27

220K 4.7K 251
                                    

Chapter Twenty Seven

"Forgetting something?" Hinila ako ni Alexander papunta sa kanya. Nandidilat ang mga mata ko pero ginantihan niyo ito sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay. Inikot ko ang paningin sa paligid at lalo akong hindi naging kumportable nang makita kong may mga empleyadong nakatingin sa amin.

"I'm really not leaving without a kiss," bulong niya. Kinurot ko ang tagiliran niya at napa-igik siya sa sakit. Pati ang guard sa lobby ay nakatingin na rin sa amin ngayon. Inihatid niya ako today sa trabaho dahil ito ang set up namin tuwing Monday.

"Ang daming nakatingin sa atin!" giit ko. "Gusto mo bang ma-ichismis ka rito?"
"What's wrong with that? We're in love."
"Alexander..." saway ko. "Ang kulit mo."

Nakita kong naglalakad si Terry papasok sa building at nang makita niya ang kasama ko ay nalaglag ang panga niya sa gulat. Ito ang unang beses na nagpang-abot sila uli. Magiliw niyang kinawayan si Alexander at kumayaw naman ito pabalik.

"Sir, nice seeing you uli!" Hindi maitago ang saya sa boses niya. "Masaya ako at nagkabalikan na kayo ni Ms. Blythe. Hindi ko ho talaga gusto 'yung Avix para sa kanya. Masyadong flat ang puwit."

"Terry, ang bibig mo!"

"Sorry, madam. Sige ho, aakyat na ako."

Naihilamos ko sa hiya ang mga kamay sa mukha ko bago iiling-iling na pinaalis na ang pasaway kong assistant. Humahagikgik siyang tumakbo para mahabol ang nakabukas na elevator. Nang magsara ito ay tsaka lang ako muling humarap kay Alexander. Maloko naman ang ngiting ibinigay niya sa akin habang nakapamulsa.

"Flat pala ha."

"Stop it." Itinulak ko siya. "Aakyat na ako. Pumasok ka na sa trabaho."

"Gusto mo bang hindi ako makapagtrabaho ng maayos? 'Pag nangyari 'yon ay hihina ang negosyo hanggang sa tuluyang bumagsak ito. Magsasara ang kumpanya, maraming mawawalan ng trabaho. Karamihan sa mga empleyado ko ay pamilyado. Hindi na nila mapag-aaral ang mga anak nila. Will you let that happen?"

"Hindi lang kita hinalikan, babagsak na ang Monteverde Group of Companies?"
He smiled. "I'm sure you won't let my poor employees lose their jobs."

"Fine. Just one." Mabilisan akong humalik sa pisngi niya. "There."

"At least give me a decent kiss," he protested. An amused laugh escaped from my mouth. I tiptoed and gave him a quick peck when no one was looking.

"Thank you for saving the company."

"Whatever, Alexander. See you later?"

"See you at lunch. I'll call you." Tumango ako at pinanood siyang maglakad palabas. Nang makita kong pumasok na siya sa kotse ay tsaka ako umakyat sa opisina. Sigurado akong naikuwento na ni Terry ang nakita niya sa iba ko pang staff. Nang magbukas ang elevator at lumabas ako sa floor ay binati ako ng guard.

"Ms. Blythe, good morning. Blooming ka ngayon."

"Isa pa ho kayo." Nakangiti ako sa kanya. "Naikuwento na rin ni Terry, 'no?"

"Opo. Tuwang-tuwa nga siya narinig kong ibinalita niya na rin kay Mica at Yohan. Sabi nga ni Ma'am Terry baka raw gusto kong sumali sa itatayo nilang fans club."
"Ano?" Nagkunot ako ng noo. "Lukaret talaga ang babaeng 'yon."

Nadatnan ko ang madaldal kong assistant na nakaupo sa table niya. Nagtaas siya ng tingin at ininguso ang banana smoothie na may pangalan ko sa ibabaw ng desk niya. Kunyari ay tahimik siyang nagtitipa sa laptop.

"Terry, ano'ng fans club ang sinabi mo sa guard natin!" Kinuha ko ang smoothie at sumimsim dito. "Pinagkalat mo na agad 'yung nakita mo."
"Boto po kasi talaga ako kay Sir Alexander. Isipin mo, ma'am, hinahatid ka dati sa office, sinasamahan ka sa mga event natin, tapos dinadalhan ka rito ng pagkain sa studio before. Saan ka pa? E, si Sir Avix, for sure hindi nga siya 'yung bumili nung bulaklak na ibinigay niya sa'yo. Inutos lang niya 'yun sa secretary niya. Walang effort!" Nangalumbaba siya sa desk. "Doon tayo sa guwapo na, matipuno na, mabait, at maaalalahanin pa! Plus..." Itinaas niya ang isang daliri. "Matambok ang puwit."

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon