Chapter 7

37 5 2
                                        

A/N:

Hi. Sorry now po lang ako nakapag-update wala po kasing napasok sa utak ko nitong mga araw dahil ang daming problemang nangyari sa pamilya namin pero nabuhayan ako muli dahil sa isang taong nagcomment sa story kong ito at natuwa ako ng husto sa kaniya. Gusto kong idedicate itong chapter sa kaniya. So enjoy my chapter 7 sana magustuhan niyo po. Salamat ng madami.

 

 

—-

ALICE POV

Bumitaw na kami sa isa't isa galing sa matatamis na halik. Ipinag-dikit niya ang aming mga noo at saka binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Hayaan mo kong alagaan kita alice. Hindi ko alam kung bakit ganito nalang ako sayo. Alam kong nabibilisan ka sa akin kahit ako ganoon din ang nararamadaman ko pero anong magagawa ko sa tuwing nalulungkot at umiiyak ka pakiramdam ko kailangan kitang protektahan ka. Please, hayaan mo kong alagaan kita."sinsero niyang tugon sa akin. Hindi ko alam pero lahat ng sinasabi niya ay natutuwa ako dahil may isang taong gustong alagaan ako. Napaka buti ng diyos sa akin dahil binigyan niya ko ng taong poprotektahan ako. Ngumiti ako sa kaniya saka tumango. Ngumiti siya na pabalik sa akin at muling ipinagdikit ang aming noo.

"Thank you alice for accepting me."sabi niya sa akin.Hinalikan niya ko sa aking noo at niyakap. Niyakap ko din siya pabalik dahil ang sarap sa pakiramdam na yakapin siya. Humiwalay na siya sa pagyakap at tumayo. Inilahad niya ang kanyang kamay patungo sa akin.

"so tara na? Mag-gagabi na. Di pa tayo nakakapag-dinner." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tinanggap ko ang kamay niya at hinila niya ko papatayo. Pagkatayo ko ay pinagpagan ko ang aking damit dahil sa mga dahon dahon na sumabit sakin. Naramdaman kong nakatitig siya sa akin kaya naman tumingin ako sa kanya na nagtataka kung bakit ganyan siya makatingin.

"Hind ko pa ata nasasabi sa iyo kung gaano ka kaganda sa paningin ko alice" namula ako sa sinabi niya saka yumuko dahil hindi ko makayanan ang titig niya dahil parang nang-aakit ito. Nagulat nalang ako dahil bigla nalang niyang hapitin ang bewang  ko papalapit sa kaniya. Hinawakan niya ang aking baba saka inangat upang magtama ang aming mukha sa isat-isa.

"From the very start we've met, I cant keep my eyes of you and you keep running in my mind" nakangiti niyang sabi. Napakagat nalang ako ng labi dahil hindi ko mabuka ang aking bibig sa sobrang speechless.

"Biting your lips looks sexy on you so don't do that again baka hindi ko mapigilan ang sarili masunggaban na kita ng halik sa kahit anong oras at sa kahit anong lugar. "nakangisi niyang sabi. Bigla nalang akong kinabahan at nailang dahil sa pinagsasabi niya habang nakatitig pa din siya sa aking mata. Iniwas niya ang paningin niya sakin saka hinawakan ang aking kamay. Hinila patungo sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan niya ko ng pinto sa passenger seat saka umikot patungo sa driver seat. Pagkaupo niya ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mga hita ko, tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin saka ko naman binaling ang tingin sa kanya. Nakita ko nalang siyang papalapit ng papalapit sa akin at nararamdaman ang kaniyang mabangong hininga sa aking mukha. Napalunok nalang ako sabay napapikit at hinihintay ang paglapat ng aming labi. Narinig ko nalang ng may nagclick senyales sa pagkabit niya sa akin ng seat belt. Napamulat nalang ako ng may kahihiyan at nakita ang nakangising mukha ni Jason. Namula nalang ako at yumuko dahil sa mga pag-iisip ko na hahalikan niya ko.

Aiiish. Nakakahiya! Bakit ko naman kasi iisipin na hahalikan niya ko. Tss. Naku naman oh.

"hindi ko alam adik ka din pala sa halik ko dahil hinihintay mong halikan ka" natatawa niyang sabi sa akin. Lalo naman akong namula sa sinabi niya

Until I Found You (CONTINUE & EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora