ALICE POV
Bago magsimula ang storya ko. Magpapakilala muna ako. Im Alice Rhein Sy, 25 yrs old, nagiisang anak ng mga Sy. Simpleng buhay lang naman ang gusto ko. Nagtatrabho ako sa pinaka malaking kompanya dito sa pilipinas ang TAN COMPANY. Tahimik lang naman ako kapag tulog. Joke. Hindi. tahimik lang ako kapag hindi ko feel silang kasama. Sabi nya boring daw ako (sabi ng ex ko) pero kahit papano naman may friends naman ako. I love my friends kaya, my family and also my job. Kaya nga tumagal ako sa Tan Company ng 2 years eh. Syempre hindi mawawala ang kagandahan ko. Maganda ako sabi ng mommy ko. Hihihi. Magisa lang akong namumuhay sa condo ko. Gusto ko lang ng tahimik na bahay. Hindi ako naprepresure kumbaga. Pressure na nga sa office tas dito din. Tama na sa office wag lang sa condo ko. Masaya na ko sa tahimik kong buhay. I want a peace of mind(^~^). Buti na nga lang hindi ako nagpakamatay noon sa first love ko, akala ko talaga sya na para sakin. Nevermind! I dont want to talk about him(T⌓T). Msyado akong nasaktan noon kaya tama na. Ang kulit nyo kasi. Hehehe:-P . Sige na nga pagpapatuloy ko na. Kahit na heartbroken ako ay magpapakabitchy na ko?! No way highway! Im still the same pa naman no! Porket nasawi ako sa pagibig kailangan magbago? Yung iba siguro OO kasi bitter sila. Hahaha. Pero ako hindi!! Siguro tanggap ko na! Taon na din ang lumipas kaya natanggap ko na din sa wakas:-) Thanks to god dahil tinulungan nya ko. Life must go on ika nga. Moving forward is the best medicine for the broken hearted(*^▽^*).
"Earth to Alice Rhein Sy!!! Ms. Sy!!!! Andito ka para magwork hindi tumunganga lang jan. Nagtatrabaho ka dito sa malaking kompanya para magwork hindi kung anu anu ang pinapatakbo mo jan sa isipan mo!!. Sinuswelduhan ka para magtrabaho hindi mangarap ng kung anu anu!!!"
Naku po! Naging halimaw na naman ang Manager namin dito sa accounting Si Miss Josie Sandoval. Palibhasa kasi matandang dalaga. Oooopppsss. Bad ka alice! Hehehehe(>y<). Anyway! Sa accounting department ako napasama kasi magaling ako joke. Wahahaha. 2 yrs na kong nagwowork dito at 2 yrs na din akong nagtitiis sa tining ng boses ni Miss Josie. Back to Miss Josie:-)
"Miss Josie sorry po. Tungkol naman po talaga sa work ang iniisip ko eh. Sympre palusot ko lang yun hehehe. Buwisit na isip kasi to ayun ang naisip na palusot. Hahaha. "Katunayan nga po Miss Josie ipapasa ko na po yung hininging nyong sales report sakin." Which it true. Sabi ko.
"Sige. Ilagay mo nalang yan sa desk ko. Sa susunud na makikita pa kitang nakatunganga. You're fired!!!??! Understand???!" Sabi ni Miss halimaw este ni Miss Josie.
"Yess misss.. Im sorry again Miss" sabi ko. Nakakainis talaga yung mga matataas na position kala mo kung sino. Hindi naman sila mayari ng kompanya. Grrrr. Haysss.
"Ok. Buti naman nagkakaintindihan tayo.. Madami pa tayong dapat gawin kasi dadating dito ang anak ni Sir Alexander Tan( The CEO) so kailangan maging maayos ang lahat bago dumating ang anak ng CEO. GO BACK TO WORK NOW!!!!!"
Ay shit!! Ang sakit talaga ng boses ni Miss. Ang sakit sa tenga. Nakakarindi! Pedeng pede na syang magtinda sa palengke. Bagay eh. Haha. Habang wala pa si Miss Sungit magkwento muna ako about sa TAN COMPANY na pinapasukan ko ngayon. Hmmm. Sila lang naman po ang nagmamay-ari ng mga malalakihang hotel, condos, malls and restaurant dito sa pilipinas. Hindi ko alam kung bakit wala silang branch sa other country. Well! Hindi ko na alam ang sagot dun. Ang yayaman nila noh!? Ang dami nilang hawak. Kaya ang swerte ko kasi dito ang first job ko. Ayoko kasi doon. Hehe:-) .
"Bebe alice!! Ano na naman yang iniisip mo ah??? Sabi nga ni Miss diba back to work hindi back to daydreaming???." Hes my gay bestfriend. Matt Pelaez. Pogi yan kaya lang bading. Pero kung manamit kala mo talaga lalaki kaya sayang talaga. Sabay kaming pumasok dito sa Tan Company so bale 2 yrs na kaming magkakilala.
"Hehehe. Wala! Wag mo na nga ko pakialaman dito. Cant you see. Im busy you know.?? Tsk. "Sabi ko habang kunyari busy busyhan. Pasaway ako eh(^.^).
"Busy daw??? San banda teh?? Hahaha. Di kapa ba maglulunch kasi kanina pa break?? Hahaha. "Pisting bakla to.
"Ha?? Break na pala. ?Hehehe." Sorry naman hindi ko namalayan eh.
"Oo teh.. Kaya halika na dahil nagugutom na mga dragon ko sa tummy ko."
"Oh sige na. Susunod na ko sayo sa baba. Ayusin ko lang to. Makalat kasi eh. Iorder mo nalang ako pay kita mamaya ok. Beef stake lang sakin tas chopsuey tas ice tea. Thanks mattieee!!! Muaaaah." Sabi ko.
"Fine! Sumuno ka kaagad ah. May chichika pa ko sayo" sabay walk out ni bakla.
"Oo na po!!" Sigaw ko. Siguro naman nadinig nya yun. After the conversation with bakla. Inayos ko na yung mga files ko baka kasi magkawalaan pa pagalitan pa ko ni Miss Sungit. Makalat pa naman ako pagdating sa desk ko.
Pagtapos kong magayos ng gamit. Bumaba na ko para sumunod kay mattie. Mainipin pa naman yun lalo na kapag may tsismis yun sakin. Pumasok na ko sa elavator papuntang ground floor. Nasa ground kasi yung canteen ng mga employees dito sa company. Kamalas malasan naman saka pa ko tinawag ng kalikasan. Hayssss. Malayo pa kasi yung canteen. Di ko na kaya! May restroom naman malapit dito sa babaan ng elevator, so no choice dun nalang ako. Makakapaghintay naman siguro si mattie. Pagkapasok ko ng restroom may dalawang babaeng nag-aayos, tapos na siguro silang kumaen. Naririning ko silang naguusap.
Girl 1: " Girl alamo ba yung balita na andito na daw yung anak ng CEO". Hala!!! Di nga???
Girl 2: "Hindi nga??? Di ba sabi nila nextweek pa yun dadating?"
Girl 1: "Yun ang sabi. Pero biglaan daw ang dating eh. Hindi nila alam kung bakit biglaang umuwe ng pinas."
Hala!!! Pano na??? Pano na to?? Magiging busy na kami itong week kasi di pa kami tapos lahat ng paper works namin. Patay na naman kami nito kay Miss sungit.
Tumakbo na ko palabas ng restroom. Wala ng tingin tingin. Hindi nalang muna ako kakain may cupcake pa naman ako sa bag. Ayun nalang muna siguro kakainin ko maya. Hala! Pano si mattie? Itetext ko nalang siguro sya. Di naman magagalit yun, maiintindihan pa nga nya ko eh. Sa ngayon Kailangan ko ng magmadali!!!!.
Booooogsssssh.....
Ouch!!! Shit! Ang sakit. Pader ba yun??? Ang tigas eh.(//・_・//)
"What the fuck misss!!!!"
Paktay!!! (●__●)
A/N:
Ayan na po ang chapter 1 ng buhay ni Alice. Hehe. Sana po nagustuhan ninyo. Comment nalang po kayo kung sakaling my hindi kayo nagustuhan para maisaayos ko po. Wag niyo nalang po kalimutang magvote, follow and comment. Antok na din po kasi ako eh.( ' ▽ ' )ノ. Goodmornight po readers. Thanks po.
YOU ARE READING
Until I Found You (CONTINUE & EDITING)
RomanceStorya po ito ng isang babaeng nangangarap makahanap ng isang true love. Nasawi man sya ng una pero hindi pa din sya sumusuko makahanap ng "Mr. Right Guy". Mahahanap pa kaya nya ang "Mr. Right Guy"????? sa kabila ng pagkamystery nya. Alamin po nati...
