A/N:
Hi! Sorry late update. Sobrang busy lang talaga. Binasa ko kasi ulit mga gawa kong chapter kasi nakalimutan ko na ung mga sinusulat ko at ang dami kong napansin na mga mali. Iedit ko nalang siguro Hahaha! Sorry kung masyado kayong nabibilisan sa story ko. Hahahaha! Gusto ko lang idedicate tong chapter sa baliw kong bestie. Kay juhairah! Kung nasan ka man bestie ko andito lang ako. Hindi ka nag-iisa, hindi lang ikaw ang may problema sa mundo. Lahat ng tao may poblema pero nakakaya nilang mapagtagumpay yun ng walang inaapakan na tao. Maging matatag ka lang bestie, maging mabuting tao, anak at maging mapanalanginin. Magkaiba man tayo ng relihiyon pare-parehas lang din tayo nanalangin sa diyos. Always take care bestie. I love you. Thank you for supporting my story. Sa lahat din po ng nag-basa nito maraming maraming salamat po. God bless po sainyong lahat.
SOMEONE POV
Naglalakad sila alice at jason ng tahimik sa tabing dagat na para bang silang dalawa lang tao sa beach. Habang may taong nanlilisik kung tumingin sa kanila. Kumuyom ang kamao nito na parang bang papatayin niya ito gamit ang kanyang kamao.
"Maghintay ka lang, mawawala ka din dito sa mundong ito." ngumisi ito at dali daling umalis sa kanyang pwesto.
Tahimik na nagmamasid si alice habang inaalala ang paguusap sa likod ng telepono na kanyang nakausap. Lungkot ang makikita sa mukha ni alice at nagiguilty dahil sa kaniyang inasal sa kausap nito. Napabuntong hininga nalang siya na siya namang napansin ni jason.
"What's wrong alice?" nag-aalalang tanong nito. Umiling si alice dahil ayaw niyang pagusapan ito, masyado ng madaming natulong sakanya si jason kaya minabuti niyang tumahimik nalang. Ayaw na din niyang makadagdag sa problema ni jason at naisip niyang personal na bagay na ito kaya naisip niyang hindi na dapat pang ipagsabi ang kanyang problema. Ngumiti si alice kay jason para ipaalam na wala dapat itong ipag-alala. Hinawakan ni jason ang kamay ni alice at hinalikan nito ang likod ng palad ni alice.
"Kung hindi mo na kayang solohin yan, nandito lang ako. Handa akong makinig kahit ano pa yan. Ang gusto ko lang maging maayos ka, walang iniisip na problema kundi ako lang." Nakangisi nitong sabi kay alice na kinamula naman nito ng kanyang mukha. Umiwas ng tingin si alice dahil pakiramdam niya ay lumalambot ang kanyang tuhod na anytime ay matutumba na siya sa pagka-titig sakanya ni jason. Hindi pa din binibitawan ni jason ang kamay ni alice bagkus lalo niya pa tong hinigpitan na animo'y mawawala sakanya si alice. Samantalang, si alice ay naiilang sa sitwasyon nilang dalawa. Pakiramdam niya ay isa siyang babaeng madaling makuha dahil hinahayaan niya lang itong gawin sa kaniya ni jason.
Ano bang ginawa mo sakin jason? I'm getting scared because of my feeling towards you. I'm falling and falling deeper and its not healthy.
----
"Kamusta na daw siya?" Tanong ko sakaniya. Umiling ito at napapailing.
"Hanggang kailan niya ba tayo matitiis? Hanggang kailan pa ba? Mis na mis ko na siya!" Umiiyak nitong sabi. Napaupo ito at humagulgol. Naawa siya kay clara kaya naman nilapitan niya ito at niyakap. Hinagod niya ang likod at pinapatahan.
"Shhhhhhh. Everything is gonna be alright" pag-aalo niya dito. Mayamaya'y naramdaman niyang huminahon ito at nakatulog ng mahimbing. Napangiti siya ng di umaabot sa kaniyang tenga. Ngiting may lungkot at takot. Binuhat niya ito ng marahan saka dinala sa kanilang kwarto. Nang marating nila ang kwarto ay dahan-dahan niya itong inihiga sa kama. Kinumutan niya ito at hinalikan sa noo ng punong puno ng pagaalala. Hinaplos niya ang mukha ni clara ng may pagmamahal at pagiingat. Hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha.
"I'm sorry kung pinatagal ko pa sa ganitong sitwasyon. Gagawa ako ng paraan para muli tayong magkaayos-ayos. Mahal na mahal ko kayo clara" at muli niya itong hinagkan ng mabilis na halik sa labi ni clara na naluluha. Pinunasan nya ang kanyang luha saka nagdesisyong lumabas ng kuwarto. Inilabas niya ang kanyang telepono mula sa kanyang bulsa at tinawagan ang kanyang bodyguard.
YOU ARE READING
Until I Found You (CONTINUE & EDITING)
RomanceStorya po ito ng isang babaeng nangangarap makahanap ng isang true love. Nasawi man sya ng una pero hindi pa din sya sumusuko makahanap ng "Mr. Right Guy". Mahahanap pa kaya nya ang "Mr. Right Guy"????? sa kabila ng pagkamystery nya. Alamin po nati...
