Chapter 9

41 4 6
                                        

A/N: Hi guys. Naisip ko na kay Alice Pov nalang ibibida ko saka yang someone pov na yan kung sino man yan. haha! Napapagod ako sa pov ni jason hindi ko kasi gamay kapag lalaki pero itatry ko pa din naman kung gusto nyo. Madali lang naman akong kausap eh. hahaha!

ALICE POV

Saktong pag-tapos ko mag-ayos ay saka naman ako sinundo ni jason. Ngiti nya ang sumalubong sakin, napaka-gwapo nya sa suot nyang long sleeve na stripe na blue and white na nakatupi hanggang siko, nakaputing pants at naka shades pa ito. Napalunok nalang ako dahil sa kitang kita ko ang hapit nyang katawan sa kanyang damit.

"Enjoying the view?" Nakataas nyang kilay sa akin na nakangisi.

"Ha?"

"Wala. haha! Halika na. Malayo pa pupuntahan natin" Napatawa na naman siya dahil sa pagkatunga-nga ko sa kanya habang siya'y natatawa.

Gosh!! pati pag-tawa nya ang sexy.

Naramdaman ko nalang ang kamay nya ay nilagay sa mukha ko na para bang basahan ito. Inis ko namang nilayo ang kamay nya sa mukha ko.

"hahaha! Ganyan ba talaga ko kapogi sayo? yung tipong bawat galaw ko nag-iislow sayo. hahaha!

"Ewan ko sayo!" sabay walk out sa kanya. Nagkukunyaring naiinis pero napapangiti ako sa kayabangan ni jason. Narinig nya nalang itong tinatawag siya pero patuloy pa din akong nag-lalakad.

"Hey! I'm just kidding. haha! Wait for me." natatawa nyang sigaw.

Napapailing nalang ako dahil may pag-kachildish din pala si jason. Kung titignan mo kasi siya makikita mong napakaseryoso nya sa buhay. Walang iniintindi kundi ang pag-papatakbo ng business pero hindi pala. Napangiti nalang ako dahil kung ano-ano ang tumatakbo sa isipan ko tungkol sa kanya na katunayan na wala pa naman talaga akong alam kundi isa siyang anak ni Sir Alexander Tan, isang pinaka mayaman dito sa pilipinas. Mayamaya'y may umakbay sakin, napatingin nalang ako kung sino. Si jason, na nakangiting pang-asar. Umiwas nalang ako ng tingin sa kaniya dahil sobrang lapit ng mukha nya sa akin at amoy na amoy ko ang kanyang mabangong hininga.

Nakasakay na kami sa kanyang white lamborghini huracan. Iginala ko ang aking mata sa loob ng kanyang sasakyan, nakakahanga at napakaganda. Halatang mayaman ang may-ari nito at amoy palang sa loob ay lalaking lalaki. Tumingin naman ako sa katabi kong nakangiting nakatingin sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Hmmm. Wala naman. I'm happy dahil kasama kita" nakangiti niyang sabi.

Nginitian ko siya pabalik dahil nakakadala ang kanyang ngiti. "Thank you, dahil sinama mo ko."

"Nililigawan kita natural isasama talaga kita." pangiti-ngiting anito. Hanggang sa inistart nya ang sasakyan at pinatakbo ito.

Tahimik itong nagmamaneho at tutuk na tutuk sa kalsada. Naiilang ako sitwasyon namin dahil hindi ako sanay na walang music sa sasakyan. Nahihiya akong mag-sabi sa kanya dahil baka isipan nyang maarte ako. Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan.

"Alice what's the problem?" nakanoot nyang tanong na nakatingin sa akin mayamaya'y natingin din sa daan.

"ha? wala naman." nakatungo kong sabi.

Nagstop-over naman kami sa gilid na pinagtaka ko naman. "Bakit ka huminto?" tanong ko.

"Nababother kasi ako dyan sa buntong hininga mo, so tell me what's the problem.? Hmmm."

"Ano kasi. Ahhhmmmmm." napapakagat ako sa labi sa hiya.

"Kasi what? Go on, just tell me. Wag kang mahiya sa akin alice."

Until I Found You (CONTINUE & EDITING)Where stories live. Discover now