When He Says (19)

26.6K 555 101
                                    

N/N:


Ito na talaga, ano kaya ang nangyari kay Evo hahaha?  Natuwa ako sa mga comments niyo sa last chapter and yes, uso na po ang edit ngayon at siguro pang anim na chapter na 'to sa na edit ko.  


Dedicated to iiDOMINOii, as promised! Isa ka rin sa pagtawag ng idol!  :) 



When He Says: 19


KRISTEN'S SIDE:


Akala ko maayos na, akala ko fairytale na kami eh. Ayun lang pala at sobrang tanga ko dahil nakalimutan kong lalaki pa rin pala ang asawa ko. Kanina pa ako napapaisip na hindi pa ba ako sapat sa kanya, dahil ba bakla ako kaya niya nagawa 'yun sa'kin? Mala-Cinderella na ang kwento namin eh, pero naalala kong hindi pala ako si Cinderella.


Nandito ako sa playground, masyadong occupied ang utak ko ng kung ano-anong bagay na kahit pag-ngiti sa mga batang naglalaro ay hindi ko magawa. Putang ina kasi ang sakit, sakit! Yung fact na sobra ko siyang mahal at napakalaki ng tiwala ko sa kanya, at lahat ng iyon ay nasayang lang? Naisip ko na kasalanan ko 'to, kung pinakinggan ko lang ang sarili ko noong una na hindi magtatagal ang relasyon na 'to dahil walang lugar ang ganitong relasyon sa mundo, walang bakla ang pwedeng magkaroon ng perpektong buhay katulad ng naranasan ko.


Tumungo na lang ako at inilagay ko ang kamay ko sa mukha ko at nilamukos iyon. Hinding-hindi talaga mabura sa isip ko ang eksena kaning umaga. 


**

Pagod at lutang akong umuwi papunta sa condo namin. Hindi ko rin alam kung duon ba natulog si Evo dahil kahit isang text ay walang dumating sa'kin. Nang bubuksan ko na ang pinto ng unit namin ay nagulat pa ako dahil bukas ito. Muli ay nakaramdam ako ng kakaiba.


Dahan-dahan akong pumasok at nangangamoy ang pinaghalong alak at pabango ng isang babae. Ipinagsawalang bahala ko iyon at pumunta sa pintuan ng kwarto namin.


Pagpasok ay bumungad ang dilim, nakababa ang blinds. Napailing ako, kaya pumunta ako duon at itinaas ito at binuksan ko ang mga bintana. Pagharap ko sa kama ay nakita ko si Evo na pupungas-pungas at hindi niya yata napansin na nanduon na ako at nang pumasok na sa utak nito ay bigla itong ngumiti ng matamis. Pero ang ikinagulat ko ay may taong unti-unting nagtatanggal ng kumot sa tabi nito. Nakita ko ang isang babae, at parang may kung ano akong naramdaman sa loob ko na parang pinupunit ang puso ko sa pira-piraso.


Nakita kong unti-unting napapawi ang ngiti ng asawa ko.. 'Wag na 'wag niya lang sabihin na hindi niya ito alam. Tumakbo ako papalabas ng kwarto pero bigla ako nitong hinawakan sa kamay.


"Babe! Babe! Magpapaliwanag ako please!" Sigaw ni Evo habang hawaka ako nito sa kamay pero hindi ako lumilingon.


"Ang bababoy niyo!" Humarap na ako dito at hindi na maiwasan ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, "Talagang sa kwarto pa natin!"

His Husband (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon