JASON POV
Matapos ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni alice ay balik trabaho na kami sa isa't isa. Paminsan minsan sumusulyap ako sa gawi nya. Nakanoo't ang kanyang noo habang nakaharap sa kanyang computer na kagat kagat ang dulo ng ballpen. Napangiti nalang ako habang tinitignan ko siya. Tumingin siya banda sa akin na agad ko namang binaling sa iba ang mata ko. Bumalik ako sa ginagawa kong pagbabasa ng report. Nadaanan ng tingin ko ang orasan saka ako tumayo at inayos ang mga papeles ko. Pumunta ako sa harapan ni alice.
"Alice di ka pa ba maglalunch.?" Sabi ko sakanya.
"Maglalunch na po sir. Tataposin ko lang po saglit ito." Tugon niya.
"Sabay na tayo mag-lunch alice kung okay lang sayo."
"Nakakahiya naman po sir kung sasabay ako sayo mag-lunch." Nahihiyang sabi niya.
"No. Its ok. Pang peace offering ko na rin sayo." Nakangiti kong sabi.
Tumango nalang siya bilang pagsang-ayon niya sa pagyayaya ko sa kaniya. Maya maya natapos na din siya sa kaniyang ginagawa.
"So.... Tara na.?" Tanong ko sa kaniya. Muli siyang tumango at ngumiti ng matamis saka ako ngumiti pabalik sa kaniya.
Pinagbuksan ko siya ng pinto saka sumunod sa kaniya. Pagsakay namin sa elavator saka ko pinindot ang button papuntang parking. Nag-isip ako kung anong pwedeng pagusapan dahil napakatahimik niya.
"Hmmmmm.. Alice saan mo gusto kumain.?" Tanong ko sa kaniya.
"Kahit saan nalang po sir. Hehehe." Nahihiya niyang sabi.
"Hmmm.. Sa restaurant nalang namin tayo kumain tutal may malapit lang din naman dito." Sabi ko
"Sige po sir." Pagsang-ayon niya.
Pag-kalapag ng elavator sa parking ay dumerecho na kami sa kotse ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat. "Thank you sir." Nakangiti niyang sabi. Ngumiti nalang ako sa kaniya saka umikot sa kotse papuntang driver seat. Buong byahe ay tahimik lang kami at walang nag-lakas ng loob na magsalita hanggang sa makarating kami sa isa naming pag-mamay ari na restaurant. Inalalayan kong makababa si alice saka dumerecho papasok sa loob ng restaurant.
"Good afternoon sir jason, Good afternoon ma'am." Bati ng isang guard
"Good afternoon." Maawtoridad kong sabi.
"Good afternoon din po kuya." Masayang bati ni alice.
"This way sir." Crew
Sumunod kami sa crew at maya maya natatanaw ko na din ang table na laging nakareserved sa akin. Naramdaman ko nalang bigla ang pagkahinto ni alice mula sa aming paglalakad saka ko siya nilingon para tanungin kung bakit siya huminto. Nung nilingon ko siya kasalukuyan siyang nakatingin sa aming harapan na gulat na gulat at nagsisimulang maluha. Napatingin ako kung saan nakatingin si alice saka ko nakita ang isang lalaking na may kasamang babaeng nakalingkis sa kaniyang braso habang ang kaniyang mata'y na kay alice.
Nakatuon lang ang mata ko sa lalaking naglalakad palapit sa amin. May kapogian din ang isang ito pero mas lamang pa din ako kaysa sa kaniya. Nang makalapit na siya sa aming harapan.
"Alice..." Sabi ng lalaking nakangiti
Ilang minuto ang dumaan hindi pa din nagsasalita si alice. Nilingon ko siya pero nakatulala lang.
"Im Jason Steve Tan." Matigas kong sabi sa kaniya. Inabot ko sa kaniya ang kanang kamay ko para makipagkamay. Tumingin naman siya sa akin saka inaabot ang kaniyang kamay sa pagtanggap ng kamay ko.
ESTÁS LEYENDO
Until I Found You (CONTINUE & EDITING)
RomanceStorya po ito ng isang babaeng nangangarap makahanap ng isang true love. Nasawi man sya ng una pero hindi pa din sya sumusuko makahanap ng "Mr. Right Guy". Mahahanap pa kaya nya ang "Mr. Right Guy"????? sa kabila ng pagkamystery nya. Alamin po nati...
