---------- KINABUKASAN ----------
ALICE POV
Krriiing. krriiing. krriiing.
Napabalikwas nalang ako ng gulat ng may tumatawag sa phone ko. Sinagot ko ito ng walang tingin tingin at antok na antok.
[Hello...] paos kong sabi.
[Good morning bebe alice!] masigla niyang bati
Napatingin ako sa phone ko kung tama bang siya ang tumatawag. Si mattie nga. Napangiti nalang ako sa kawalan dahil namis ko din tong baklang to.
[Good morning din mattie. Kamusta kana?]
[Ayos naman ako bebe. Ikaw kamusta kana? Namis na kita bebe alice ko.] malungkot niyang sabi.
[Ayos din naman ako mattie. Namimis na nga din kita eh. Sorry kung di na ko nakakasama sayo ah. Hmmmm. Andami kasing nangyari eh] pag-kasabi ko nun ay bigla ko nalang naalala lahat ng pangyayari sa amin ni sir Jason. Simula sa pinagalitan niya ko tapos bigla siyang bumait sa akin hanggang sa nakita ko ang ex ko na napunta sa pagkocomfort niya sa akin tapos na punta sa ano. Sa kissing scene. Iniling ko ang ulo ko baka sakaling mawala siya sa isipan ko. Pakiramdam ko biglang uminit dito sa kuwarto ko. Tumingin naman ako sa aircon ko kung patay pero nakabukas naman.
[Hoy alice! Nakikinig ka ba?]
[H-aa? Ano ba sabi mo? Hehehe.] pahiya kong tanong sa kaniya
[Nak ng putcha naman bebe. Kanina pa ko salita ng salita dito tapos di ka pala nakikinig diyan. Sinasayang mo lang laway ko. Nakakatampo kana ah.] pakunyaring galit niya sa akin.
[hehehe. Mattie naman eh. Sorry na. May iniisip lang kasi ako. Wag kana magalit diyan oh.] lambing ko sa kanya.
[Tignan mo. Tignan mo. Naglilihim kana sa akin. Sino iniisip mo ah? Sabihin mo sa akin. Sino?]
Maya maya'y may narinig akong nag doorbell sa pinto ko. Nag-paalam na ko kay mattie at sinabing may bisita nga ko. Nag-mamaktol naman nyang binaba na kinatawa ko. Tumayo na ko sa kama at hindi na nag-abalang mag-ayos ng sarili. Nag-iisip kung sino naman ang bibisita sa akin. Eh ang pag-kakatanda ko wala naman akong pamilya. Ngumiti ako ng maganda bago binuksan ang pinto.
"Sino yan?" tanong ko. Binuksan ko ang pinto ng malaki saka tinignan ang taong nag-door bell sa pinto. Laking gulat ko dahil sa taong hindi inaasahan. Hindi ko malaman kung papapasukin ko ba siya o ipag-sasarado ng pinto o kaya tumakbo nalang palabas. Ang mga kamay ko ay bigla nalang nanlamig, hindi ko maiwasan hindi maipakita sa kaniya na hindi ako komportable sa harap niya.
"Why are you here?" laking pasalamat ko nalang nakapag-salita pa ko ng maayos sakanya.
"Ahmmmm. Naistorbo ba kita rhein?" napakamot nalang siya ng kanyang batok sa kahihiyan. Gusto kong matawa dahil ang cute niyang mahiya. Winaglit ko nalang ang pag-iisip ko dahil hindi dapat. Nakakamis din pala ang pag tawag niya sa akin ng rhein dahil siya lang nakakatawag sa akin nun bukod sa magulang ko. Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi pa nya sinasagot ang katanungan ko bagkos tinaasan ko pa sya ng kilay patunay na nag-hihintay ako ng sagot sakanya.
Napabuntong hininga nalang siya bago mag-salita. "Im here because I want to talk to you."
Napaawang nalang ang aking bibig sa binitiwan niyang salita. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya pa sa akin yan. Humugot ako ng lakas para makapag-salita.
"Talk?" Pakunyari kong tanong. "For what Aaron?". Hindi ko alam kung anong dahilan ang pag-parito nya dito, naiinis ako sa mga kinikilos niya na parang nakalimutan niya na lahat ang ginawa niyang pag-tataboy sa akin noon.
ESTÁS LEYENDO
Until I Found You (CONTINUE & EDITING)
RomanceStorya po ito ng isang babaeng nangangarap makahanap ng isang true love. Nasawi man sya ng una pero hindi pa din sya sumusuko makahanap ng "Mr. Right Guy". Mahahanap pa kaya nya ang "Mr. Right Guy"????? sa kabila ng pagkamystery nya. Alamin po nati...
