CHAPTER 23: usapang bestfriend

Start from the beginning
                                    

"eh saan?"

["coffee shop?"] -Stacy

"hassle! ang layo pa ng pupuntahan natin oh!"

["tindahan ni aling choleng?"] -Stacy

"3:30! bye!"

["bye."] -Stacy

*call ended*

**********

"so anong bumabagabag sa kalooban mo ngayon?" -Stacy

"ang lalim? kilangan ko bang magsalbabida? lol "

"just go straight to the point Blythe! yung project ko naghihintay sa bahay!" -Stacy

"sorry na! chill ka lang bes.. di ko alam kung paano sasabihin eh."

"basta sabihin mo lang!" -Stacy

"ok. ok......... uhmmm.... eto. kapag ba ang magbestfriend naging mag-on masisira lahat? complicated ba yung dating?"

"OMG bes!..." -Stacy

"bakit?"

"DI TAYO TALO! ano ba!" -Stacy

"ugh! Stacy masasapak kita! hindi ganun yun! anong tingin mo sakin? loko to ah?"

"hindi ganun? edi sorry na. yun intindi ko eh...." -Stacy

"ok. let's just put it this way..... kapag yung dalawang langgam ay nakabuo ng matatag na samahan. kapag naging mag-on ba yung mga langgam masisisra yun?"

"usapang langgam ba tayo?" -Stacy

"di mo gets?"

"anong igegets dun?" -Stacy

"ano ba yan! ok ganito, construction worker kami. tapos bumubuo kami ng pader. kapag ba naging mag-on kami nung friend ko na contruction worker eh guguho yung pader?"

nakatitig lang sakin si Stacy. hindi parin ba niya naintinihan? pambihira naman oh! ang slow talaga nitong bestfriend ko!

"hindi.. wala ka namang sinabi na sisirain niyo yung pader ah? naging mag-on lang kayo. inaano ba kayo nung pader?" -Stacy

"o-oo nga no? may point ka."

"Blythe umamin ka nga sakin... tungkol ba to kay Winter?" -Stacy

 "h-ha? W-Winter? a-anong kinalaman niya dito? s-sino ba yun?"

wala po akong alam inosente ako

"so tama nga ang hinala ko." -Stacy

"hinala? tungkol saan?"

"kayo na no?" -Stacy

"a-ah.. ha?! h-hindi ah!"

"umamin ka na. BESTFRIEND mo ako. inemphasize ko pa para maalala mo. baka kasi nakakalimutan mo na." -Stacy

"Stacy.."

Capture an NBSB's Heart (KathNiel FanFic)Where stories live. Discover now