Chapter 1

208K 2.4K 47
                                    

Chapter 1

 

“Okay! Last 10 shots then pack up na tayo!” – sigaw ng Manager namin.

 

“Yes Sir!” – sagot ng P.A ko.

“Haaay, nakakapagod noh Sabrina?” – tanong ni Rian P.A ko.

“Ayos lang.” – nakangiting sagot ko..

“Hey, magkita tayo mamaya sa bahay niyo.” – nakangiting sabi ni Michael.

“Psh, pupunta ka nanaman dun.” – inis na sagot ko.

Model kaming dalawa ni Michael, mga gawang damit ni Mr.Joe ang iminomodel namin.. Kilalang kilala si Mr.Joe sa larangan ng mga magagandang disenyo ng damit, halos lahat ng artista sakanya nagpapagawa ng damit.

At si Michael, siya ang kababata  ko. Madalas akong asarin niyang lalaki na yan, nag aaral pa kami 4th year high school sa Oecil University..

Pagkatapos  i-retouch ng makeup artist ko ang make up saakin ay nagready na ulit kami para sa pictorial.. Nagulat ako ng biglang hapitin ni Michael ang bewang ko! Sinisiko ko siya pero mas lalo niyang hinihigpitan ang kapit saakin.

“Michael ano ba?” – bulong ko sakanya.

 

“Relax, my loves.” – pang aasar niya, parang nagtayuan ang balahibo ko ng bumulong siya sa batok ko..

 

“Nice pose!” – sigaw ni Mr.Joe, pumalakpak pa siya.

Dahil don, hinayaan ko nalang si Michael..Pero hindi lang basta paghapit sa bewang ko ang ginawa niya, nararamdaman ko ang pagdulas ng kamay niya sa hita ko at braso  ko dahilan para kabahan ako..

__

Pagkatapos ng pictorial namin sumakay na kaagad ako sa van namin. Isang van lang ang ginagamit namin ni Michael dahil yon ang gusto nila Mom. Maya maya lang dumating na rin si Michael at umupo siya sa tabi ko, kinindatan niya pa ako pero inirapan ko siya.

“Woa, ang sungit.” – sabi niya, amoy na amoy ko yung pabango niya..pinaandar na ni Manong Jake yung van, nakaupo naman sa passenger seat si Rian.

Young MindsWhere stories live. Discover now