Chapter 26:Struggles

Start from the beginning
                                    

Biglang nagring ang phone ko.

Shet.It's Dad.

I took a deep breath and answered the phone.

" Uh..Hello?Dad?"kabado kong bungad.

"How's my princess?" masaya niyang sagot.

"Hahahaha!I...I'm good Dad!" Oh shoot.Ngayon palang kinakabahan na ko what more kung kaharap ko na siya?

"Well?Wouldn't you ask who's excited to meet you?"

Kunwaring natawa nalang ako pero sheeet...Parang tatalsik na tong puso ko sa sobrang kaba!

"Of course Dad,I know naman ikaw yun."

"Syempre!So?Don't forget dinner later okay?Is your husband going with you?"

"S-Sure po!And..yeah!Opo naman sasama yun!Let's meet later!I..I'm excited to see you!"

"Me too.Bye!Love you."

"Love you too Dad!"madali kong binaba ang call at pumunta ng bathroom para maligo.Maaga sigurong pumasok si Xander dahil ngayon na yung TDR para sa play namin.Ohmy!!!Ngayon..NGAYON NA YUNG TDR!!!!!?

TDR(Technical Dress Rehearsal)

P-Pano kung..Pano kung di magkasya sakin yung damit ko?Pano kung mahalata yung baby bump ko sa fitted kong damit?!!No pleaseeee...PROBLEMA!!!KUNG TALAGANG MATAPANG KA PWEDE WAG SABAY SABAY?!!!ISA-ISA LANG NAMAN OH!T.T

---

Lumabas na ako ng bahay at naglakad nalang palabas ng village.Sinabi ni Xander na magtricycle raw ako tas magtaxi nalang padiretso sa school.Pero masyadong magastos!Buti nga eto..naglalakad lakad ako,may nabasa kasi ako na maganda raw sa pagbubuntis yun.Hindi mahihirapang manganak yung Mommy.

Nasa labas na ako ng village namin nang ilang saglit pa ay may humintong sasakyang puti sa harap ko.Akala ko tulad to ng mga van na ginagamit sa kidnapan!Kasi..diba?Puti rin yon.Hays!Masyado na talagang napo-pollute ng social media ang utak ko.Nakaka-paranoid e!

Biglang bumaba ang bintana.Dadapa na sana ako kasi baka mamaya bigla akong i-assassinate tas pagbabarilin.Haay!Ano ba tong mga naiisip ko!

"Hop in!"biglang dumungaw si Ate Audrey na nasa driver's seat at nakashades pa.Ang dyosa talaga niya.Feeling ko pati yung pagkababae ko nakukwestiyon kapag magkasama kami.Okay.I'm not a lesbo...it's just that..sobrang ganda niya.I actually want to be like her someday.

Nagulat man ako ay mas minabuti ko nang sumakay sa kotse niya.

"A-Ate Audrey pano mo nalamang dito ko nakatira??!"halos mataranta kong sabi.Shet.Ano ba yan,unti-unti nang nabubunyag tong hideout namin ni Hubby.

She rolled her eyes as if I asked her the most absurd question.

"Duh?I followed you the last time we hanged out.I just had to make sure you'll go home safe and sound.Ayaw mo kasing magpahatid,and I felt like I had the responsibility to do that since I'm the last person you're with at ako pa ang nagyaya sayo non.So yeah..to make the story short,I might be a detective in my past life."mahabang sabi niya sabay kindat sakin.She's really full of humor.

Pero...

"DETECTIVE?!!"gulat kong sabi.

Shet!Pano kung sa sobrang mausisa niya e mahuli niya kami ni Hubby?!Magkakilala pa naman sila...pano kung malaman niya?!Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nangyari yun.

"I'm kidding okay?!I didn't thought you'd actually fall for that."natatawa niyang sabi saka nagmaneho.

Nakahinga naman ako ng maluwag.Sa mga oras na to sobrang paranoid na ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TEACHER SLASH HUSBAND[ON-HOLD]Where stories live. Discover now