Chapter 34: Accident Prone

Start from the beginning
                                    

Bumalik na ako sa may CR kung saan naka-park yung bus namin. 

Pero bakit ganun? Parang may mali?

Nanlaki yung mata ko. OMAYGHAD. WHERE IS THE LOVE?! ESTE BUS?! Bigla akong nag-panic at nilapitan ko yung babaeng naniningil ng limang piso kada gamit ng banyo. 

"Ate, asan po yung bus na nandito kanina?" Natatarantang tanong ko. 

"Kakaalis lang po, Miss." Sagot niya.

Napanganga ako. Ang bait niyo, shet! Tatanggalin ko kayong lahat sa trabaho niyo eh! Kinuha ko yung iPhone ko, inenter yung passcode at nagse---- Okay, deads na yung phone ko. Nilaro siguro ni Kinami yung phone ko kagabi, Waaaah! Paano na ako?! 

Tulog si Kuya Gab! Paano niya malalaman na wala ako sa tabi niya?! Shet! Napaka-lalim pa naman matulog nun! Baka sa baguio na yun gumising! Kawawa naman ako! Ang tanging nagawa ko? Kumain. -_____- 

May nakita akong nagbebenta ng palitaw kaya bumili ako. Gutom na ako eh. Wala namang magagawa kung magmumukmok ako sa isang corner eh. Di ako mabubusog niyan. 

Habang kumakain ako ng Palitaw, may bigla akong naalala. Isang pangyayari noong High school days ko. Noong nanliligaw palang si Chiro sakin.

*FLASHBACK* 

"Bakit ka may sugat sa braso?" Nag-aalalang tanong sakin ni Chiro nang makita niya yung hiwa ko sa braso. Nakuha ko ito nung pinagkaisahan ako ng mga kaaway ko sa kabilang school pero yan lang naman.

"Ah wala, nagasgas lang ako sa bakal." Palusot ko. Ayoko kasing mapaaway siya. Ayokong mapahamak siya lalo na kung dahil sakin. 

"Tss. Hindi ka magaling mag-sinungaling." Sabi niya sakin. "Inaway ka na naman ba nila?" 

Napayuko ako. "Hayaan mo na, yan lang naman eh." Sabi ko sa kanya. 

"Hayaan?! Sa tingin mo ba papayag ako sa ginawa nila sayo? Sinaktan ka nila, Ayumi. Sinaktan nila yung babaeng mahal ko at ang nakakainis pa, wala akong nagawa para iligtas ka." Napahilamos siya sa mukha niya. 

Siguro nawala ako bigla sa katinuan ko dahil bigla ko siyang niyakap. "Please, hayaan mo nalang sila. Lalaki lang yung gulo eh." Pagmamakaawa ko. 

Naramdaman kong yumakap din siya pabalik at hinalikan yung ulo ko. "This is the first and last time na hahayaan kong may gawin sila sayo. I swear, I'll always be there." 

*END OF FLASHBACK* 

***

"Tss." 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now