25

195K 5.2K 618
                                    

Chapter Twenty-Five

"Get the hell up." Itinaas ni Amanda ang blinds ng bintana habang ako naman ay nagtalukbong ng kumot. Hinila niya ito at napasigaw ako buhat ng inis. "'Wag mo na akong artehan d'yan. Kasalanan mo naman kung bakit ka miserable ngayon."

Pinandilatan ko siya kahit hirap na hirap akong buksan ang mga mata ko dahil sa pagiging maga nito. Nakatulugan ko ang pag-iyak kagabi matapos kong ikuwento kay Amanda ang lahat. Akala ko ay aaluin niya ako ngunit hinatak niya ang buhok ko at sinabihan akong hindi nag-iisip.

"Mands, please leave me alone." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. I don't want to see anyone or do anything today. Gusto ko lang makipagtitigan sa kisame buong maghapon.

"Ano'ng balak mo sa sarili mo, magpakaermitanyo? Hay nako, Blythe. Para kang sira. You left the guy you love because you're scared that he's going to hurt you? You don't know that. Pinangunahan mo na agad ng takot mo dahil ayaw mong sumubok."

"I don't want to hear it." Paos na ako. "Gusto ko pang matulog."

"Bakit ba ayaw mong sumugal?" She asked, obviously not letting me off the hook easily.

"Amanda please—"

"Ang sabi sa'yo ng manghuhula, makakakilala ka ng isang lalaking kapangalan ng prinsipe ng Troy na puwede kang mahalin ng todo. And then there is Alexander..." Lumakas ang tibok ng puso ko pagkarinig ko sa pangalan niya. "And you just let him go."

Hinahanap-hanap ko ang presensya niya. Nahihirapan akong matulog gabi-gabi dahil hindi na ako sanay na hindi siya ang katabi.

"I let him go kasi naiisip ko baka laro pa rin sa kanya ang lahat. Baka ako lang pala 'yung may nararamdaman. Baka ako lang 'yung nagbibigay ng kulay."
"He told you he's in love with you!"

"But how do I know he's telling the truth?" I asked. "Mandy..." My voice broke when I called her. Nalilito na ako. Ayaw ko ng ganito. She hugged me and caressed my back.

"He loves you, Blythe."

"How can you say that?" Nag-aalangan kong tanong.

"I can feel it. How can't you?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. "For Pete's sake, Blythe. Ipinakilala ka niya sa kapatid niya. Iniuwi ka niya sa Bicol. Mahal mo siya, at umamin na rin siya sa'yo. Pero ano'ng ginawa mo? You threw him away without giving him a chance to prove his love."

"Paano kung totoo 'yung hula? Paano kung saktan niya lang ako?"

"You've been through a lot. Dito ka pa ba susuko? 'Yan pa ba ang pipigil sa'yo?"

Tumulo ang luha ko. "I love him." I sniffed. "I should not have left him like that. Mali ako, Mands. Ang tanga-tanga ko. Bakit ko 'yun ginawa?"

"He loves you, too. And I think when you love someone, you don't just sit in one corner and wait until the chance expires. Sabi mo nga sa akin before, minsan all we get is one shot and nothing else. Tingin ko naman hindi pa huli ang lahat. You can still fix it."

"Paano kung hindi na niya ako tanggapin?" Bigla niya akong binatukan.

"Stop with the what ifs!" She glared. "Walang mangyayari kung puro ka ganyan. Everyone wants to find love and happiness and you have both dangling at the tip of your fingers. Don't waste it!" Amanda gave me a knowing look. "I know that you know what to do."

"Alexander is like a drug that I want to indulge myself with."

"You need your dose." She grinned. "Go!"

The Fall of Alexander the Great (Monteverde Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon