na ako. 

"Tss." Binuksan niya yung pinto ng kotse para sakin at pumasok ako sa loob. Siya naman ay umupo sa driver's seat, malamang. 

"Paano mo ko nahanap?" Biglaang tanong ko. 

"Nagpa-gas ako tapos nakita kita. Yun lang yun." Sagot niya na parang wala lang. 

"Kahit na ganun lang yun, salamat parin..." Sabi ko. Hindi siya sumagot pero nakita kong ngumiti siya. Sumandal ako sa bintana ng kotse at pinikit yung mata ko. 

Malaking pasasalamat ko sa tadhana. Unexpectedly, he found me again.

***

"Ayumi... Ayumi... gising na." Dahan dahan kong minulat yung mata ko. Nakita ko si Chiro na nakatayo sa labas ng pinto. 

"Nandito na ba tayo?" Sabay hikab ko. 

"Nasa hotel tayo." Sagot niya. "May naaksidenteng bus at naharangan yung daan papuntang baguio. Di tayo makakadaan kaya dito muna tayo matutulog." 

Bigla akong napakamot sa ulo ko. "Ah eh... kasi... Wala akong pangtulog. Nasa bus yung gamit ko." Hay buhay, parang life.

"Use my shirt." Deretchong sagot niya na parang wala lang yun. "Let's go." 

Bumaba ako ng sasakyan niya at sinara yung pintuan. Agad naman akong sumunod sa kanya at naglakad kami papunta sa front desk. "2 rooms please." sabi ni Chiro.

"Sir, pasensya na po pero isang room nalang po ang available. Ang dami po kasing nag-check in gawa nung aksidente. Maga-add nalang po ng additional bed." Sabi nung babae sa Front desk.

Ngayon ko lang din napansin na ang daming tao dito sa loob ng hotel. 

"Is it okay with you?" Tanong ni Chiro sakin.

Tumango nalang ako. Aarte pa ba ako eh nandito na? Tsaka gusto ko rin siyang makasama kahit papano. Miss na miss ko na kasi siya. Biruin mo naman, limang taon ko siyang di nakita.

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now