Level 10 -The Song Of Helena

233 16 5
                                    

La cancion de Helena

When you are sad try to remember good things and try to sing. I wish you'd listen closer to the songs I play because the lyrics speaks the words I fail to say.

-Jheslee



Lvl. 50 Dungeon (The Ruined Fortress Floor 1) PvP Area/Monster Zone/Event Use/Chrome Server

Iminulat ko ang mga mata ko bakit ako lang mag isa rito? at biglang may lumabas na hologram sa aking harapan.

Quest Detail- You now entered the The Ruined Fortress. This Place is a first floor, this floor has a maze. Find the Rosario Ribbon and dig it and you can enter into the second floor. You have now the Iron Shovel to dig the Ribbon.

"May tao ba dito? Kung sino man ang nandyan pakiusap sumagot naman kayo!" Talaga bang ako lang mag isa ang nandito teka baka pwede kong tawagan gamit ang telepathy sina Alexa. Tama baka pwedeng subukan.

Connecting to Alexa. . .



"K-kuya? nasaan ka? natatakot na ako." Ibig sabihin kaming lahat nag kahiwahiwalay. "Wag kang mag alala Alexa basta sundin mo lang ang Quest at mag kikita rin tayo okay?"

"P-Pero...."

"Tandaan mo Alexa nandito lang ako wag kang matakot hindi ka masasaktan."

"Salamat kuya para sayo kakayanin ko. . . Sige!"


End Telepathy. . .

Buti naman at nasa maayos na kalagayan silang lahat at sana sila Kezzar at Sestine din. Haysss bakit ba ako kinakabahan naku makapag hanap na nga.

Kezzar's POV

Nasaan na ba yung Rosario na yun. Napansin ko rin na galing na pala ako dito naku naliligaw na kaya ako. Di ko napapansin pabalik-balik lang ba talaga ako? Haayss kung nandito lang sana si Sestine hindi ako naiinip ng ganito sarap kasi niyang asarin eh! lalo na kapag tinatawag ko siyang Bella na ang ibig sabihin ay mamahaling aso na pinapanuod ko sa T.V ahahaha..

Kalahating oras narin akong nagiikot bakit ba ang hirap hanapin ng bagay na yun? Liliko ba ako o kakaliwa? diretso? Nakaka-asar naman bakit ba kasi Maze pa itong lugar na ito... bahala na nga didiretso nalang ako.

Napagod ako sa kakahanap kaya na upo muna ako sa isang poste na pag kataas-taas. Sana ayos lang silang lahat o baka naman nahanap na nila yung Rosario na yun at mag kakasama na sila.. Hayyy naku ano bang iniisip ko.

Tatayo na sana ako pero bigla kong nakita yung isang pader sa aking kaliwa! Hindi kaya meroong Secret passage dito? dapat kanina ko pa sinubukan ito eh tsk. bakit ba ang dalang gumana ng utak ko. Lumapit ako sa nakita ko at sinimulan ko itong kapain possible kasing may mahawakan akong bagay na makapag bubukas ng ibang daan o silid. Kinapa ko banda sa gitna ng may mga naka-ukit.

"40 mins left. The first floor will be close and who already dig the Rosario Ribbon will be entered the second floor."

Nagulat naman ako sa narinig ko, naku anong gagawin ko? paano kung hindi ako makapasok hindi ko pwedeng biguin ang mga kasama ko. Napasandal ako bigla sa pader dahilan yun para gumalaw ito. Pag kagulat ko noong nakita ko ang kanina pa gusto kong makita. May pintuan talagang naka tago? Ahahaha..

F A T E Underworld OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon