Special Chapter Underworld Event

140 8 18
                                    

"The word 'Happiness' would lose its meaning if it were not balanced by Sadness." -Carl Jung

Special Chapter Underworld Event

Halos mag dadalawang linggo narin ang nakalipas simula nang matapos ang bangungot na event ng game. Maraming nag bago, malungkot man ay kailangan nating tangapin. Naka higa ako ngayon sa lilim ng malaking puno sa Feather City, nakapikit ako at pinapakiramdaman ang buo kong paligid, mabango at nakakapag pagaan ng pakiramdam ang simoy ng hangin.

Kahit nakapikit ako naaaninag parin ng aking mga mata ang sikat ng araw, nang biglang matakpan ito. "Anong iniemot mo ha Jan? wag mong sabihing iniisip mo parin siya?" Napamulat ang mga mata ko dahil sa nag salita si Sestine lang pala, naupo siya sa aking tabi at ibinaba ang palaso niya sa kaniyang paanan.

Parehas kaming natahimik . . . umupo ako mula sa pag kakahiga at sinubsob ang aking mukha sa dalawa kong tuhod . Ganito ba talaga ako kalungkot?

"Miss mo naba siya?"Tanong niya pero napa buntong hininga nalang ako dahil sa tanong niya.

"Marahil ay hindi na natin siya makakalaro sa game pero makikita naman natin siya sa totoong buhay kaya wag ka ng malungkot dyan." Sabay tapik sa balikat ko.

"Tayo . . . tayo ba makikita niya?" Dahan dahan niyang inalis ang kamay niya sa balikat ko dahil sa mga narinig niya mula sa akin. "Jan.." Tumingin ako kay Sestine ng harapan. 

Hindi ko na mapigilan. napaka sakit . . .

"Bakit kasi kailangan niya tayong iwan agad.. kailangan natin siya Sestine! kasi kaibigan natin siya diba? . . . Diba?." Nababaliw na ba ako? Bakit ako umiiyak. Naka harap ako na nakatingin kay Sestine, nakakahiya man pero hindi ko na maiwasan ang pag tulo naasar tuloy ako sa sarili ko..

"Alam ko ang nararamdaman mo Jan." Tumayo siya at umalis bigla.






Hindi na makakapag laro pang muli si Kezzar.

Hindi kami nanalo sa Event na aming sinalihan. 

Dahil . . .

Dahil . . . 

Sabay tulo ng mga luha sa mga mata ko.

Flashback . . . . 

"Attention everyone Let's Congratulate the Great Warriors who reaches this final stage (Sestine), (ZecKrome), and (Jan) are the only players who reach the time. We will now proceed to the final floor. . . Be ready."

"Attention everyone Let's Congratulate the Great Warriors who reaches this final stage (Sestine), (ZecKrome), and (Jan) are the only players who reach the time. We will now proceed to the final floor. . . Be ready." 

"Fin. . . Final Floor?"  Bulong ko, hindi paba tapos itong laban na toh? 

hinahabol ko ang hininga ko. . .

"Transfering you in 10 minutes be ready." Hindi na ako makahinga at makapag salita, bulagta na akong nakahiga sa lupa dahil sa kalaban namin kanina, tinulungan ako ni Sestine para matalo ito, nakakatuwa nga eh pinag tulungan namin pero 50/50 namin siyang mapabagsak,buti nalang at nag Battle mode itong si Sestine kung hindi tepok na kaming dalawa. 

Alternate kasi kami ng pag atake kanina, siya napaka bilis ng pag tira niya sa kalaban dahil nag zo-zoom in at zoom out daw ang suot niyang shades samantalang ginamitan ko naman ng teleport at skills ang kalaban.

"Oh tara na?" sabay abot ng kamay sa akin ni Sestine.. nakapag pahinga na pala siya. Iniabot ko naman ang kamay niya at tumayo. "Mukhang mapapalaban ulit tayo." Pag papa ala-ala niya. 

F A T E Underworld OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon