"I don't think you can carry all these." sabi ni Rian.

Kahit si Joey man ay naisip iyon. But she smiled instead of worrying.

"Hindi, kaya ko po. Lahat na po ba iyan?"

Napatawa ng mahina si Rian.

"Yeah. But I don't think kaya mo to dalhin lahat. Baka matanggal ang mga braso mo." she joked. "Kung gusto mo, ipapahatid na lang kita sa driver ko papunta sa Louvre. Mahihirapan kang dalhin lahat 'to." sabi ni Rian.

Pero mabilis na umiling si Joey.

"Naku, ma'am. Wag na. Okay lang. Magpapatulong na lang ako sa guard na isakay 'to sa taxi." sabi ni Joey.

Alanganin din ang dalaga na mabubuhat nya ang mga ito pero mas hindi nya kayang tanggapin ang offer ng kausap. Nakakahiyang maabala pa ang babae. Kaya kahit hindi sigurado, napapayag nya si Rian sa sinabi nyang plano. Tinulungan sya ng guard na isakay ang pinamili sa taxi. Sa front seat na lang umupo ang dalaga dahil napuno na ng mga dala nya ang backseat ng sasakyan.

Tiningnan ni Joey ang orasan. 4:55. Makakarating naman siguro sya sa opisina bago mag-6pm.

LANCE looked at the time.

5:55pm.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang bagong secretary nya. Unti-unti ay nabubuo sa isipian ng binata na baka katulad din ito ng mga nauna nyang sekretarya. And worst, baka na-engrossed pa ito sa pagwiwindow shopping sa ViewFort Hotel. Napailing na lang sya. Once na umabot sa 6pm at wala pa rin ang babae, he'll fire her. He will never settle for less.

Nasa ganoong pag-iisip ang binata nang biglang bumukas ang pinto ng opisina nya. Napakunot noo sya. Ni hindi man lang nagawang kumatok. Bago pa nya mapagalitan ang pumasok ay napakunot noo na sya nang makita ang secretary. Haggard na haggard ang mukha nito habang bitbit ang malalaking paper bags.

"Hi, sir! I made it." masayang sabi ng babae sabay bagsak ng mga dala sa sahig.

Kunot noong tiningnan ito ni Lance mula ulo hanggang paa. Humihingal pa ang kaharap na akala mo ay tumakbo ng milya milya. Gusot-gusot ang blouse nito at sumabog na ang buhok nito mula sa pagkakatali. Ang pinagtataka ni Lance ay kung paano ito nakarating sa opsina bago ang 6pm? Alam ng binata kung gaano kalayo ViewFort Hotel mula sa Louvre, idagdag pa ang traffic sa EDSA dahil rush hour ngayon. Nagbabalak na sana syang sesantihin ito.

"You should learn how to knock first before entering." Masungit na sabi nya sa babae. Natahimik naman ito kaya nagbawi na lang ng tingin si Lance at muling hinarap ang computer. "Just leave it there and go back to your desk."

"Yes, sir."

Inayos muna ni Joey ang mga dala sa ibabaw ng couch at lumabas na sa opisina ng amo. Saka lang sya nakahinga nang maramdaman sa likod ang backrest ng swivel chair nya.

Her chest was still pumping so hard. Paano ba naman kasi, tinakbo nya lang naman ang malawak na lobby sa ground floor papunta sa elevator. Wala na syang pakialam kung halos lahat nakatingin na sa kanya. Basta lang makarating sya, on-time. Hindi na rin sya magtataka kung may nakapagvideo sa kanya kanina at maging viral sya bigla sa social media.

Nakahinga ng maluwag ang dalaga nung mahubad nya ng tuluyan ang sapatos na suot. Halos mapudpod na ang takong nito dahil sa pagtakbo nya kanina. Akala nya nga ay matutuklap ito, hindi pa naman iyon bago. Kapag nagkataon, naglakad din sana sya ng nakapaa.

Bahagyang napapikit ang dalaga ng maramdaman ang hapdi sa paa. Sigurado sya, bukas hindi na sya makakapagsapatos ulit dahil sa paltos. Itinuwid nya ang binti sa ilalim ng desk at muling sumandal. Pero agad din syang umayos ng upo nang matanaw si Liz na papunta sa gawi nya.

"Hi, Ms. Liz." Masayang bati nya dito na ginantihan naman nito ng matamis na ngiti.

"Hi, Joey. Is Lance inside?"

"Yes, ma'am."

"Great. Anyway, what time did the boutique delivered my stuff?"

"Po?" naguguluhang tanong ni Joey. Wala naman kasing dumating na delivery kanina. O baka naman dumating iyon noong wala sya sa opisina. "Naku, sorry, ma'am. Inutusan kasi ako ni Sir Lance. Kakabalik ko lang po eh."

Tumango ito. "It's okay. I'll just talk to him then," papasok na sana ito nang muli syang hinarap. "By the way, can you help me later bring the stuff in my office? I don't think I can carry all of them."

"Sige po, ma'am. Tawagin nyo lang po ako."

"Thank you, Joey." She said happily. "I just really wonder why Rian delivered those today. It's too early. I told her I'll be picking it up tomorrow." Dugtong pa ni Liz na mukhang sarili na lang nito ang kausap. Pagkatapos ay pumasok na ito sa loob.

Pero natigilan si Joey. 'Rian' ba ang sabi nito? May binanggit din itong 'boutique' kanina. Hindi kaya yung mga dala nya kanina ang tinutukoy nito? Kung iyon nga, gustong mainis ng dalaga. Mukhang pinahirapan lang sya ng amo. Akala siguro titiklop sya. Kunsabagay, wala naman nga syang karapatan na magreklamo. Trabaho nya ang sumunod sa utos nito.

"WALA PA rin talagang kupas si Rian. I love this dress! And the shoes, oh my God! They're lovely!" tuwang tuwa si Liz habang isa isang tinitingnan ang laman ng mga kahon at paperbag. Abala naman si Lance sa ginagawa at hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kapatid. "By the way, anong oras nadeliver ang mga ito?"

"I had them picked up," tipid na sagot ng binata.

"Picked up? I told Rian I'll be picking these up tomorrow. Bukas pa naman ng gabi kailangan 'to. Kay Kuya Romer mo ba inutos?" tukoy ni Liz sa driver ng kapatid.

"It's Joy." simpleng sagot ng binata.

Iniwan ng ni Liz ang mga gamit at lumapit sa mesa ng kapatid.

"Joy? Sinong Joy?" nagtatakang tanong ni Liz. Wala naman kasi syang kilalang Joy.

"My secretary. You hired her, hindi moa lam ang pangalan?"

"It's Joey, ano ka ba? And you made her go all the way there? That's too far from here. Tapos pinabuhat mo pa sa kanya ang mga 'yan." Naiimposiblehan na sya sa trip ng kapatid. "Why are you doing this?"

"I'm making herself useful. Kaysa naman nakaupo lang sya sa desk nya at maghintay ng uwian. Just be thankful I made her picked that up for you. Hindi mo na kailangan dumaan doon bukas."

"What if she didn't make it? Sesentehin mo din gaya ng ibang secretary mo? Ano ka ba naman, Lance?"

"Why are you acting that way? Walang masama kung utusan ko sya. I am her boss and she must do what I say." sagot ni Lance.

"You are taking advantage of your position. She's nice, Lance. Remember she's the reason why you were able to bag the contract deal yesterday. Kung hindi nya naibalik ang flash drive mo. Hindi ka na naawa sa tao. She's a girl, for Pete's sake! Tapos pinagbuhat mo ng ganyan kabigat." tumayo na si Liz. "Ikaw ang magdala nyan pauwi sa bahay."

Serves him right. Alam naman nyang hindi aangal ang kapatid. Kung tutuusin, mas matanda pa rin sya dito ng limang minuto.

Balak sana nyang kausapin si Joey pero wala ito sa desk paglabas nya. 

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Where stories live. Discover now