38

165K 3.8K 396
                                    

Chapter Thirty Eight


ALEXANDER

"Kuya Alex, nauna na pong umalis si Ate Blythe. Nakita namin nakasimangot siya, inaway mo ba 'yon? Kasi kapag inaway mo lagot ka sa amin." Nakakunot ang noo sa akin ng batang si Trent. Halatang nag-aalala siya para kay Blythe. Tipid akong ngumiti bago ginulo ang buhok ng batang lalaki.

"Hindi kami nag-away. Masama lang gising no'n, namiss niya kasi ako."

"Parang hindi naman." Umupo siya sa bench sa gilid ko. "Mukhang badtrip sa'yo, e."

"Hindi na 'yon badtrip bukas."

Nabibwisit ako sa mga pinagsasabi sa akin ni Blythe kanina.

Dad once told me that I'll know it's true love when the woman gives me constant headaches, but still manages to make my heart flutter. It's like that with her.

Headaches and butterflies all at once.

"Salamat po sa cake, Kuya. Next time uli dalhan mo kami ha?" Nginitian ko si Trent.

"S'yempre naman! Pumayag kaya kayong tumulong sa surpresa ko para sa Ate niyo. Kaya dapat may regalo rin ako sa inyo. Tsaka sabi niyo sa 'kin paborito niyo ang cake. Tinandaan ko 'yun." Sa totoo lang ay naantig ako sa kanila. Kapag iniisip ko na dati ay ganyan rin si Blythe ay parang nanghihina ako sa lungkot. Simula noong araw na nalaman kong ampon siya ay pinangako ko sa sarili ko na palagi akong tutulong sa mga orphanage, not just because she came from one, but because she made me realize how tough and cheerful these kids are despite everything.

"Basta po para kay Ate Blythe. Mahal namin 'yon, e."

"Mahal na mahal ko rin siya," nakangiti kong sagot.

Ang tagal ng apat na araw. Hindi ako sanay na walang maingay sa paligid. Hindi ako sanay na walang nangungulit sa akin. Hindi ako sanay na gigising ako at hindi siya ang unang nasisilayan ko. She might not miss me, but I do.

I miss every inch of her.

There's a small bit of consolation in knowing the longing ends tomorrow.

I still can't believe she thought I would cheat on her. Pero may parte sa akin na naiintindihan siya, dahil kung ako ang nasa sitwasyon na 'yun, hindi ba ganoon din ang maari kong maisip?

I intend to change that belief of hers tonight.

She'll be crying so bad, but this time, this is because of joy.


***


BLYTHE


"Blythe Oenone Dominguez!"

Napabalikwas ako sa lakas ng sigaw ni Amanda na halos dumagundong sa loob ng condo. Napatayo ako sa kama at sinalubong siya habang papasok ng kuwarto ko. Mula sa kinatatayuan ay nakikita ko ang nandidilat niyang mga mata.

"Amanda, what the hell? Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Hindi ka ba marunong magcheck ng phone?" She glared at me. Tumayo ako at hinagilap ang phone ko sa bag. Nang buksan ko ito ay napanganga ako sa 23 missed calls at 15 messages. It all came from her. Kaya naman pala kung makapagtaas siya sa akin ng kilay ay parang ang laki ng kasalanang nagawa ko. Agad akong nakaramdam ng pag-aalala.

"Are Mom and Dad okay? I'm sorry hindi ko nasagot. Shit... Are they okay?" Nagsisimula na akong magpanic. Namumutla na ako habang naghihintay ng sagot niya, pero lalo lang niya akong tinaasan ng kilay.

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon