Chapter 10. Trishia

1.2K 52 3
                                    

CLnote: masyadong matagal? i know, pero sorry din po ng marami. Busy lang po talaga ako sa OJT.

guys wag naman po sanang isipin na ginaya ko ang PLOT ng TO THE BEAUTIFUL YOU, FYI, FEB ko pa inistart ito at wala pang to the beautiful you non. Na-sad lang ako kasi kung ano pa yung story na pnag isipan ko ng maayos yun pa yung ihhyyy.. Anyway okay lang naman yun sakin, naintindihan ko naman yung reader ko na nagsabi nun.. Love padin naman kita kahit na medyo nahurt si Ate CL mo :) okay lets forget about that and enjoy :)

______________________________________________________________

Chapter 10. Trishia

Buong akala ko, buking na ako kanina, mabuti nalang at di nila narinig lahat ng usapan namin. Thanks Bro! :)

Pero badtrip! badtrip lang talaga ko sa Sean Nash Madrigal na to! Sarap upakan! E sya nga tong may atraso sakin di ba? Tssss! Kung di ko lang siya... ARG!!!!

"SOGBU" sabay himas ni Lawrence sa tiyan niyang bilog na bilog sa dami niyang kinain. 

May lutuan sa room namin, may mga groceries, may ref at kung anu ano pa, pero kumain kami dito sa may cafeteria dito sa school, (yun ang usapan kanina di ba?) . Napag-alaman kong madalang lang silang kumakain sa room, e kasi nga tamad silang magluto, kapag lang daw sinipag sila Rence at Levi, kaya madalas masira yung pagkain sa ref. Nga pala ang ganda at ang luwang nitong kainan, susyal kung baga. Para tuloy akong tangang naamazed na ultimong pagkain ko ay di ko mabigyan ng pansin kanina. Sorry FIRST TIME ang peg ko dito, ay hindi pala basta bata pa kasi ako nung last time ako napadpad dito. 

"Pare kailangan mo na yata ng work out ulit ahahaha! Ang laki ng tyan mo ohh?" sabi naman nung Levi.

"Oo nga Pre napapasobra nako sa pagkain, yung Hannah kasi na yun e! tssk di siya mawala sa isip ko!" wow hindi talaga mawala? Ano kayang meron sa dalawang yun? Bakit kaya ang sunget ni Hannah sa kanya? Matanong nga..

"Lawrence, talaga bang magkakilala kayo ni Hannah? Anak ka ba talaga nang mga Jimenez na business partner nila? Ikaw ba yung lagi niyang.."

"Teka nga pre, bakit ang dami mong tanong? wag mong sabihing manliligaw ka nun? E di ba si Trishia Ocampo yung nilliligawan mo?"

"Nililigawan ko si Trishia? Ohh? Ako?"

"OO" sabay sabay nilang sabi.

Nalilito ako sa mga to!

"Kakasabi nga lang kanina nung Leanah ba yun na suitor ka ni TATANG---- ay ni beautiful trishia" palusot pa e halata namang tatanga tanga ang sasabihin niya sana, BUYSIT tong taong to!!!!

"Ahh O-O nga pala hehehe pasensya na mga pre namimiss ko na kasi siya kaya ganito. Hay pasensya na talaga... teka ano na nga palang balak niyo niyan?"

Mas mainam kung ilalayo ko nalang ang usapan, ang hirap kaya ng ganito! Tsk, ano ba tong napasukan ko!!!

"Balak mo, preng levi?" tanong ni Lawrence.

"Ah-eh, pareng Sean, anong balak?" sabi naman nitong Levi kay Leon! Tsk mga sira ulong to pasahan pa!

Wala pa kong isang araw dito super naiistress nako! walang yaya, walang Mom, walang Dad! tsk! mabubuhay pa kaya ako ng maayos neto? Lalo pa't kasama ko tong mga hampas lupang to??

"Ano? Ba-lack? edi itim...."

"hahahaa! mukhang gutom ka pa ahh? Hayaan mo magluluto kami sa room mamaya para sa yo pre..."

"Ay tamang tama namiss ko na ang special hot cake ni Mommy ko, uy preng Tristan marunong ka gumawa nun?"

At ako pa talagang tinanungan niya. Wala talaga sa sarili tong lalaking to! Gutom pa e nu? ARG!

Trishia Ocampo: The Only GIRL in an ALL BOYS SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon