Level 1-The Dream

1.1K 35 8
                                    

* * *

(Walking at the side walk..........)

Ako si Jian isang studyante ng isang school sa aming lugar na kung tawagin ay The School For New generation.... sa pangalan palang mukhang advance na ang lahat... Oo totoo yon advance na ang mundong ito meron ng teleporter machine, Dog robot, Trash AutoCleaner, At ang alam ng lahat na mangyayari after many years ang lumilipad na sasakyan.....

Pero naniniwala paba sila sa mga Alien? o kaya eh mga kakaibang mundo? nakagaya ng mga nababasa ko sa mga libro..Sapalagay ko hindi na.. At wala na silang balak alamin pa ang mga bagay na hindi relate sa Panahon ngayon..

Ulila na ako simula 5 taong gulang pa lamang at ang tanging nag alaga sa akin ay ang lolo't lola ko na nag palaki,nag paaral at nag turo sa akin kung paano ko haharapin ang mga takot ko at mga kaaway ko sabuhay...Simula ng mamatay ang lola ko dahil sa katandaan ang lahat ay nag bago mula sa pag-uugali ng lolo ko.. naging tahimik siya at madalas tulala na lagi kong nakikita sa kanya kapag nag iisa.. Hindi ko siya kayang pangitiin tulad ng ginagawa ng lola ko... Lagi siyang malungkot dahil pakiramdam niya ay wala ng silbi ang buhay niya.. Pero ipinakita ko sa kaniya ang totoong Kulay ng mundo. Kung ano nga ba talaga ang laman ng Mundong ito..

Sinabi ko sa kaniya na walang sino man ang Buhay na makakapag sabi ng tunay na kaligayahan hangat hindi pa nila nakikita ang tunay na mundo..Niyakap niya ako at ibinuhos niya ang Luha mula sa kanyang mapait na Puso.

Isa akong Bata na ang tanging layunin ay maging masaya ang lahat sa paraang nag kakaisa at ang tanging nasa isip nila ay pag mamahal.. Gusto kong bumuo ng mundo na ang tanging naroon ay pag mamahal at pag-asa...

Wala na akong mga magulang. At hindi ko alam kung bakit.. hindi ko alam kung bakit ako lang ang kakaiba kung mag-isip.. Pumapasok ako araw-araw pero may kakaiba sa akin, dahil wala akong kaibigan maliban sa aso kong robot na hindi ko rin alam kung naiintindihan o nararamdaman ang lahat ng bagay na nararamadaman ko...

"Jian? anong ginagawa mo?" naka upo ako sa isang puno malapit sa classroom namin at lahat ng bata na nasa paligid ko na may kani-kanyang mundo.. may nag lalaro, may nag uusap at meroon ding hindi nag kaka unawaan.......

at sa tuwing nakikita ko ang mga ganoong pangyayari naiisip ko na lamang na ang tao ay may kanikanyang mundo at puso naiisip ko rin na nasa atin na ang lahat sa panahon ngayon pero bakit hindi tayo maging ISA.....or in other word Unity...

Iisa ang layunin.. IISA ang nasa puso at isip... "Jian? AYAN ang hirap sayo eh hindi ka marunong makipag kaibigan... ano ba ang iniisip mo?.."

Hindi ako sumasagot sa mga tanong nila dahil alam kong hindi nila ako maiintindihan... Kaya madalas akong tawagin na Mysterious man... Umalis nalang ako ng mag-isa at may humarang sa akin isang babae...

"pwede ba akong mag tanong.?" Hindi ako makatingin sa kanya ng diretcho dahil alam kong naka tingin siya sa akin.. "Ummm ikaw ba si Jian? May gusto lang sana akong itanong?" Tumingin ako sa kanya..

"Ano yon?" bigla kong nasabi....

"ahh buti naman nag salita kana... Kailangan ko kasing itanong sayo kung ano ang ibig sabihin ng Horizon kasi alam kong ikaw lang ang makakasagot nito.." napababa ako ng tingin na kahit alam ko ang sagot bakit ang hirap sabihin.... naiilang kasi ako sa mga tao....

"Kung hindi mo alam.. kahit wag mo nalang sagutin naiintindihan ko." at tumalikod na siya sa akin..

"Ang horizon ay isang linya..." lumingon siya at ngumiti....."linya?"

"Oo isa siyang linya na nag hahati sa langit at dagat, langit at lupa..."Hindi ko na itinuloy ang iba ko pang dapat sasabihin at nag patuloy ako sa pag lalakad..."maraming salamat sa sagot mo Jian.." hindi na ako lumingon at hindi narin sumagot..."Sana pwede tayong maging mag kaibigan."

F A T E Underworld OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon