Chapter 8 Confrontation !

Start from the beginning
                                    

Sira ulo pala ang lalaking to ah niyayakap ako tapos magpapanggap na walang alam.

“manyak ka,bakit mo ako niyakap tapos magpapanggap kang nakalimutan mo sira ulo ka talaga”sa inis ko sinipa ko ang tuhod niya.

Napahawak siya sa tuhod niya.

“oouuucchhhh kasalanan mo rin naman eh ang drama mo nadala lang ako ng tentasyon” sa pagkarinig kong yon sobra talaga akong nainis kaya ginulo ko buhok ko sa pikon.

“sira ulo ka talaga,kung tutuusin ang dami ng utang mo sa akin pero ikaw kung makapag react ka wala kang pakialam at hindi marunong tumanaw ng utang na loob mas mabuti pang ipaalam ko sa lahat na hindi mo talaga ako gf at ng makaganti na ako sayo”nag walk out ulit ako,ang lalaking yon wala ng ginawa kundi guluhin ang utak ko.

“sandali lang jai,jai sandali lang”narinig kung pahabol niyang tawag sa akin.

“manigas ka damuho …………”naputol dahil hinawakan niya braso ko sa lakas ng impact ng paghila niya napayakap ako sa kanya.

“ayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy”nagulat talaga ako tama ba ang nakikita ko nakayakap ako sa kanya.

Naramdaman ko ang tibok ng puso niya.

“hanggang kailan mo ako yayakapin namimihasa kana ha”dali dali akong lumayo sa kanya.

“Nakakainis ka kahit kailan,huh masisiraan na ako ng bait sayo”nagdadabog akong umalis at hindi na lumingon.

Naririnig ko pang tinatawag niya ako kaya lang tinakpan ko tainga ko.

…………………………………………………………………………………………………………

Alec POV:

Hinila ko si Jai papalayo sa lugar na iyon.

Pakiramdam ko parang sasabog na ako sa galit kung hindi kami aalis sa lugar na iyon.

Baka ano pang magawa ko.

“ano ba saan mo ako dadalhin alec”nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ko.

“tumahimik ka”sabi ko.

Nakita ko sa reaction niya ang pagkagulat sa sinabi ko.

Kaya dinala ko siya  sa likuran ng school para makapag usap kami.

“bakit mo ako dinala dito,papatayin mo ba ako?”assuming talaga ang babaeng to.

“anong patayin ,hoy babae anong karapatan mong makialam kanina”pasigaw ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkagulat niya sa pagsigaw ko.

“hoy lalaki ,magtanong ka ng maayos at hindi mo naman kailangang sumigaw bweset ka ikaw na nga ang tinulungan ,ikaw pa ang may ganang sumigaw”sinigawan rin niya ako.

Pinipigilan ko ang mainis kaya lang sasabog na ako.

“hindi mo kailangang makialam ,ano ba kita sino ka sa buhay ko”tinitigan ko siya ng matalim.

Bigla lang naman akong sinampal.

“Tama ka sino nga ba ako sa buhay mo,at sino ka rin sa buhay ko,”pasigaw niya rin at pakiramdam ko naiiyak siya.

Nagkaroon ako ng guilt sa sarili at nakatulala sa kanya.

“Ang tahimik ng buhay ko pero ginulo mo ng makilala kita.Nagalit ka ba sa akin dahil sinagot ko ang ex gf mo,paano ako!,ininsulto niya ang pagkatao ko anong gusto mong gawin ko manahimik.Hindi kita kilala ni apleyido mo di ko matandaan ,sa di malamang dahilan sinakyan ko ang sitwasyon natin na kahit walang clarification between us, kung pagpapanggap ba gimik ba o katuwaan lang di ko alam!(pasigaw).Pero nung Makita ko ang reaction ng mukha mo na magkasama ang dati mong kaibigan  at ang ex gf mo naawa ako sayo ,kaya ko yon ginawa.Pero kung mali yon para sayo sorry ,dahil nakialam ako ,siguro hanggang ngayon  mahal mo pa ang ex gf mo kaya ka nagagalit ngayon.Huwag kang mag alala madali akong kausap simula bukas magpanggap  tayong di magkakilala” pagkasabi niyang yon nag walk out siya,naramdaman ko nalang na bumilis ang pintig ng puso ko.

"Gangster + Playboy = Under ni GF? [Completed]Where stories live. Discover now