30

222K 4.9K 362
                                    

Chapter Thirty


Mabilis nga talaga ang oras at mga araw kapag masaya ka. In a blink of an eye ay tapos na ang three-day vacation namin sa Villa. Kahit naman sandali lang kami doon ay marami kaming nagawa at napagkuwentuhan. For the first time, we tried to drink with each other. Mabilis akong nalasing kaya nakatulugan ko siya noong huling gabi namin. I loved the place so bad kaya nangako siya na babalik kami uli.

Ngayon ay nagmamaneho ako papunta sa opisina niya. Sinabi ko sa kanya na susunduin ako ni Amanda kaya hindi niya na ako isinabay kaninang umaga. I'm planning to surprise him. Nagpaturo ako sa kapatid ko kung paano magbake ng moist chocolate cake. After two failed attempts, may isa naman akong nagawang tama.

I parked in front of the building. Dumeretso ako sa personal elevator ni Alexander at tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin habang paakyat ito. I'm wearing a simple fuchsia-colored blouse paired with a black skirt and my favorite black Oran sandals from Hermes. The elevator dinged and I stepped out. I saw his secretary and she was about to press the intercom to inform Alexander of my presence when I interrupted her and told her not to.

"I'm planning to surprise him." I said casually as I showed her the box I was carrying. I punched the code on the panel and the glass doors slid open.

Tahimik siyang nakatingin sa laptop na nasa table niya. Nakasuot pa sa kanya ang "Someone's busy." Napapitlag siya at nagtaas ng tingin. His eyes settled on my face and just like that, a smile slowly appeared. Hinubad niya ang salamin niya bago tumayo.

"What brought you here, gorgeous?

"Surprise." I wiggled my eyebrows before showing him the box. "I baked a cake."

"You don't know how to."

I pouted. "Nagpaturo ako kay Amanda."

"Really, huh?" He sauntered and took the box from my hands. "I'm sure this tastes good, love. Dine with me." He led me to the mini living room. Kukuha na sana siya ng plato at utensils nang pigilan ko siya.

"Ako na. Just sit there, okay?" Nilagyan ko ng dalawang plato ang mesita at inabutan siya ng tinidor. Nakangiti lang siyang nagmamasid habang hinihiwa ko ang cake at nilalagyan siya ng serving.

"Thanks," he said softly. "It's judgement time." Pigil hininga ako habang hinihintay ang reaksyon niya. He close his eyes and chewed. "Mmm. Lasang puwede na."

"Ano?" Bumagsak ang balikat ko.

"I was kidding! It tastes delicious, love. Hindi masyadong matamis, just the way I like it. I also loved that you didn't use fondant, because I like the consistency of frosting better. This is amazing. Pasado ka na. Puwede na kitang pakasalan."

Tinusok ko siya sa tagiliran. "Kung hindi ako natutong magbake hindi mo ako papakasalan?"

"I was kidding, Blythe. Akala mo ba pakakawalan pa kita?" seryoso ngunit may ngiti niyang sabi bago kumuha ng isa pang slice at itinuloy ang pagkain. Masaya ako na nagustuhan niya ang ginawa ko.

"Inspired na akong magtrabaho dahil bumisita ka," he enthused. "I love you."

"I know. I love you, too." Hinalikan ko siya. Nang humiwalay ako ay nakita ko ang bahid ng pulang lipstick. The sight made me want to kiss him more.

"Look at me."

I wanted to obey. Pero hindi ko magawang maalis ang tingin ko sa labi niya.

These lips lie and curse and shout and whisper. These lips are soft and harsh and smooth and delicious. I want these sinful lips planted on mine.

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon