Liz just shrugged.

"Why not? She deserves that. Unang tingin ko pa lang sa kanya, alam kong masipag sya. She's different from everyone else."

Hindi naman tumanggi si Lance. Napansin na din nya iyon. Kakaiba ang fighting spirit ng babaeng yun. Ni minsan ay hindi nya narinig na nagreklamo. He was just waiting for her to complain, pwede naman nyang bawiin ang inuutos. Afterall, it was all just a test. But she didn't falter. Kaya sa huli, hinayaan na lang nyang gawin nito ang mga utos nya.

"Which made me think... Ni minsan hindi mo ginawa yan sa ibang secretary mo. Tell me the truth, nachallenge ka sa kanya 'no?" nanunudyong sabi ni Liz.

"Of course not." He took another sip from his glass.

"I know you, brother. Why don't you just admit it?"

Napailing na lang ang binata sa kakulitan ng kapatid. Hindi pa naman siguro ito lasing pero kung ano ano na ang lumalabas sa bibig.

"Don't fall for her ha? Baka isama mo pa sya sa mga pinaiyak mo."

"Why would I even do that?"

"Pero hindi naman imposible diba?"

Muling napailing ang binata.

"Just drop it, Liz. I'm going to bed. Bahala ka na dyan." tumayo na si Lance.

On his way to his room, napaisip din sya sa sinabi ng kapatid. Joey is indeed interesting. Pero ang magkagusto dito? Parang malayo naman sa katotohanan. He moves like a man. Baka nga babae din ang gusto nito.

IT'S SATURDAY. Kahit weekends, nakasanayan na ni Lance na magtrabaho. Mas gusto nya pang tumambay sa opisina. Wala rin naman kasi syang pagkakaabalahan sa bahay.

Nasa daan na ang binata papunta sa opisina at tulad ng karaniwang nangyayari, naipit na naman sya sa traffic. Kelan kaya mababawasan ang traffic sa Pilipinas?

Habang hinihintay nyang mag-green ang traffic lights, napalingon sya sa kaliwang bahagi ng kalsada. Taxi ang nakita nya doon. Pero hindi ang taxi ang nakatawag sa pansin nya. Yung driver. This has got to be kidding him! Pero imposible. Sa ganda nito, hindi naman siguro nito papayag na maging taxi driver.

Okay, wait. Did he just say Joey's beautiful?

Iniling nya ang ulo para itaboy ang iniisip. Instead, he grabbed his phone from the dashboard and dialed Joey's number. Sakto naman na nag-green na ang traffic lights asking the vehicles to go.

KANINA PA SA restaurant na iyon si Joey. Hindi nya alam kung bakit sya pinapunta ng boss nya doon. Sabado naman ngayon at wala naman sinabi ang amo na may trabaho sya sa ganitong araw.

"May problema po ba, sir?" kanina pa kasi itong nakakunot noo at nakatingin lang sa kanya.

"You didn't tell me you're a cab driver." sabi nito.

"A-Akala ko po kasi, nasabi na sa inyo ni Ms. Liz. May problema po ba dun? Matatanggal po ba ako sa trabaho dahil sa nalaman nyo?" tuloy tuloy na tanong ng dalaga.

"No." he answered. "Hindi ka ba natatakot magmaneho ng taxi? Hindi mo kilala ang mga pasahero mo."

Medyo nagtaka naman si Joey sa akto ng boss. Anong nakain nito naging interested yata na kausapin sya?

"Kaya ko naman po ipaglaban ang sarili ko. Saka ilang taon ko na rin naman ito ginagawa." weird talaga ang boss nya. Pero infairness, ang gwapo nya ngayon. Hindi sya yung ordinaryong boss na palaging naka-3-piece suit. Ang nasa harap nya ngaun ay isang mala-adonis sa kagwapuhan na nakasuot lang ng yellow polo shirt at denim jeans. So gwapo!

"Ayoko lang mawalan ulit ng secretary kapag nagkataon. Mahirap maghanap. Anyway, take your lunch. You'll have a long day." tumayo na ito na ipinagtaka naman ni Joey.

"Wag na po, sir. Kakatapos ko lang po kumain." tatayo na rin sana sya pero pinigilan sya ng binata.

"No. Just eat. Don't worry, bayad na yan." saka walang paalam na umalis. Sinundan na lang ni Joey ng tingin ang binata habang naglalakad palabas sa restaurant.

Antipatikong suplado talaga. Weird na sa pinaka weird. Masungit tapos biglang babait. Tapos masungit na naman.

"Excuse me, ma'am. Here are your orders." halos nanlaki ang mata nya sa pagkaing isa isang inilalagay sa table. Ang dami! Ano to? Fiesta? Papatayin na ba sya bukas at kailangan nya ng kumain ng marami ngayon? O baka naman iniisip ng amo nya na hindi sya kumakain ng normal sa isang araw.

"May mali po yata. Bakit parang ang dami naman nyan?" simpleng tanong nya sa waiter. Sa payat nyang iyon, hindi nya kayang ubusin ang pagkain na nasa harap.

"Yan po ang sinabi ni Mr. Del Fiero."

"Ganun ba?" saglit na nag-isip ang dalaga. "Pwede bang i-take out na lang lahat yan? Hindi ko kasi yan kayang ubusin." alam nyang medyo nakakahiya na ang pinaggagawa nya. Nakakahakot na nga sya ng konting atensyon sa resto na yun.

"Sure ma'am. Kindly wait here." magalang na sabi ng waiter.

Naloloka na sya. Ano bang nangyayari? Mas malala pa sa malalang bagyo ang mood ng boss nya. Hindi nya alam kung concern ba talaga ito sa kanya o gusto lang syang ipahiya. Pero sa tingin nya, yung Option B ang tama. Imposible naman kasing maging concern ito sa kanya.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt