ALICE POV
Matapos ang panaginip na yun. Hindi na ko muling nakatulog. Lumabas na ko ng kuwarto ko para uminom ng coffee. Napasulyap ako sa orasan ko.
4am.???? Haysss. Sana naman hindi ako antukin nito mamaya.
Hindi mawala sa isip ko ang panaginip na yun.. Hindi ko mawari kung bakit sya laman ng panaginip ko. Napapailing nalang ako kakaisip. Luminga linga ako sa kabuuan ng aking suit na anong pedeng gawin para maging busy ang pagiisip ko. Ginawa kong busy sarili ko. Linis sa kwarto ko, sa banyo, sa kusina at sala. Matagal tagal na din ang hindi ko paglilinis ng suit ko.
Time check:
Hala! 7.30 na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Aiiisssssh. Naman oh.
Nagmadali na kong maligo. Mga 5 minutes tapos na kong maligo at hindi na ko nag-abala pang magpaganda dahil hindi ko naman ugaling magmake-up. Naglip loss lang ako at lumabas na ng suit ko.
Patakbo na kong sumakay ng elevator papuntang parking. Paglapag ng elevator sa parking tumakbo na ko patungo sa kotse ko saka sumakay. Yes! I have my own car. Its audi. Minadali ko ng ang pagstart ng kotse ko saka pinaandar ng mabilis.
Brrrrooooooommmmmmm......
Tan Company
Time check:
8.30am?? 30 minutes late??.. Paktay ako nito kay sir...
Patakbo na kong pumasok sa loob ng company.
'Goodmorning ma'am'. Bati ni kuya guard na nakangiti.
'Goodmorning din kuya'. Tugon ko sakanya na walang tingin tingin papuntang elevator.
Nakita kong pasara na ang elavator saka sumigaw...
'Wait po.!!!' Hingal kong sabi.
Nang makatungtong na ko sa loob ng elevator. Napaupo nalang ako dahil sa sobrang pagod hindi na ko nag-abala pang tingnan kung sino ang kasama ko sa elavator. Hingal na hingal ako ng magpasalamat sa kasama ko.
'Thank you ah.. Hinintay mo ko.. Late na kasi ako eh. Lagot talaga ako sa halimaw kong boss. Hayyys.' Hingal kong sabi na walang tingin tingin sa katabi ko.
Umayos na ko ng tayo at inayos ang damit kong may konting gusot. Tinuwid ko ang may gusot sa damit ko saka tumingin sa katabi ko para ngumiti ng malaki pero napawi na lang bigla ang aking ngiti matapos kung makita ang mukha ng kasama ko na nakanoot ang noo at ang aking napawing ngiti ay napalitan ng kabadong ngiti.
_dO.Ob_
'So alice... Sinong halimaw na boss ang tinutukoy mo ha.??!!!!!.' Nakataas ang kilay na sabi ni sir jason. Bakas sa tono nya na ay galit at naiinis.
Napaatras nalang ako at napayuko. Nahihiya dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Nanatili nalang akong nakayuko at hindi umimik. Ramdam ko ang tensyon sa loob ng elevator at ramdam kong masama ang tingin nya sakin.
-Ting!-
Nakahinga ako ng maluwag sa tunog ng elevator pero nanatili pa din ang kabang nararamdaman ko dahil alam ko magkikita pa din kami sa loob ng opisina. Nagpauna na ng lumabas si sir ng elevator at mga ilang minuto ay saka na ako sumunod sakanya. Sumulyap ako ng pilit kay sir kung nakapasok na sya sa loob ng opisina at napabuntong hininga dahil nasa loob na si sir. Pagkatapat ko sa mismong pintuan ng aming opisina ay huminga ako ng malalim ng malalim at pinakalma ang aking sarili saka nagisip kung anong pedeng maisagot ko sa mga katanungan nya mamaya tungkol kanina.
YOU ARE READING
Until I Found You (CONTINUE & EDITING)
RomanceStorya po ito ng isang babaeng nangangarap makahanap ng isang true love. Nasawi man sya ng una pero hindi pa din sya sumusuko makahanap ng "Mr. Right Guy". Mahahanap pa kaya nya ang "Mr. Right Guy"????? sa kabila ng pagkamystery nya. Alamin po nati...
